Chapter 3

8 2 2
                                    

*Tina's POV*

Halos dalawang araw na ang nakalipas matapos ang huling pagkikita nila ng so-called boyfriend slash rebound niya. Hindi talaga siya makapaniwalang pumyag ito sa plano ng baliw niyang mga kaibigan. Hindi niya inakalang pumayag ang isa sa pinakagwapo at pinakasikat sa campus nila na maging rebound niya. Ipinilig niya ang kaniyang ulo. What was she thinking? Na-
attracted ito sa kanya? Pumayag lang ito dahil sa pagkaka-alam niya, gusto nitong maghiganti sa ex nito. And guess what? Ang ex nito ay si Julianne, the bitch whom Kent make love to. Lalong sumidhi ang kaniyang damdamin na maghiganti rito. Hindi talaga niya palalampasin ang pagtataksil ni Kent. Mahal pa naman sana niya ito. Napabuntong hininga siya. Oras na makita niya lang itong nagsisi ay okay na siya. Tatapusin niya agad ang lahat ng kabaliwang pinasukan niya.

“Andiyan ka lang pala.”

Napalingon siya. Biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso ng makita niya si Dastan na papalapit sa kanya. What was that? Nagulat lang ako!

“Kanina pa kita tinatawagan ngunit walang sumasagot.” Napanguso ito na parang batang iiyak.

Bigla siyang napangiti. “Paano mo naman nakuha ang number ko?”

“Wag mo ng tanungin. I have my own ways.” He winked.Napatunganga siya rito. Nasabi niya na bang charming ito at mas lalong gumugwapo ito sa malapitan?

“Huwag mo naman akong masyadong titigan. Natutunaw ako.”sambit nito at tumawa.

Napatuwid siya ng tayo. “H-hindi kita tinitigan! Assuming masyado. Tse.”

Napangisi ito. “You‟re blushing.”

Bago pa siya makaprotesta ay may narinig silang mga yabag at malalakas na tawa. Hindi na niya
kailangang lumingon para alamin pa kung sino ang may ari nun. Alam na alam niya ang tunog
ng tawa nito.

“They‟re here.”bulong ni Dastan sa kanya.

Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa kanya.Halatang nagulat sina Kent at Julianne ng makita silang magkasama ni Dastan. Kitang-kita niya kung paano na-estatwa si Kent sa kinaroroonan nito.

“As I was saying, gusto kang ma-meet ng parents ko.”malakas na sambit ni Dastan at hinapit ang
baywang niya. Napakindat ito sa kanya.

“You know sweetheart, I‟ve never introduced any girl to
my family yet.” Napangiti ito ng pagkatamis-tamis sa kanya.

She smiled awkwardly. “Sure sweetheart. Hinding-hindi kita bibiguin. I‟m dying to meet my
future family-in-law.”

Hinawakan nito ang kamay niya. “Great! Now let‟s get outta here. Parang biglang dumumi ang
atmosphere. Makakasama sa‟yo „to, lalong lalo na sa maganda mong muhka.”

Hinila siya nito palayo sa nakatulalang Kent at Julianne. Halatang nagulat ang mga ito sa narinig. At hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa reaksyon ng mga ito.

“Have you seen that? Nakakatawa ang mga mukha nila.”sambit ni Dastan ng makalayo na sila sa
parking lot. Humagalpak ito sa kakatawa.

Napatawa rin siya. Ngayon niya lang napansin na magkahawak kamay pala sila, at ang mabilis
na tibok ng kaniyang puso. Agad niyang binawi ang mga kamay niya rito.

“Uhm, m-mauna na ako. May last period pa kasi k-kami.” Bakit nauutal ako? Tumikhim siya.

Napangiti ito. “Sure! Go ahead.” Akmang aalis na siya ng tinawag siya nito.

“Tina!”sigaw nito.

Napalingon siya. “What?!”

“You look great.”sambit nito at napangisi.

Her heart beats even faster. Napakagat labi siya at tinalikuran na lang ito. What the hell is
happening to me?!

-------------------------------------------------------------

“Now tell me dear, bakit hindi ko makuha „tong sagot sa assignment natin sa Chemistry? Halos
mabaliw na ako sa kaka-solve nito ah!”

“Alam ko na ang sagot. Sabi nitong calculator ko, syntax error daw.”

“Tama ba iyan? Baka mali naman yan. Ano sa tingin mo Tina?”

“Tina!”

Tiningnan niya ng masama ang tatlo niyang kaibigan na sumigaw.

“Ano naman bang problema
niyo ha? Nasa canteen tayo ngayon tapos sumisigaw pa kayo. Bastos.”

“Kanina ka pa namin kinakausap, hindi ka sumasagot! Ano? Tulala ka na lang diyan?”inis na sambit ni Euki.

“Nag-da-day dreaming ata.”usal ni Praicy.

“Oooh. Don‟t tell me, pinapantasya mo na yung pinsan ko?”tanong ni Rhianne.

Agad naman silang nagsitawanan.

“Nooo way! Mga baliw talaga kayo!”

Inirapan niya ang mga ito. Kahit kailan talaga, alam ng mga ito kung ano ang nasa isip niya. Napaubo siya. What? No. Erase. Erase. Hindi niya pinapatansiya ang lalaking iyon. Umiling siya. Hindi niya ito type. Hindi. Hindi.

“Tingnan niyo, pa-iling iling pa si Tina. Baka nga nagda-day dreaming kay Dastan. ” tukso sa
kanya ni Euki.

“Tumahimik ka nga. He‟s definitely not my type! He‟s annoying, he‟s a jerk! He‟s a playboy, he‟s-“ Hindi niya natapos ang kanyang sinasabi ng nakita niya nanlalaki ang mga mata ng kanyang mga kaibigan.

“Oh bakit?” inosente niyang tanong.

Tumikhim si Rhianne at tumayo.

“Hey cousin. Andiyan ka pala. Why don‟t you join us?”

Bigla siyang na-estatwa sa kinauupuan niya. Hindi niya magawang lumingon sa kausap nito.

“No thanks. Napadaan lang naman ako para sabihing may program mamayang hapon. Yung venue sa gym natin.”

Naglakad na ito palayo. Hindi niya maalis ang kanyang mga mata sa likuran nito. Lumingon ulit ito sa kanilang pwesto at nagtama ang kanilang mga mata. Agad siyang
nginitian nito at tuluyang umalis.
Napalingon siya sa likuran niya. Wala namang ibang tao dun. Ibig sabihin, siya talaga ang nginitian nito? Lihim rin siyang napangiti.

“Ayan na. Kinikilig na ang lola natin.” Sambit ni Praicy at napangisi sa kanya.

“Akala ko nga, magagalit yun kasi narinig niya yung mga pinagsasabi ko.”usal ko sa kanila.

“Naku. Paano yun magagalit, eh boyfriend mo nga yun diba? Hello? Nakalimutan mo na ba?”sambit ni Euki.

“At ito namang si Tina eh, kunwari hindi daw type yung pinsan ko. Pero kung makatitig, sobrang malagkit.”sambit ni Rhianne sabay tawa ng malakas.

Binatukan niya ito at agad na pinagtawanan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving Mr.ReboundWhere stories live. Discover now