Jade's POV
Pauwi na ako ngayon sa bahay, akala niyo siguro dahil sa mga payo sa akin nina Ariane na nakalimutan ko na ang ginawa sa aking panloloko ni Alex? Pwes hindi, hinding hindi. Kaya binilisan ko ang pagmamaneho ko dahil sa sobrang galit.
"Aaaaahhhhhhhhhhhh!!!" *Bogsh*
Tina's POV
"Asan na kaya si Ate??? Ang tagal naman niya" sabi naman ni Kath.
"Oo nga, ano kaya kung tawagan na natin?" sabi ko.
"Sige sige" sagot ko at kinuha ko na ang cellphone ko at diniall yung number ni Ate Jade, pero nag riring lang walang sumasagot, kaya nag simula na kaming mag panic
"Hindi sinasagot ehh" sabi ko at bigla namang bumukas yung pinto, inaasahan naming si Ate pero sina Lola at Lolo pala.
"Hi lola, hi lolo" sabi namin sabay beso.
"Hi din, san si Ate Jade niyo" sabi naman ni Lolo nagkatinginan lang kami ni Kath.
"Yun nga lolo ehhh. hindi pa dumadating si Ate pumunta kasi siya sa mall kasama sina Ate Alex pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya dumadating, sinubukan namin siyang tawagan pero hindi sumasagot ehhh." mahabang paliwanag ni Kath.
"Subukan niyo ulit tawagan" sabi ni lola kaya sinubukan namin si Ate tawagan......... ng sumagot na
[Hello, kayo po ba yung pamilya ni Jade Foster?]
"Opo, bakit po??"
[Naaksidente po kasi siya, ako po yung nakakita sa kaniya kaya humingi ako ng tulong sa mga kabarangay namin tapos dinala na po namin siya sa hospital] sa sinabi niya nun mangiyakngiyak na ako. Mahal na Mahal namin si Ate kaya ayaw kong may mangyari na masama sa kaniya.
"Sige po salamat po." sagot ko.
"Bakit ano nagyari kay Jade??" sabi ni Lolo.
"N-naaksidente si Ate" sabi ko habang umiiyak.
"ANO???!!!" sabay nilang sabi.
"Mabuti pa kung puntahan na natin siya sa hospital" i suggested kaya kinuha na ni lolo yung susi ng sasakyan niya at umalis na kami.
Ariane's POV
Nandito na ako sa bahay, nanonood ng tv at yung ibang pamilya ko naman nagsimula na mag ayos para sa new year mamaya kasi ilang oras na lang new year na!!!....... ng biglang may nag text.
Ate Ariane, si Tina to.... Si Ate Jade naaksidente!!!
WHATTT????!!!!
Dali dali akong tumayo sa sofa. at nagpaalam kay Mommy.
"Mommy, naaksidente po si Jade, kailangan ko siyang puntahan. Siguro po hindi niyo muna ako makakasama this new year. I'm sorry Mommy" sabi ko.
"It's Ok anak. I understand. Go ahead. Mag ingat ka." sabi niya. tapos umalis na ako.
*After 15 minutes*
Nandito na ako sa hospital, nandito na rin yung barkada well except for Alex, sana hindi na lang siya pumunta dito kasalanan niya to kung hindi dahil sa kaniya hindi sana umabot sa ganito ang sitwasyon ni Jade. Pero biglang dumating si Alex.
"Anong ginagawa mo dito???" sabi ko kay Alex.
"Kaibigan rin naman ako ni Jade hah" sagot niya naman.
"Kaibigan?? Oo, kaibigan ka niya DATI pero simula nung niloko mo siya hindi ka na niya kaibigan" sabi ko.
"Hindi ko siya niloko, Ariane. Hindi kami ni Harry kaya hindi ko siya niloko!'" sabi niya naman.
"Anong hindi?? kita na niya ehh. Ginawa mo na ehh. Kaya kasalanan niyong dalawa ni Harry kung bakit nasa ICU si Jade ngayon!" sabi ko.
"Ano ba kayong dalawa?! Hanggang dito mag aaway pa rin kayo??" sabi ni Trixie. Dumating na ang doctor at kinausap kami.
"Kayo po ba ang kapamilya ni Ms. Foster??" tanong ng doctor.
"Opo." sagot ni Tina.
"Naapektuhan po yung ulo ng pasyente, marami po yung nawala na dugo sa ulo niya. Kaya posibleng mawalan siya ng memorya." sabi ng doctor.
"Thank you doc" sabi ni Ariane.
"Pano na yan? Ano na ang mangyayari kay Jade???" sabi ni Francheska.
"Magdasal na lang tayo na sana walang mangyayaring masama kay Jade." sabi ni Trixie.
"Tama si Trixie." sabi ni Mika. Kaya pumunta na kami sa chapel upang magdasal pero biglang nagsalita si
Ariane.
"Alex, pwede ba wag ka munang sumunod sa amin?? Kung ayaw mi ng gulo." sabi ni Ariane. Tapos nilapitan ni Trixie si Alex pagkatapos umalis na si Alex.
Alex's POV
Bakit kaya kami nagkakaganito??? Tinanong ko pa edi ako may kasalanan ng lahat na to. Ako....... Nandito ako sa park, naglalakad at umiiyak, umupo ako sa bench at umiyak ng umiyak ng biglang may nag abot sa akin na panyo. Tiningnan ko siya.
"Salamat" tapos tumabi siya sa akin.
"Bakit ka umiiyak??? Di bagay sa 'yo baka masira ganda mo niyan." sabi niya.
"Ikaw talaga hindi ka pa rin nagbabago, magbobola ka pa rin." sabi ko.
"Hindi nga." sabi niya.
"So bakit ka umiiyak??" sabi niya.
"Nawalan na ako ng kaibigan" sabi ko.
"Hindi. Nandito ako, hinding hindi kita pababayaan" nginitian ko lang siya at nagyayaan na kamibg umuwi at hinatid niya ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hi po!!! sorry po kung bitin!!! Vote and comment rin po kayi. Thanks po sa reads.
![](https://img.wattpad.com/cover/13844388-288-k495004.jpg)
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
FanfictionDating Magkaaway Dating Magkalaban Dumating sa Pagkakaibigan Ang kanilang samahan, aabot pa ba sa pagmamahalan Eeh, pano kaya kung dahil sa pagmamahal masisira ang pagkakaibigan ng mga girls??? THE WAY I LOVED YOU A ONE DIRECTION TAGALOG FANFICTION