IV.

83 2 1
                                    

-MHYHE-

Ayun Sabado ngayon, wala masyadong gagawin.

At andito kami sa bahay nila Tara. Barkada din naming to simula Highschool hanggang ngayon. Kaso iba ang pinapasukang School kaya ayun.

Bakit kami andito? Simple lang, magprapraktis kami eh.

“Kelan nga tong sasalihan natin?” Tanong ni Jenique kay Jeane.

“October something pa so mahaba pa preparation natin.” Sabi niya.

“Hanap lang muna tayo ng music ngayon tas nuod nuod din ng vids.” Sabi pa ni Jeane.

Anung sasalihan namin? Sikretong malupet. HAHAH.

Ayun si Jeane, Jessa at Kriz muna yung nagprapraktis tas after nun ituturo nila samin.

“Kain muna kayo.” Sabi nung mama ni Tara.

EH di kumain kami. HAHA.

Para kaming patay gutom. Pero sanay na kami ganyan talaga.

“Next Saturday na ulit tayo magpraktis kapag nabuo ko na yung routine.” Sabi ni Jeane. Nagnod naman kaming lahat.

Ayun uwian na. Sabay sila Jeane, Hazel at Kriz umuwi, magkakapitbahay naman sila eh.

Tapos sila Onel at Krysell sabay din iisa lang ang sinasakyang jip.

Tapos si Cath, Jizza at Jenique ang magkakasabay so in short MAG-ISA akong uuwi. Nganga.

Pero syempre sabay sabay kaming pumupunta sa sakayan magkakaiba lang kami ng bababaan.

Lahat kami dalawang sakay simula dito sa bahay nila Tara.

Ayun lakad ….

"Aray." Sabi ko. Ang sakit eh may bato palang nakaharang. Putik talaga.

@__________________@

Andito na ako sa kanto nung street nila Jude. Asungot na yun.

8pm something na buti nalang may mga ilaw ng poste kaya hindi madilim.

Nakita ko si Clinton. Kapitbahay ko to’ crush ko pa. Chinito yan. HAHA Gwapings. Pero mas gwapo si FAFA JUDE. :P

“Oy, gabi na ah.” Sabi ni Clinton.

“Onga eh. Kanina pa. Ngayon mu lang napansin?” Sabi ko.

Tumawa naman siya. “Haha. Ikaw talaga.” Ginulo niya lang yung buhok ko.

“Grabe, gabing gabi na nakikipaglandian ka pa. Mahiya ka naman.” Sino pa sa tingin niyo ang magsasabi niyan.

Nagiisa lang yan JUSTIN JUDE LEWIS.

“Ikaw ang mahiya, Basketball Court yan ginagawa niyong practice room.” Sabi ko sabay irap.

Oo, nagprapratis sila. Feeling nila kanila yung court eh. Bwisit.

“Chill lang pare. Kung nagseselos ka sabihin mo nalang.” Sabi ni Clinton.

“A-ako? Magseselos? Laking gwapo ko naman sayo Pare.” Sabi ni Jude. Hangin pucha. Puro kayabangan.

Nag-smirk naman si Clinton. “Ah so gusto mo si Mhyhe?” Tanong niya.

Dancing Craze!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon