Many The Miles

840 60 22
                                    

"Hello?" the music playing on Greta's phone attached on her arm band was interrupted by an incoming call and she quickly took it off it's velcro case.

"Hi, Baby Girl. Bakit parang hinihingal ka?"

"Sino to?"

"Ouch. Hindi mo ako nabobosesan?"

"Sid?" she stopped running and placed one hand on her hip, the early morning ocean breeze cooling the sweat on her skin.

"Alam mo naman pala eh," Aaron chuckled on the other line.

"Bakit meron kang number ko?" nagtatakang tanong ni Greta sa kausap nyang binata.

"Kung si Ate Lisa nga meron, ako pa kaya?" Aaron laughed.

"Eh bakit ka tumatawag.  Ang aga aga pa..."

"Para sabayan kang magjogging."

"Tse!"

"Ang aga aga, ang sungit sungit mo na, baby girl."

"Baby girl ka ng baby girl...ano ako, sanggol?"

"Iba naman ang baby girl sa sanggol."

"Alam mo, Sid, busy ako magjogging.  Nakakaistorbo ka, kaya good bye."

"Wait, teka lang!" sigaw ni Aaron sa kabilang linya.

"Ano?"

"Usap muna tayo.  Maaga kasi akong dumating sa taping eh, mamaya pa pala ang scene ko.  Nanonood ka ba ng soap ko?"

"Hindi," she said frankly.  "Don't take it the wrong way, pero hindi lang talaga ako mahilig manood ng TV.  Pero parang pinakita sa akin ni Cla yung picture nyo nung ka-loveteam mo.   Si ano...si Jessica ba yun?  Uy, in fairness, bagay kayo!"

"Sino?  Kami ni Jessica?"

"Oo.  Tapos ang kwento pa ni Cla ay marami kayong fans...like parang milyon milyon yata.  Wow ha!" natatawang sabi ni Greta.  "Ibang iba ka na talaga ngayon!"

"Love team lang yun, showbiz, ganun," he quickly explained.

"Naku, kaya pala sikat na sikat ka na ngayon...one half ka ng biggest love team of the country!"

"Ano ka ba, kinikilig ka ba talaga o nangaasar ka lang?" tanong ni Aaron na talagang naasar na.

"Bakit?  Naaasar ka ba?" tumawa si Greta ng malakas.

"Dati yun, nung naguumpisa pa lang ako, natutuwa ako na may ka-love team ako at malakas ang hatak namin sa masa.  Twenty-five na ko, Gray!  Hindi na nakakatuwa kung puro kilig pa rin ang habol ng masa sa career ko."

"So?  They're your bread and butter, Sid.  Hindi mo sila pwedeng balewalain.  Basta, cute kayo.  Hindi ba naging kayo?"

Past, Present, FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon