"Sid?! Anong ginagawa mo dito? At ano naman ang mga yan?" Greta pointed her lips to the bags he had in hand. She quickly shut the door as soon as he was inside her room.
"Damit at sapatos na pinabili ko sa assistant ko with the help of my stylist. Baka kasi wala ka pang masusuot bukas," Aaron shrugged bago ilapag ang mga shopping bags sa kama.
"Excuse me po, pero meron na akong susuotin bukas. Ano yan? Baka ang mamahal nyan at wala akong pambayad sa mga yan."
"Sinisingil ba kita?" Aaron raised an eyebrow at her and smirked.
"Aba malay ko ba! Baka nga katawan ko pa ang gusto mong pambayad sa mga yan eh!" she pointed to the bags on her bed before putting her hands on her hips.
"Grabe ka naman, katawan agad? May pagnanasa ka talaga sa akin, aminin mo. Pero okay lang sa akin kung katawan mo ang ipambayad mo..." ngumisi nanaman si Aaron kay Greta.
"Tse! Mukha mo!"
"Mukha kong gwapo."
"Bahala ka. Umalis ka na nga baka makita ka pa nila kuya dito sa kwarto namin."
"And so? Ako naman nagbayad nito eh."
"Huh?" she asked him.
"I'm the one who told Ate Lisa na dito na kayo i-book. Nasa ibang hotel ang ibang contestants."
"And why would you do this?"
"Para matulungan nga kita for tomorrow...like with these clothes...na walang ibang makakakita sa akin at baka sabihin na pinapaboran kita," he started taking a shoe box out of one of the bags.
"Paano mo nalaman ang size ko? Mamaya hindi naman kasya ang mga yan..."
"Kasya yan. Hindi ka naman nagbago since high school...medyo naging mas curvy lang, womanly curves ika nga."
"Ewan ko sa yo, ibalik mo na ang mga yan dahil hindi ko yan susuotin."
"These are for you whether you like it or not."
"Anyway, I bought a dress na...white. Yun kasi ang favorite color ni Sebastian Malachi," she said grinning.
"Eh ano naman ngayon kung white ang favorite color ni Seb?"
"He's a judge tomorrow. Sana umikot sya!"
"Bakit parang patay na patay ka kay Seb," kunot noong tanong ni Aaron. Kilalang kilala nya si Sebastian Malachi De Vera dahil kasama nya ito sa isang noontime variety show that aired every Sunday.
"Eh syempre! Idol ko kaya sya. Magaling kumanta, ang lamig ng boses, magaling mag-gitara...haaaaaay."

BINABASA MO ANG
Past, Present, Future
أدب نسائيWhat goes around comes around...or so they say. As crazy and impossible as it may seem, the past does have a way of catching up to the present. And when that happens, who knows what will happen in the future? One word: Anything!