Bakit ganun?
Lagi nalang naiinlove ang isang tao sa isa sa pinaka sikat sa school nila.
Heartthrob daw?
O di naman kaya Captain nang Basketball Team.
Kagaya ko, Nainlove ako sa isang member ng Dance Crew sa School namin.
Hindi naman totally inlove as in, parang like lang.
Hindi CRUSH. Hindi LOVE. Tamang like lang.
Hindi naman sya kagalingan sumayaw, tamang marunong lang. :]]
Ako nga pala si Micah Angela Dela Fuerte pero “MHYHE” tawag sakin ng mga kaibigan ko.
At may like ako. Ako lang ang nakakaalam na like ko sya.
Ang pangalan niya ay Justin Jude Lewis. JJ tawag sa kanya nung mga kaibigan niya.
Chaser pangalan nung group nila, bale 7 silang member nun.
Hindi ko siya kaklase, at lalong hindi kami magkaibigan.
Bwisit kasi yang taong yan eh.
“Hi POODLE.” Kumunot yung noo ko nung narining ko yan.
“Pakyu.” Sabi ko nang hindi siya tinitignan.
“Taray naman neto.” Sabi nung kaibigan ni Jude. Si ano ata to eh si Travis.
“Pwede ba? Kung mangaasar ka umalis ka na lang.” Sabi ko habang nakataas ang kilay.
Hindi na siya nakaimik pa kasi tinawag na siya ng mga tropa niya.
“Alam mo bagay kayo.” Sabi sakin nung kaibigan ko.
“Hindi kami bagay, kasi tao kami.” My friend rolled her eyes on me.
“Vice Ganda ikaw na ba yan?” Sabi naman ni Jenique.
“Kala ko ba yung Jude ang gusto niyan?” Tanong ni Jeane.
“Hindi na oy, gwapo nga sama naman ng ugali.” Sabi ko.
“Sus, If I know my lihim na pagtingin ka pa dun.” Sabi ni Krysell.
“HAHAHAHA!” Tawanan silang lahat.
=____=
“Sira. Tara na nga.” Sabi ko.
Uwian na kasi kaya eto nakatanga na naman kami. Nagiisip kung saan kami gagala.
Paano nga ba kami nagkakilala niyang si Jude?
FLASHBACK ~
First Day of school, grabe daming tao. Andito kami ng barkada ko sa GYM. After mag-speech nung DEAN eh my nag-intermission number.
Grabe makatili yung ibang studyante, nagstart na silang magsayaw.
“Hindi naman magaling. Ano ba yan?” Sabi ni Jeane. Barkada ko magaling yang sumayaw kaya ganyan magcomment.
“Gwapo naman!” Sabi nila Kriz at Krysell.
“Asan gwapo jan?” Tanong niya.
“HAHAHA. Eto naman. Ayun oh.” Turo ko. Yung medyo messy yung hair tapos medyo parang blonde na brown yung kulay.
After nung orientation pumunta na kami sa kanya kanya naming room.
Anim kaming magbabarkada na pare-pareho ng course, AKO si Kriz si Krysell si Jenique si Jessa at si Cath. Yung iba eh bahala na sila. HAHA . JK!
Narinig naming na “THE CHASER” pala name nung group na nagsayaw kanina. Tas JUDE name nung crush ko.
Oh diba? Pangalan pa lang gwapo na? :D
After nun lagi na naming sinusundan yung mga yun.
Hindi kami stalker, nagoobserve lang kami. :]]
“Tigilan niyo na nga yan.” Sabi samin ni Jeane. Siya kasi yung parang leader naming kahit na mas matanda ako jan. Katakot yan. >.<
Kahit sinabihan kami ni Jeane hindi pa din kami tumigil. :]]
Nung birthday nga ni JUDE dumaan siya sa tapat name tapos binate ko.
“JUDE! Happy Birthday.” With matching super ngiti pa.
Tumigil siya sa paglalakad tapos humarap sakin.
“Pwede ba? Alam kong crush mo ko pero sana wag mo naming ipa-obvious masyado. Nakakaasar na eh. Sunod kayo nang sunod samin. Parang mga stalkers. Nakakairita na. Pati girlfriend ko pinagseselosan ka eh. Kaya kung pwede lang itigil mo na yun.” Sabi niya. Yung tono nung pananalita niya grabe parang galit na galit.
Kami nung barkada ko pahiya nun nang sobra. AS IN. Kulang nalang magpalapa kami sa aso sa sobrang hiya.
“Ang yabang mo naman. Bakit kala mo ikaw sinusundan namin? Tsk. Eh hindi ka naman ganun ka-gwapo eh. Mas gwapo pa nga sayo yang si Daniel eh.” Sabi ni Jenique.
Jude smirked.
“Girlfriend mo na nga diba? Bakit nai-insecure pa? Pangit ba siya? Yabang eh. Yaan mo titigil na kami as you wished.” Sabi yan ni Kriz. Diba? Friends forever.
Walk-out kaming anim.
At simula noon hindi na namin sila sinusundan. At galit kami sa kanila.
“Hoi. Nagde-daydream ka na naman jan.” Sabi sakin ni Krysell.
“Hindi kaya.” Sabi ko.
Andito kami sa School of Rock. Nagjajam lang. :D
“Wala to.” Sabay ngiti.
Umuwi na kami after mag-jam.
BINABASA MO ANG
Dancing Craze!
RomanceEverybody has their own love story. Everybody has their own crushes. Love comes when you least expect it. I didn’t expect I’ll fall for him. That stupid creature I used to call my ENEMY. He’s ANNOYING. He’s IRRITATING. He’s ARROGANT. I thought he’...