Tale As Old As Time

811 53 28
                                    

"Aaron, kamusta ang Boracay?" tanong ni Lisa sa kanyang alaga ng pumasok sya sa sasakyan nito.  Sabay kasi silang pupunta sa shoot ng teleseryeng pinagbibidahan nito.

"Masaya.  Nakapagrelax ako ng konti," he smiled even though he wasn't looking at his handler and focused on the road ahead.

"At ano yang ngiting yan?" Lisa teased him.

"Anong ngiti?  Bawal bang ngumiti?" he continued smiling.

"Hindi naman, pero nakakapanibago lang.  Na-relax ka lang nga talaga sa tingin ko," Lisa smirked at him.

"That's what I said!" 

"So who's the girl?" Lisa asked easily.  Kilalang kilala na nya ang alaga nya at ang mga kilos nito.

"What?  Anong pinagsasabi mo dyan, Ate?" Aaron scoffed.

"She must be someone special.  Ayaw mo magsalita eh," Lisa continued to goad him.

"Ano ka ba, Ate?  Napakachismosa mo."

"Hello, Aaron, anong industry nga ang pinapasukan ko?  Entertainment industry!  Syempre dapat alam ko ang mga chismis, especially kung concerning you ang mga ito," she told him easily.  "So I'm gonna ask again...who's the girl?"

"Wala!  Wala naman talagang girl..."

"Sure ka?"

"Ate, I swear!" he said exasparatedly.

"Okay.  I just want to make sure kung may lilinisin ba akong scandal..."

"Di ba maguumpisa na ang auditions para sa new singing competition ng network?" Aaron changed the subject.

"Oo.  Malapit na nga ang mga pre-auditions.  Bakit?"

"Di ba nag judge nga ako ng singing contest dun sa Boracay?  Papadala ko yung vid nung winner sa e-mail mo.  Pass mo na lang kung sa kaninong in charge.  Basta, ang galing nya!"

"Malamang.  Sya nga nanalo di ba?" Lisa said sarcastically.  "So magaling talaga?  Not just probinsya standards?"

"Yes, Ate!  Her voice is so clear...malamig...she sings like a professional already."

"Her...She...kala ko ba walang girl?" tumawa si Lisa.

"Contestant ito..."

"What are you not telling me?  You know I will find out, Aaron!"

"Wala!  Kababata ko...we went to the same high school together, yun.  Pero sabi ko sa kanya na ilalakad ko sya; na tutulungan ko sya,  so ito na yun."

Past, Present, FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon