QM's Note: Comment and vote for fast update.
Kim's POV
Ngayon naniniwala na talaga akong kapag gumawa ka nang kabutihan sa kapwa mo na walang hinihintay na kapalit, triple ang magiging balik sayo.
Biruin mo yun!? Isang linggo pa lang akong nagte-training dito sa trabaho pero andami na agad blessings na nakaambang dumating sakin!
Magkakasariling kotse na ako!
Hindi ko alam kung anong nakita sakin ng company namin pero ako raw ang pinaka-unang employee nila na bibigyan nila ng kotse pagkatapos na pagkatapos ng training.
Ang tanging ginawa ko lang naman ay aralin yun mga tinuturo nila.
Hindi naman sa pagmamayabang, pero madali kasi sakin ang memorization.
Lalo na't hindi naman ganoon kalayo yung course ko noong college sa field ng trabaho ko ngayon.
Hindi na alien sakin ang terminologies ng veterinary medicine dahil biologist naman ako.
Madali kong natandaan yung mga toxicodynamics at toxicokinetics ng mga product ng company namin.
A+ daw ang grade ko sa product knowledge mastery.
Ang medyo bago lang sakin ay yung mga training para sa communication skills, marketing skills at mga post-sale management pero madali ko rin naman natutunan.
So ayun. Tuwang-tuwa sila sakin dahil sobrang fast learner ko.
Ngayon pa lang daw, alam na nilang magiging top agent nila ako sa future.
Mukhang hindi rin naman toxic ang mga colleagues ko dahil sila pa mismo yung nagbubuild-up sakin sa mga boss.
Swerte ko talaga sa bago kong trabaho no? Sana all talaga.
Sa tingin ko, dahil lahat yan sa lucky charm ko.
Ang neko boy ko sa bahay. Haha!
Pakiramdam ko talaga sya ang nagdala ng lahat ng swerte ko sa buhay ngayon.
Parang maneki-neko lang ang datingan. Sobrang lucky!
Tsaka 'di lang swerte ang dala nya, sya rin ang stress reliever ko nitong mga nakaraang araw.
Dahil sa kanya, hindi ko masyadong iniinda yun pagtapon sakin ni Sprite at pagkawala ni baby.
Pero mas sasaya talaga ako kung mahahanap ko pa si baby, para may kalaro si Bas sa bahay.
Speaking of baby, wala pa rin akong balita tungkol sa kanya.
Ayokong mawalan ng pag-asa pero habang tumatagal kasi mas lumiliit yung chance na mahanap ko pa sya.
Sigh~
"Malapit na tayo."
Bigla akong natauhan mula sa pagmumuni-muni nun nagsalita 'tong senior ko na nakaupo sa driver's seat.
Tinu-tour nya kasi ako ngayon sa magiging area ko.
Madami-dami rin pala ang mga veterinary clinic at pet shop na hahawakan ko kapag regular na ako.
"Ito ang pinakamalaki nating client sa area mo." nag-park kami sa harap ng isang malaking veterinary clinic/pet shop hybrid na establishment.
Medyo na-inosente ako dahil literal na malaki yung lugar.
Mas mukha 'tong infirmary kesa clinic.
"Sigurado po ba kayong ako ang magha-handle dito?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo. Si Boss mismo ang pumili ng area na 'to para sayo. Hindi ko nga rin alam kung bakit 'tong area na sobrang daming competition ka nila ilalagay eh bago ka pa lang."
BINABASA MO ANG
Always Be My Baby (BXB)
Lãng mạnNawawalang pusa lang naman ang hinahanap ni Kim pero bakit lovelife ang nahanap nya?