**
***Continuation*
Joaquin's P.O.V.
"*tsup* I love you." hinalikan ko sya sa labi at madaling tumakbo palabas ng kwarto nya.
Halata sa mukha nya na nagulat sya sa ginawa ko kaya hindi siya agad nakapagreact.
"JOAQUIN MANANSALA!!!!!" sigaw ni Chichay at narinig ko ang yabag ng paa nya na nagmamadaling tumakbo para mahabol ako.
Nagmadali akong tumakbo pababa ng hagdan at dumiretso sa kusina.
"Mamabear!!" natatawa kong sabi at tumakbo papunta sa kanya.
"Hoy Joaquin! Ang Epal mo!" sabi ni Chichay habang hinahabol ako.
"Peace tayo bal." Sabi ko habang nagtatago sa likod ni Mamabear.
"Peace mo mukha mo!" sabi niya at pilit parin akong hinahabol.
"Oy oy oy. Kayo, tama na yan. Kakain na tayo." sabi ni Mamabear at umupo na.
Umupo na din ako sa tabi ni Mamabear at tumabi naman sa akin si Chichay.
"Humanda ka sa akin mamaya." bulong sa akin ni Chichay.
Nag-umpisa na kaming kumain at tahimik na ang lahat.
Biglang nagsalita si Papabear.
"Sembreak nyo na dba? Anong plano nyo gawin?" tanong nya sa amin ni Chichay.
"Ah Papabear, buti pa natanong nyo yan. Nagbabalak po sana kami ni Chichay ng out of town." sagot ko sa kanya.
"Saan naman? Tsaka sinu-sino kayo?" tanong nya sa akin.
"Sa Palawan po sana. Kasama po namin sila Kit, Dominic, Patricia, Amanda tsaka po yung pinsan ni Amanda. Tsaka po pala si Pedro gustong isama ni Chichay." sabi ko sa kanya.
"Sheryosho? Kashama ako??" sabi ni Pedro na puno ng pagkain ang bibig.
"Pedro, don't talk when your mouth is full." sabi ni Ate Bubbles sa kanya. Nag-peace sign naman si Pedro. Psh. Pacute nanaman.
"Gaano naman kayo katagal dun?" tanong ni Mamabear.
"Baka po 5 days and 4 nights. Kung okay lang naman po sa inyo." sagot ko sa kanya.
"Ano papabear?" tanong ni Mamabear sa kanya.
"Sige. Walang problema. Basta, hiwalay ang kwarto ng lalaki at babae. Nagkakaintindihan ba tayo Joaquin?" seryosong sabi ni Papabear.
"Opo Papabear." nakangiti kong sabi.
"Yey!!" sabi ni Chichay habang pumapalakpak pa.
"O, mamaya ka na maexcite. Kumain ka muna jan." pabirong sabi ni Papabear.
Ngumiti naman si Chichay kay Papabear at pinagpatuloy ang pagkain.
*
Pagkatapos kumain ay tinulungan ko sla ate Bubbles na magligpit ng pinagkainan namin.
"Brad, ako na jan." napalingon naman ako sa nagsalita.
"Ah, hindi. Ako na. Okay lang." sabi ni Chichay kay Pedro at nginitian nya ito.
"Bakit ba nya nginingitian ng ganun ung Pedro na yun? Dapat ako lang ang nginingitian nya ng ganun." bulong ko.
"Huy. Anong binubulong mo jan Pogi?" sabi sa akin ni Ate Bubbles.
BINABASA MO ANG
His Priority (KathNiel Fanfic)
FanfictionI'm his girlfriend but I never felt that I am his priority.