Chapter 16

446 11 0
                                    

----
----
----


Chichay's P.O.V.


Nagising ako dahil sa cellphone ko na walang tigil sa pagtunog. Napalingon ako sa side table ko at tinignan ang alarm clock ko.

Hala! 7am na! Malelate na ako!

Babangon na sana ako sa kama pero narealize ko na sembreak na nga pala.

"Ano ba yan Chichay!" sabi ko sa sarili ko at napasapo ako sa noo ko. Tumigil narin sa pagtunog ang cellphone ko at nagtalukbong nalang ako.

Maya-maya ay tumunog ulit ang cellphone ko. Agad ko namang kinuha yun at tinignan kung sino ang tumatawag...


*Joaquin Manansala calling...*

"Hello?" sabi ko.

(Good Morning, Bal. Sorry ang aga kitang ginising.) sabi nya sa kabilang linya.

"Okay lang. Bakit ka napatawag ng ganito kaaga?"

(Sasabihin ko lang sana na nakakuha na ng ticket si Mama at nakahanap na rin ako ng pwede nating tuluyan sa Palawan. Bukas na ang flight natin. 5 days and 4 nights tayo dun. Nasabi ko na din sa Barkada. Tsaka sasama pala ung mga kabanda ko. Okay lang ba?) masaya nyang sabi.

"Ahh. Okay. Mas marami, mas masaya."

(Hindi ka ba excited Bal?) tanong nya sa akin.

"Ano ka ba? Excited kaya ako. Sadyang inaantok lang ako." sabi ko sa kanya.

(Sigurado ka?)

"Yes Bal."

(Sige. Ayusin mo na ung mga gamit mo ha? Sabihan mo na din si Pedro. Okay?)

"Okay." sagot ko sa kanya.

(Okay.)

"Okay. Tama na. Wag na natin gayahin sila Hazel Grace at Augustus." natatawa kong sabi.

(Hahaha! Sige na Bal. Matulog ka na ulit. I love you. Okay?)

"Oo na. I love you too." sabi ko sa kanya at in-end na yung tawag.

Agad akong bumangon at pumasok sa CR para maghilamos. Pagkatapos ko ay bumaba na ako para sabihin kla Mamabear ang tungkol sa out o town trip namin.

"Mamabear?"

"Brad. Wala sila Mamabear at Papabear eh. May pinuntahan lang." sabi nya sa akin.

"Ang aga naman nila umalis?"

"Oo nga eh. Tara na Brad. Sabay na tayo kumain ng agahan." sabi niya at hinila ako papunta kusina.

"Nga pala Brad. Bukas na ang alis natin papuntang Palawan. 5 days and 4 nights tayo dun. Ayusin mo na ung gamit mo ha?" excited kong sabi sa kanya.

"Bukas na? Talaga! Sige, pagkakain ihahanda ko na ung mga dadalin kong gamit. Magsiswimming ba tayo dun? Pupunta ba tayo sa beach? Marami daw magandang beach dun eh."

"Oo brad! Magdala ka ng maraming pangswimming." natatawa kong sabi.

"Sge." sabi niya at nag-umpisa na kaming kumain.

*FAST FORWARD*

Kakatapos ko lang mag ayos ng mga gamit na dadalin ko para sa Trip namin bukas. Pababa na ako ngayon ng hagdan para salubungin sila Mamabear na kakarating lang.


"Hi Mamabear! Hi Papabear!" salubong ko sa kanila at niyakap silang dalawa.

"Oh? Bakit ang saya naman ng carebear namin?" sabi sa akin ni Papabear.

"Mamabear, Papabear bukas na po ang alis namin para sa Bakasyon namin sa Palawan." Sabi ko sa kanila.

"Bukas na? Agad agad?" gulat na sabi ni Mamabear.

"Opo eh. Okay lang po ba?"

"Ano pa nga ba? Pinayagan ka na namin eh." sabi ni Papabear.

"Yey! Thank you mamabear, papabear!" sabi ko at niyakap silang dalawa.

"Carebear, naayos mo na ba ung mga dadalin mong gamit?" tanong sa akin ni Mamabear.

"Opo. Kakatapos ko lang mag-ayos." Sabi ko sa kanya.

"Si Pedro ba? Nakahanda na dn ung mga gamit nya?" tanong ni Papabear.

"Nako Papabear, kaninang umaga pa ayos ung gamit nya. Excited na excited." natatawa kong sabi.

"Sge na Carebear. Magpahinga ka na. Anong oras ba ang alis nyo bukas?"

"8am po ang flight. 6am po kami dadaanan nila Joaquin dito bukas." sagor ko sa kanya.

"Sige, magenjoy kayo sa bakasyon nyo. Alam mo na ang bawal at pwede. May tiwala kami sayo Chichay." seryosong sabi sa akin ni Mamabear.

"Oo naman po Mamabear. Hindi ko po sisirain ang tiwala nyo sa akin." sabi ko sa kanya.

"Osya, magpahinga ka na. Magpapahinga ka na din." sabi sa akin ni Papabear.

"Sge po." sabi ko sa kanila.

Umakyat na sila sa taas at dumiretso sa kwarto nila. Pumunta naman ako sa Sala at naupo sa sofa. Kinuha ko yung Cellphone ko at tinext si Joaquin.


**

To: Joaquin Manansala

Baaaaal!! I'm so exciteeeeed!!! See you tomorrow! I love you!!!!



******
-------


A/N:

VERY VERY VERY Short Update. Sorry Okay? Sorry. Hahaha! Babawi po ako sa next chapter. Dun nalang po ako magdededicate. That's all. Thank you so much!

Follow me on Twitter: @telleliling


-tellepineda

His Priority (KathNiel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon