Kabanata 10

8K 127 0
                                    

Mas lalong naging madamot ang antok sakin pagkatapos ng pag-uusap namin ni Leo. Bukod doon ay nagulantang din ang buong sistema ko dahil sa text na na-receive ko galing kay Rain.

Isang buwan ang hinihingi sakin ni Rain. At isang buwan nalang din ay ikakasal na kami ni Leo. Alam ko namang mali na pumayag ako sa gusto ni Rain, pero hindi ko din maitatanggi sa sarili ko na ginusto ko din iyon. Ang magkaroon ng pagkakataon na makasama sya ulit. Kahit mali. Kahit hindi dapat. Kahit na wala nang patutunguhan.

Hindi ko na maitatanggi pa sa sarili ko ang katotohanang hanggang ngayon ay sya pa din talaga ang itinitibok ng puso ko. Simula noon, maging hanggang ngayon. He may had my heart broken, but those pieces of my shattered heart still beats for his name. Masakit man isipin, masakit mang tanggapin, but maybe, just maybe, fate has written another story for us.

Binuksan ko ang phone ko at nag-scroll sa gallery ko. Binuksan ko ang folder kung saan naka-compile ang lahat ng pictures namin ni Rain when were still together. Memories.

"Problema mo?" Tanong ko sa nakaupo at walang kibong si Rain. Hindi nya naman ako pinansin, pero kitang-kita kong nakakuyom ang mga panga nya.

Kahit na medyo hilo na ako ay pinilit ko pa ding tumayo at maglakad hanggang sa tumigil ako sa harapan nya. Pinagmasdan ko syang mabuti- his eyes, his perfect nose, down to his tempting lips.

"I wonder what it feels like to have your lips pressed against mine, Rain." Saad ko nang wala sa sarili, habang hindi inaalis ang titig sa nakakaakit nyang mga labi.

Ilang babae na kaya ang nahalikan nya? Hindi ko alam pero, just the thought of him kissing someone else pains me. Is it the alcohol? Pero naka-isang shot lang naman ako ah?

Napapitlag ako nang bigla syang tumayo at hinawakan ang kamay ko. "We're going home." Saad nya na sya namang nagpakunot ng noo ko. "Ano? Home? Hello? Kakadating ko palang no! Wala pa nga akong isang oras dito eh." Reklamo ko at marahas na hinila ang kamay ko mula sa kanya. Pinameywangan ko pa sya. "Come on, Rain. This is a party, loosen up!" Tatalikod na sana ako at maglalakad pabalik sa loob ng resort kung saan ginaganap ang birthday party ng kabarkada ko, pero himdi pa ako nakakalimang hakbang ay nahila na nya ako pabalik. "I. AM. GOING. TO. TAKE. YOU. HOME. NOW." Mariin nyang saad. Hindi na ako nakatanggi pa dahil sa nararamdamang kong pagwawala ng mga halimaw sa dibdib ko. Paano ba naman kasi'y halos nakayakap na sya sa akin. At ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa katawan nya.

Napalunok ako dahil pakiramdam ko'y nanunuyo na ang lalamunan ko. Mula sa kanyang malapad na dibdib ay pinaglakbay ko ang panigin ko pataas. Tumigil ang mga mata ko sa leeg nya dahil kitang-kita ko ang paggalaw ng Adam's apple nya. Halatang-halata sa paraan palang ng paggalaw ng balikat nya na nahihirapan syang huminga. May hika ba sya, o baka naman sakit sa puso? Parang wala naman ata syang nababanggit sakin dati.

"Damn, Harley. What are you doing to me?" Magsasalubong palang sana ang mga kilay ko dahil sa sinabi nya, pero napalitan iyon ng panlalaki ng mga mata nang naramdaman ko ang mga daliri nya sa baba ko upang itaas ang mukha ko. Agad nagtama ang mga mata namin.

Napasinghap pa ako nang makitang bumaba ang paningin nya sa labi ko. Mas lalong bumilis ang paghinga nya. Slowly, he bent his head. And then the next thing I knew, he was kissing me. My first kiss.

Agad kong pinindot ang home screen ng phone ko nang maramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Muli kong dinungaw ang orasan sa bedside table ko at nakitang alas malapit ng mag-alas sais. Buong gabi akong gising!

Napabuntong-hininga nalang ako at pilit na iniangat ang katawan ko. Dumiretso ako sa bathroom at naligo na. Pagkatapos ay inayos ko na ang sarili ko. Maya maya pa'y narinig ko ang pagtunog ng phone ko. Agad ko iyong dinampot mula sa aking kama at binuksan.

Good morning to you there, sleepyhead. Take care. I miss you. See you soon. I love you. -Leo

Binuksan ko din yung sunod na message at halos lumuwa ang puso ko sa katawan ko dahil sa laman niyon.

I love you. So much. -Rain

Five words. Fourteen letters. Too short. But damn it! How can he make my heart go crazy like this? Pakiramdam ko'y tinakbuhan ako ng sarili kong puso e!

This has got to stop. I have to do something about this. Dahil kung magpapatuloy ito ay baka hindi ko na makontrol pa ang mga susunod na mangyayari.

--
Salvador Brothers Presents: STORM is already posted. Feel free to check it out under My Works. Thanks!
-YanaCabralCalangi

Salvador Brothers Presents: RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon