3~ My Pokemon

777 86 77
                                    


Kim's POV

Napangiwi ako nun nakita ko yung laman ng closet ko.

Puro mga bagong damit ko lang yung nandito!

Ano ba kasing pumasok sa isip ko at sinabi kong pahihiramin ko ng damit yung lalaki?

Hindi ko naman sya kaano-ano o anu pa man. Pero bakit ang gaan ng loob ko sa kanya?

Ay ewan. Kinalkal ko pa 'tong damitan ko, umaasang may luma akong damit na pwede ko nang i-let go.

Kaso nga lang, wala talaga.

Nasa hamper pa yung mga luma kong damit at hindi pa nalalabhan.

Nakakahiya rin naman kung maduming damit ko ang ibibigay ko sa kanya.

Bahala na nga.

Kinuha ko yun isang hawaiian polo shirt ko at maong na shorts.

Iisipin ko na lang na kailangan ko nang dispatyahin 'tong hawaiian na polo shirt ko dahil ayaw 'to ni Sprite.

Tama tama.

Uhmm, briefs kaya? Kailangan din nya?

F*ck! Ano ba yung naisip ko?! Kahit kailangan nya, for sure hindi sya magsusuot ng masyadong 'personal' na piraso ng tela.

Lumabas na ako ng kwarto para balikan sya sa salas.

Inabutan ko syang inii-scrutinize yung sarili nya.

Wala namang mali sa itsura nya bukod sa hubo't hubad sya ngayon, pero kung makikita mo yun expression ng mukha nya... para syang bothered na may ketong ang balat nya o kung ano pa mang nakakadiring sakit sa balat.

"Meowth, ito na yung mga damit. Yung CR andon." tinuro ko yung direksyon ng kitchen. "Yung pinto before kitchen ang CR, doon ka na magbihis."

Nakatingin lang sya sakin at hindi pinapansin yung inaabot kong mga damit.

Galit ba sya dahil tinawag ko syang 'Meowth' ? Pero yun kasi ang sinabi nyang pangalan nya nun tinanong ko eh! Meow daw! So I assume na sya si Meowth! Haha!

Hindi ko naman sya gustong gawin na species ng Pokémon, wala na kasi syang ibang sinabi bukod sa 'Meow' na yun.

O 'di naman kaya nahihiya lang sya?

"Halika na, wag ka nang mahiya."

Tinayo ko na sya at sinamahan papunta sa CR. (More like hinila.)

"Ito na yung mga damit. Magbihis ka na."

Nilagay ko na sa kamay nya yun mga damit dahil masyado ata syang mahiyain.

Pinapasok ko na rin sya sa loob ng CR. (More like tinulak.)

-30 minutes later-

Kanina pa sya sa loob ng CR ah?? Ano na kayang nangyari sa kanya?

"Meowth?? Tapos ka na bang magbihis?" kumatok ako sa pinto.

Walang sumasagot.

Pinihit ko na yun doorknob. Hindi naka-lock, so binuksan ko na.

Nakita ko syang nakatayo lang sa loob at hawak yun mga damit.

Napasapo na lang ako ng noo.

Ano bang problema nito?

"Bakit hindi ka pa nagbibihis?" may hint na ng iritasyon sa boses ko.

Again, hindi sya sumagot.

Nakatingin lang sya sakin at parang walang alam sa nangyayari.

Argh! Nakakafrustrate 'tong tao na 'to ha!

Always Be My Baby (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon