Two Old Friends Meet Again

985 64 45
                                    

Nalaglag ang panga ni Greta sa narinig. "Wow, kasagsagan ng summer pero ang lamig at ang lakas ng hangin!" she scoffed nung nakarecover na sya.

"Gray, okay lang naman kung nagkacrush ka sa akin dati," inakbayan ni Aaron si Greta at hinapit papalapit sa kanya.

"Check. Dati yun. DATI! D-A-T-I! Kaya huwag ka ngang nagfifeeling dyan."

"Teka, teka!" Clara raised up one hand to stop the two from talking. "Kilala mo ang sikat na artistang si Aaron Gilmore?"

"Hindi ko kilala ang sikat na artistang si Aaron. Kilala ko ang kababata kong si Sid. I mean, who knows, siguro puro kashowbizan lang ang pinapakita nitong ganoy na to ngayon," Greta shrugged her shoulders to shake off yung pagkaakbay ni Aaron sa kanya.

"G, huwag ka munang magulo! Pipicturan ko muna kayo at ipopost ko sa Insta. Mamatay silang lahat sa selos!" kinuha ni Clara ang kanyang cell phone sa bag nya para kuhanan ng picture ang dalawa.

"Cla, kayo na lang ang picturan ko, gusto mo? Ikaw ang fan eh," Greta tried to reach for her friend's phone.

"Kayo muna tapos kami naman."

"Wow ha, eh kung tayo na lang kaya ang magpapicture since kakapanalo ko pa lang. Hindi ka ba proud?"

"Syempre proud, pero hello naman, girl, minsan lang natin makakasama itong si Aaron! Chance na. Dali, bago pa sya dumugin ng madlang peeps!"

Naramdaman ni Greta na bumaba ang kamay ni Aaron from her shoulder to her waist. Tiningnan nya ang lalaking katabi nya, but his face remained forward, his smile in a grin ready for Clara to snap his picture. Greta plastered a fake smile on her face and held her bouquet tightly, the tall trophy handed to her by one of the other judges by her side. Kumalas na sya after Clara took a few pictures para ang kaibigan naman nya ang magpapicture. Excited si Clara tumabi kay Aaron at niyakap pa nya ito sa bewang during their picture taking. Masaya rin naman syang niyakap pabalik dahil ganun naman talaga si Aaron sa mga fans nyang nagpapapicture kasama sya. Kinuha ni Greta ang kanyang trophy at bouquet at mabilis ng naglakad palayo kay Aaron, taking advantage of the fact na marami ng naglakas loob magpapicture sa lalaki.

"Hindi ba tayo magpapaalam?" tanong ni Clara.

"Nope. Hindi kami close nun! Tara na, nandyan na daw sila Kuya," at naglakad na ulit si Greta papunta ng parking lot kung saan naghihintay sila Allen at Joey.

***

"Hon, kilala nyo pala si Aaron Gilmore?!" Clara asked Allen as soon as she sat on the passenger seat of the car.

"Well, hello to you, too!" tumawa si Allen before kissing his girlfriend on the cheek.  "Sinong Aaron Gilmore?"

"Hay naku, Kuya, baliw na yang jowa mo.  Naaalala mo ba si Sid?  Aaron Gilmore na sya ngayon."

"Ah, yung artista?"

"Oo!  Ang gwapo gwapo nya, Honey!!!" tumili ulit si Clara.

Past, Present, FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon