CLARENCE yung pic :D
-KRIZ-
Monday na naman. Grabe! Nakakapagod. Ubos na pera ko dahil sa letcheng Pictures at Video nato. Takte...
inedit ko pa. Pag eto hindi niya nagustuhan isusungaba ko pagmumuka ng Clarence na yan dito.
Muka akong tanga dun sa Mega Trade Hall. Pano ako lang magisa tapos siksikan pa. As in Super CROWDED. Tapos nung lumabas yung The Chaser kala mo may sunog eh.
Tapos biglang dumating si Jarred yung friend ko. Yung member din ng Photography Club. Tinulungan niya ko kahit konti lang.
Hindi ko na nahintay sila Micah nun kase nakakainip tapos siksikan pa. Pumunta naman ako ng Backstage para magpicture. I congratulated them as well pero patago. Malaman pa yung secret namin eh di tapos ang buhay. Hahaha.
Uwian na at hindi ako sumabay sa barkada ko. Idadaan ko pa kasi tong pictures na kuha ko sa club. Tsaka my meeting din ata.
Sakit ng ulo ko.
D:
Andito nako.
Nakita ko si Clarence may sinasabi kung ano ano.
"Kriz, you're late." Sabi niya.
Gagawin ko!? Eh sa ngayon lang nagpalabas yung Prof. ko!
"Oh. Ayan na yung pinapakuha mo." Nilagay ko sa table niya yun. Aalis nako dito. Kakabadtrip eh.
"At san ka pupunta?" Tanong niya.
"Uwi na. Ge." Sabi ko. Hinigit ba naman yung kamay ko. Naman eh.
"Anu ba?" I shouted at him. Gosh he's annoying.
"Titignan ko pa siya. Tapos tsaka mo pa lang malalaman if member kana." Sabi niya.
"Sabihin mo nalang bukas." Mahina kong sabi.
"Hindi. Hintayin muna." Sabi niya.
"Takte, ako hindi pa member tapos sila okay na? Eh ako laking hirap ng dinanas ko para lang jan tapos hindi pa ko member?" Sabi ko. Lahat ng member nakatingin samin.
"Pwede ba kung ayaw mo ako dito sabihin mo nalang ng maayos. Nagmumuka akong tanga eh." Asar na asar nako.
"Tsaka kung may away man yung barkada natin wag mo namang dalhin dito. You should act like a professional. President ka pa naman."
@_____________@
Itsura nila. Hindi ko na hinintay na makaimik pa si Clarence. Umalis nako. Sama ng pakiramdam ko eh.
-Clarence-
Nagalit ko ata. Halaaaa!!
Andito ako sa tambayan namin. Nakita ko na yung mga kuha ni Kriz. Ang ganda nga eh. Tapos yung video kakatapos lang naming panuodin.
"Si Kriz talaga kumuha niyan?" Tanong ni Tom.
"Galing niya." Sabi pa niya.
"Kaya pala. Full support GF mo sayo. Ginawan ka pa talaga ng video." Sabi ni Kyle.
"Hindi ko GF yun." Sabi ko.
"Tsaka para sa club yan!" Dagdag ko pa.
"Ngek. Kelan pa naging priority ng club niyo yung mga contest na sinasalihan natin?" Tanong ni Daniel.
Kelan nga ba? Hindi naman priority ng club yun eh. Tsk..
"Wala yun. Gusto mo gawin natin siyang official photographer natin? Para naman makasama mo siya ng matagal." Suggest ni Kyle.
"Wag na." Matipid kong sagot.
~Kinabukasan~
Andito ako sa may gate. Hinihintay ko si Kriz.
Magta-time na. Asan na ba yun? (ㄒ﹏ㄒ)
"Oy, anong gingawa mo jan?" Tanong sakin nung babae. Kaklase ko ata to'
"May hinhintay lang." Sabi ko.
"Ah sige, una na'ko." Nagnod ako.
After ilang minutes nakita ko na siya. Nakaheadset na naman walang pakialam sa mundo.
"Hoy." Sigaw ko.
Naglalakad pa din siya. Hinabol ko na. Tsk.
"Anu bang problema mo?" Tanong ni Kriz.
"Ano... Kasi.. Gusto ko lang magsorry." Nakakahiya. Ang hirap kayang magsorry.
Tinignan lang niya ako.
"Tapos na yun. Napahiya nako. Wala na din namang magagawa yang sorry mo."
Tagos naman sakin yung sinabi niya. Inilagay niya ulit yung headset sa tenga niya tapos lumakad na palayo.
"Teka lang naman!" I grabbed her wrist.
"Eto nga pala yung mga pictures. Pasado ka na nga pala sa club. Every friday yung meeting after class." Sabi ko. Tinitigan lang niya ako. Problema niya?
"Kinuha ko yan para sayo kasi sabi mo. And I assume na para sayo yan. Or kung kanino man. Tapos ibabalik mo lang sakin? Anong gagawin ko jan? Tititigan ko para lalong maasar kasi hindi ako nakapunta dun sa pupuntahan ko nung araw na yon." Ay, isinumbat sakin. Grabe ng katarayan neto.
"Hindi naman sa ganoon. Ano kasi..." Wala na pala akong kausap. >>>___________>>>
Naiwan lang akong nakatayo.
"Hoy! Tatanga ka lang jan. Eh late kana!" Sigaw niya. At dun ako natauhan... :))
Concern din pala siya sakin. Late na din naman ako pati siya.
"Hatid na kita." Offer ko.
"Konsensya ko pa kapag hindi ka nakapasok sa first subject mo. Kaya wag nalang." Kumaripas na siya ng takbo. Late na siya eh.
Pumunta nalang din ako sa room ko. Napagalitan ako kasi nga late ako. Pero pinapasok pa din ako.

BINABASA MO ANG
Dancing Craze!
RomansaEverybody has their own love story. Everybody has their own crushes. Love comes when you least expect it. I didn’t expect I’ll fall for him. That stupid creature I used to call my ENEMY. He’s ANNOYING. He’s IRRITATING. He’s ARROGANT. I thought he’...