1~ My Pussy

1.6K 108 291
                                    

Genre: Fantasy/Romance

Kim's POV

"Kim Varodom po?" tanong ng lalaking nakatayo sa harap ng bahay ko.

"Ako nga. Ano yun?"

"May package po kayo Sir. Sign na lang po kayo dito."

"Ahh okay."

Inabot ko yung papel na inaabot ng lalaki at mabilis na pinirmahan.

"Thank you po sir." ngumiti sya sakin at inabot na yung package na dala nya.

Tumango at ngumiti na lang din ako sa kanya tapos kinuha ko na yung package sa kamay nya.

Pagkaalis ng delivery boy, pumasok na rin ako sa loob ng bahay ko.

Mabilis akong sinalubong ng alaga kong pusa at nagpaikot-ikot sya sa paa ko.

"Baby baka matapakan kita dyan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Baby baka matapakan kita dyan." saway ko sa kanya.

Mukhang wala syang balak tumigil kakaikot sa paa ko kaya binuhat ko na sya.

Hinalikan ko sya noo pagka-angat ko sa kanya.

"Namiss mo ba ko baby? May pasalubong ako sayo. Kita mo 'tong box na 'to? Ito na ata yung inorder kong cat food sa ebay para sayo."

Naupo kaming dalawa sa sofa para buksan yung box.

Thrilled akong ipakita sa kanya yung cat food nya.

"Tada!!" sobrang proud kong pinakita sa kanya yung pack ng cat food sa kanya.

Yun nga lang wala syang karea-reaction.

"Hindi mo ba nagustuhan?"

Binuksan ko yung pack at dumakot ng laman.

Tinapat ko sa bibig ng pusa ko.

Inamoy lang nya pero 'di nya kinain.

Napalunok na lang ako. Mukhang kailangan kong gawin ang pinagbabawal na technique.

"Baby look."

Kumuha ako ng isang butil ng cat food tsaka ko pikit-matang kinain.

"Hmmm sarap!" halos maduwal na ako.

Ano ba 'tong pinaggagawa ko sa buhay ko?

"Oh subukan mo naman..."

Nilapit ko ulit sa kanya yun kamay kong may mga butil ng cat food.

Kumain sya ng isang butil pero 'di na umulit.

Patay.

Mukhang nagsayang ako ng pera sa pagbili ng cat food na 'to.

Ano ba kasing problema ng pusa ko?

Hindi sya kumakain ng pagkain kapag 'di nya nakitang kinakain ko.

Always Be My Baby (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon