2~ My Hooman

874 91 223
                                    


Kim's POV

Kanina pa ako palakad-lakad sa mga sidewalk ng downtown para maghanap ng trabaho.

Malapit na akong ma-dehydrate pero wala pa rin akong nahahanap.

Nagsisisi na tuloy ako kung bakit hindi ko pinansin yun mga offers ng malalaking kumpanya sakin noong fresh graduate pa lang ako.

Ngayon kasi, kahit superintendent (janitor) position hindi ako makapasok dahil walang vacancy.

Sigh~

Ayokong matapos ang araw na 'to nang hindi ako nakakahanap ng matinong trabaho.

Na-realize ko kasi na tama din si Sprite. 26 na ako pero hindi ko pa rin alam kung saan papatungo ang buhay ko.

Pakiramdam ko nasayang lang yung mga taong ginugol ko sa pagiging lensman este shutterbug. Wala naman kasi akong narating kaka-pursue ko ng passion ko sa photography.

Minsan talaga kailangan mong i-let go yung mga bagay na gusto mo in order to become a better person. Lalo na kung hindi na 'to healthy para sayo.

Ayun napahugot pa tuloy ako ng 'di oras. Pagod lang 'to kakalakad.

Napagdesisyunan kong magpahinga muna at kumain ng tanghalian.

Alas-dos na pala, hindi ko na namalayan ang oras.

Naghanap ako ng pinakamalapit na fastfood. Sa Bonchon chicken ako napunta.

Buti wala nang masyadong tao dahil past lunch hour na kaya naka-order ako ng mabilis.

Mabilis din nai-serve yung order ko.

Kainan na!

Bago ko pa maisubo yung pagkain sa kutsara ko, bigla kong naalala yung pusa ko sa bahay.

Ano kayang ginagawa nya ngayon?

Hindi naman siguro sya nagugutom dahil dinamihan ko yung breakfast nya.

Naglagay din naman ako ng catfood sa bowl nya in case na magutom sya.

Napatango na lang ako sa mga naisip ko. 

Tuluyan ko ng sinubo yung pagkain ko at kumain ng matiwasay.

Sinadya kong hindi kainin yun isang drumstick para may pasalubong ako kay baby.

Binalot ko na lang sa tissue at sinilid sa bulsa ng bag ko.

San naman kaya ako susunod na mag-a-apply?

Bigla kong naalala yung kaibigan ko na HR officer sa isang kumpanya dahil may babaeng nagpapacute sakin ngayon dito at at shino-showcase yung dimples nya.

Sya lang naman ang naalala ko pag nakakakita ako ng dimples.

Karugtong na kasi ng salitang dimples ang pangalan ng kaibigan ko. Sya kasi ang dimples na tinubuan ng mukha.

Si Ter!

Agad kong kinuha yung phone ko at tinawagan si Ter.

Sinagot naman nya kaagad.

"Napatawag ka?" bati nya sakin.

"Ter busy ka ba?" tanong ko rin sa kanya.

Office hours kasi ngayon baka maabala ko sya.

"Hindi naman. Inaayos ko lang yun mga itinerary ng mga employee naming magbabakasyon sa Japan. Bakit?"

"Uhmm nagbabakasakali kasi ako Ter."

"Na ano?"

"Baka may vacancy kayo dyan. Ipasok mo naman ako."

Narinig kong natawa sya ng malakas sa kabilang linya dahil sa sinabi ko.

Always Be My Baby (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon