Kim's POVIto na siguro ang pinaka-ayaw ko sa sarili ko...
Ang padalos-dalos kung mag-desisyon.
Ano nanaman ba 'tong naisipan kong gawin?!
Male-late na ako sa work training pero naisipan ko pa talagang unahin ang mag-ampon ng taong 'di ko naman kilala at kaano-ano.
Matalino naman sana ako sa acads pero bakit sa decision making napakabobo ko?
Bukod sa magkakaroon ako ng pangit na first impression sa trabaho, para akong nag-suicide sa pag-ako ng custody nitong si Meowth.
Instant binatang-ama ang labas ko nito!
Oo, magiging tatay talaga ako dahil parang bata kumilos at gumalaw 'tong si Meowth.
Napabuntong hininga na lang ako.
Kung ang ibang tao takot mag-anak dahil sa responsibility, ako naman nag-volunteer pa talaga as tribute.
Hopeless case na talaga ang disposition ko.
Ngayon kahit ako naniniwala nang tama ang decision ni Sprite na iwan ako.
Wala talaga syang mapapala sa kagaya ko na hindi marunong mag-sort ng priorities at walang patutunguhan ang buhay despite sa fact na mid-twenties na ako.
~Biglang kumislot si Meowth habang nagse-self reflection ako.
Binabangungot ata sya.
Evident yung uneasiness sa mukha nya kahit tulog sya.
"Meowth?" tinapik ko sya nang marahan para gisingin.
Ngayon ko lang napansin na pyretic pala sya.
"Hayaan mo na akong umalis T----- meow!" biglang nag-sleeptalk si Meowth. Hindi mo maii-deny yung takot sa boses nya.
Mukhang sobrang sama ng panaginip nya ngayon.
Pero teka, nakakapagsalita pala sya? Wait, anong klaseng tanong yan? Malamang tao rin naman si Meowth kaya nakakapagsalita sya.
Ang dapat na tanong ay bakit parating may 'meow' sa sinasabi nya.
Ano bang meron sa kanya at nagkakaganyan sya?
Hindi ko tuloy maiwasan mapa-isip kung anong nangyari dito kay Meowth.
Pero sigurado ako na sobrang traumatic ng past nya kaya sya nagkakaganyan.
Mukha naman kasing hindi sya nanti-trip lang o kung ano pa man.
Tanga lang ako mag desisyon pero magaling ako bumasa nang character ng isang tao and it never fails me, not even once.
"Meowth gising..." nag-attempt ulit akong gisingin sya sa panaginip nya.
Finally minulat na nya yung mga mata nya.
For a second mukhang nagtataka sya kung nasaan sya pero bigla rin naman sumaya yung expression nya nun makita ang mukha ko.
"Binabangungot ka." paliwanag ko sa kanya. Naramdaman ko rin na huminto na 'tong taxi. "Atsaka andito na tayo sa bahay ko kaya ginising na kita."
Binangon ko sya ng marahan mula sa pagkakahiga sa lap ko.
Nagbayad na rin ako sa taxi at sinabing hindi na ako magpapahatid sa trabaho.
Napagdesisyunan ko na kasing hindi pumasok. Galing ko talaga magdesisyon 'di ba?
Wala eh, hindi ko talaga maiiwan 'tong si Meowth dahil nga nilalagnat sya.
BINABASA MO ANG
Always Be My Baby (BXB)
RomanceNawawalang pusa lang naman ang hinahanap ni Kim pero bakit lovelife ang nahanap nya?