Chichay's P.O.V."Carebear." bulong ni Mamabear.
Dumilat naman ako at tumingin sa kanya.
"Bakit po?" tanong ko sa kanya
"Kamusta na yung pakiramdam mo?"
"Medyo okay na po. Inalagaan po ako ni Joaquin." sabi ko sa kanya
"Mukhang napagod si Joaquin eh." sabi ni Mamabear.
"Po?"
"Ayun oh, natutulog sa sofa." sabi ni Mamabear at tinuro.
"Hindi pala siya umuwi." sabi ko
"Sinabi ko kasi na alagaan ka muna hangga't wala ako. Halos 12mn na kami nakauwi ni Papabear mo eh. Nung sumilip ako dito nakita kong pareho na kayong natutulog kaya hindi ko na ginising si Joaquin."
"Ganun po ba? Bakit po pala nakabihis kayo? May pupuntahan po ba kayo?"
"Carebear, pupunta kasi kami ni Papabear mo sa Cebu. Diba sinabi naman namin sayo yung plano na magtayo ng amusement park dun? Itutuloy na namin yun. Kailangan kasi naming asikasuhin eh." paliwanag ni mamabear
"Gaano po kayo katagal dun mamabear?"
"Hindi ko pa alam carebear eh. Siguro 1 month o mas matagal pa. Basta, tatawagan kita lagi ha? Tsaka pag naman may oras uuwi din ako dito. Okay lang ba yun Carebear?"
"Okay lang po mamabear. Ingat po kayo dun ha?" sabi ko sa kanya
"Oo naman anak. Ikaw din mag-iingat ka. Aalagaan mo yung sarili mo ha? Baka magkasakit ka nanaman. Papabantayan kita kla Kuya Nanoy mo tsaka kay Joaquin."
"Okay lang po ako dito mamabear. Wag po kayong mag alala." sabi ko at niyakap siya.
"Sige na Carebear, kailangan na namin umalis eh. Text mo nalang ako pag may problema. Babye."
"Bye mamabear."
Paglabas ni Mamabear sa kwarto ko tumayo na ako at nagpunta sa CR. Nagtoothbrush at naghilamos na din ako. Pagkatapos ko ay nilapitan ko si Joaquin.
"Bal." Sabi ko at tinapik yung pisngi nya.
"Hmmm" Sabi niya
"Bal, gising na."
"5 minutes pa Mama."
"Mama ka jan. Uy Joaquin. Gising na." sabi ko sa kanya
"Teka lang Mama. Maaga pa. Susunod na ako."
"HOY JOAQUIN MANANSALA BUMANGON KA NA JAN. WALA KA SA BAHAY MO. MAMA KA NG MAMA." sigaw ko sa kanya.
Nagulat siya sa pagsigaw ko kaya nahulog siya sa sofa.
"HAHAHAHAHAHAHAHA!"
"Bakit mo ko pinagtatawanan?! Bakit ka ba sumigaw?! Nakakagulat kaya!" galit niyang sabi.
"Eh paano naman kanina pa kita ginigising Mama ka ng mama jan." Sagot ko sa kanya
"Bakit kailangan sumigaw?! Kung may sakit ako sa puso siguro inatake na ako." sabi pa niya
"Edi sorry na po. Umuwi ka na nga. Umagang umaga ang sungit mo." sabi ko sa kanya
"Sorry naman. Nagulat lang kasi ako eh. Kamusta na pakiramdam mo?" sabi niya at niyakap ako.
BINABASA MO ANG
His Priority (KathNiel Fanfic)
FanfictionI'm his girlfriend but I never felt that I am his priority.