Chapter 3

973 14 0
                                    





Daniel's P.O.V.



1 week na simula nung nagkaayos kami ni Chichay ko. 1 week na ding hindi nagpaparamdam sa akin si Amanda. Siguro nagtampo yun. Pagkatapos kasi ng Surprise ko kay Chichay kinausap ko siya.


FLASHBACK

Nandito ako sa bahay nila Amanda. Pumunta ako dito para kausapin siya.

"Hi Joaquin! Buti nalang nandito ka na. Tatawagan na sa kita eh. Magpapasama lang sana ako sa office ni Papa." Sabi ni Amanda at umupo siya sa tabi ko.

"Sorry Amanda, pero hindi ako nagpunta dito para samahan ka." sabi ko sa kanya

"Bakit Joaquin? May problema ba?" hinawakan nya ang kamay ko.

"Tayo Amanda, bestfriend, Wala tayong problema. Pero kami ni Chichay, yung girlfriend ko nagkakaroon na kami ng Problema."

"Chichay? Chichay nanaman! Lagi nalang si Chichay! Joaquin bestfriend mo ako! Ako dapat yung priority mo." pasigaw nyang sabi sa akin.

"Hindi Amanda. Mali eh. Oo, bestfriend kita. Pero siya yung girlfriend ko. Dahil parati kitang sinasamahan sa mga oras na kailangan ko nawalan na ako ng oras sa kanya. Imbis na si Chichay yung priority ko naging ikaw na. Amanda, mahal na mahal ko si Chichay. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin pag nawala sya."

"Tinatapos mo na ba yung friendship natin Joaquin? Tinatapon mo na ba yung 10 years natin na pinagsamahan?" umiiyak siya ngayon sa harapan ko.

"Amanda hindi ganon ang gusto kong mangyari. Ikaw parin ang bestfriend ko. Kailangan ko lang bawasan ang oras na ikaw ang kasama ko. Kailangan kong bigyan ng oras yung girlfriend ko. Sana maintindihan mo Amanda. Sige, aalis na ako."

"Joaquin, wag mo akong iwan. Please." umiiyak niyang sabi.

"Amanda hindi kita iiwan. Kailangan ko lang bumawi sa girlfriend ko. Sana maintindihan mo." sabi ko at lumabas na ako ng bahay nila...



END OF FLASHBACK.


Yun yung huling beses na nakausap ko si Amanda.

Uwian na namin ngayon. Tinext ko si Chichay na hihintayin ko siya sa sa tapat ng school. May dala akong sasakyan at dadalaw ako kla Chichay.


"Joaquin!" sigaw ni Chichay na palapit sa akin.

Sinalubong ko naman siya ng yakap at hinalikan siya sa noo.

Parang may mali... Pero hindi ko nalang pinansin.

"Tara na?" aya ko sa kanya

"Tara." sagot niya.

Pinagbuksan ko siya ng pinto at sumakay na siya. Sinara ko na yung pinto at pumunta sa kabilang part ng sasakyan at sumakay na sa drivers seat.

Nagdrive na ako papunta sa bahay nila.

"Alam na ba nila Papabear na pupunta ako ngayon?" tanong ko sa kanya

"Hindi eh. Nakalimutan ko kasing sabihin sa kanila kahapon." matamlay nyang sabi.

"Carebear bakit ang tamlay mo? May masakit ba sayo?" tinabi ko muna yung sasakyan at hinipo yung noo nya.

"Carebear ang init mo! Bakit di mo sinabi na may lagnat ka pala?" sermon ko sa kanya

"Wala akong lagnat. Hot lang talaga ako." Biro pa nya sa akin.

His Priority (KathNiel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon