-JUDE-
“Magkasalubong na naman yang kilay mo.” Sabi sakin ni Janise.
Si Janise yung kapatid kong makulit. Actually twins kami eh.
“Pwede ba?” Sabay tingin ko sa kanya ng masama.
“Hindi. Hindi pwede. Problema mo Kuya?” Tanung ni Janise.
“Yaan mo na yan Janise. PMS kasi hindi niya nakausap labidabs niya.” Sabay ngisi ni Kyle.
“Ulul. Tumahimik ka nga.” Sabi ko.
“Ano bang nangyari?” Tanung nang makulit kong kapatid.
“Eh kasi si Travis inaasar si MHYHE you know, labidabs niyang kuya mo. Eh napikon ata. HAHA” Tawa ni Clarence habang nagkwekwento.
“Bwisit.” Tumayo na ko para umalis.
“Speaking of MHYHE, ayun siya oh.” Sabay turo ni Daniel kay Mhyhe. Napatingin naman ako.
Dun siya nakatira sa kabilang kalye malapit samin. Eh may shortcut pag dumaan dun sa kalye namin kaya ayan.
Andito nga pala kami sa court, ginagawa kasi naming tong practice area pag-minsan.
“Ate MHYHE.” Tawag ni Janise. Makasigaw eh, magka-age lang naman sila.
Tumango lang si Mhyhe tapos umalis na din.
~Kinabukasan~
Andito ako sa hallways, medyo maaga para sa First Subject ko, eh napaaga ata ako ng pasok eh.
Ganda ng mood ko eh, syempre Friday na. Walang pasok the next day. :]]
BOOGGSSSHHH.
Pucha, may kung sino mang nilalang na bumangga sakin. Peste naman oh.
“Hoi miss, ang tanga mo naman kasi. Laki laki ng hallway oh nangbabangga ka pa. Hindi ka kasi tumitingin. Tignan mo nga oh, sakin pa natapon yang chuckie mo. Bwisit.” Sabi ko habang tinuturo yung damit kong nadumihan. Umagang umaga naman oh.
“Sorry.” Nag-bow yung babae. Ano siya hapon? Maka-bow daig pa intsik.
“Sorry talaga.” Biglang tinaas nung girl yung ulo niya. Pucha, si Micah pala.
“Grabe ha? Hanggang dito ba naman sinusundan mo ko? At talagang binangga mu pa ko para lang mapansin kita ha? Grabe lang.” Sabi ko sabay smirked.
“Hangin. Kapal din ng muka mo eh. FYI building to ng course ko. If hindi ako nagkakamali ang layo ng Engineering bldg. dito. Kaya baka ikaw ang sumusunod sakin?” Sabi niya habang nakataas kilay.
Kapal din ng muka neto eh.
“Tsaka nagsorry na ako. Kung hindi mo tatanggapin problema mo na yun. Bwisit.” Sabi niya tas umalis na. Nagtatakbo na. Late na ata.
Ang dumi ng damit ko. Bwisit. Wala pa naman akong extra.
“Anung nangyari sayo?” Tanong ni Travis.
“Wala. Bwisit.” Sabi ko.
May isa kasi kaming subject na dun naka-assign sa building nila Micah. At tuwing Friday lang yun, hindi ko siya sinusundan.
Hindi naman kasi talaga ako galit dun, oh sa barkada niya. Naasar lang talaga ako dati.
~Flashback~
“Hon, anong problema?” Tanong ko kay Kaylie. Girlfriend ko.
“Yang mga yan, lagi nalang sumusunod sayo, sa inyo. Nakakaasar na.” Sabi niya sakin sabay turo dun sa isang grupo ng mga babae.
“Hayaan mo na sila.” Sabi ko sabay hug sa kanila.
Tapos nung birthday ko, binate pa talaga nila ako nang pagkalakas lakas. -_________-
Kaya ayun nasungitan ko pa tuloy. At simula nun nagkagera na between samin at sa barkada niya.
At anung nangyari sakin at sa GF ko. Wala na.
Simula nung nagka-away na eh hindi na sila nanunuod nang mga sayaw namin.
Hindi na rin kami sinusundan which is good.

BINABASA MO ANG
Dancing Craze!
RomanceEverybody has their own love story. Everybody has their own crushes. Love comes when you least expect it. I didn’t expect I’ll fall for him. That stupid creature I used to call my ENEMY. He’s ANNOYING. He’s IRRITATING. He’s ARROGANT. I thought he’...