Kabanata 31

4.8K 64 3
                                    

Pagak na tumawa si Leo habang bagsak ang kanyang tingin sa akin na nandoon at naestatwa sa labas ng kwarto ko. Ang aking kamay na nakapahinga sa seradura ng pinto ay nandoon pa din at mahigpit na nakapirmi.

Kanina pa ba sya dito? Narinig nya ba ang convo namin ni Rain? Those questions would be utterly stupid kung itatanong ko pa sa kanya dahil sa tingin pa lang na ibinibigay nya sa akin ay alam kong narinig nya ang lahat.

Bago pa ako makapag-isip ng paliwanag ay naunahan na ako ng mga luha nyang nag-unahang lumandas mula sa kanyang dalawang mata. Ni hindi man lang nya iyon sinubukang i-hold back. Tigagal ako habang pinapanood syang nakatunganga sa akin at umiiyak.

"L-Leo..."

"Grabe. Ang sakit naman nito, Harley!" Aniya habang pinupunasan ng kanyang kamay ang pisngi nyang basa na nang luha. Paminsan-minsan ay sumisinghap sya ng hangin. Panay ang pagtaas-baba ng kanyang balikat habang ang kanang paa nya ay nakatukod sa wall para suportahan ang likod nyang nakapahinga din doon.

Nag-init ang sulok ng aking mga mata at nag-iwas agad ako ng tingin bago bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko kayang tingnan si Leo habang nakatayo sya sa gilid ko at umiiyak nang husto.

"I should have expected this would happen. I was so reluctant to let you go back here but I never told you about that...damn, I should have never let you go back!" Aniya sa matigas na boses. He's mad, alright.

Bumitaw ako sa seradura ng pinto at naglakad palapit sa railing. Doon ko itinukod ang mga kamay kong malalamig na sa tensyon. Ni hindi ko sya malingon.

"Ang sakit e! Alam mo yun? Ang sakit, Harley!" Basag ang boses na hinanakit nya. Gusto kong lumingon at makita sya pero hindi ko kaya. I stayed rooted there and held my ground. Wala akong lakas para makita syang nasasaktan at nanghihina nang dahil sa akin.

Kusang tumulo ang mga luha kong kanina pa namumuo sa gilid ng mga mata ko.

"How could you do this to me? Huh? Tell me! How?!" Sigaw niya at hinila ang braso ko para humarap sa kanya. Sa gulat ay wala akong ibang nagawa kundi ang hayaan syang tangayin ang katawan ko hanggang sa bumungad sa akin ang mga mata nyang namumula na sa kaiiyak.

Ang kanyang kamay na nakahawak sa aking kanang braso ay nandoon at mahigpit na nakapirmi.

Napalunok ako at pilit na hinanap ang boses kong nalunod na yata sa aking lalamunan. Sinalubong ko ang kanyang mga matang diretso ang tingin sa akin.

"You are so unfair, Harley! Sobrang daya mo!" Patuloy na hinanakit nya.

Ang isa pa nyang kamay ay dumapo sa kabila kong braso at marahan akong inuyog.

"Mahal naman kita ah! Sobra-sobra pa! Kulang pa ba yun sayo? Mas matimbang pa din ba sya sa puso mo? Bakit mo hinayaang magkabalikan kayo gayong ikakasal na tayo?" Sunod-sunod na utas niya.

"I'm sorry...I'm so sorry, Leo! Sorry...sorry..." Panay ang hikbi kong sinabi.

Naiiling syang bumitaw sa akin. Nanlumo ako at napaupo sa sahig. Ang aking mga kamay ay itinakip ko sa aking bibig habang patuloy kong nilalabanan ang paghagulhol ko nang malakas.

Sinundan ng aking mga mata ang galaw nang kanyang mga paa. Tumayo sya sa gilid ko. Ang isang kamay nya ay nakakapit sa railing, habang ang isa naman ay mariin nyang inihihilamos sa kanyang mukha. Tumahimik sya. Ang mga hikbi kong kumakawala kanina ay unti-unti nang humupa.

"Do you really love him?" Tanong nya. Hindi sya nakatingin sa akin- which is a good thing- dahil hindi ko ata kayang sagutin ang tanong nyang iyon kung makikita ko ang reaksyon nya habang nagsasalita ako.

Pumikit ako at hinagip ang bar ng railing. "Yes, Leo...yes, I still love him...I'm so sorry.."

Matalim syang suminghap, pero hindi na ulit sya nagsalita.

Narinig ko ang mabibigat na yabag ng kanyang mga paa. Nang magmulat ako ng mata ay wala na sya sa tabi ko. Tumayo ako nang nakita ko syang pababa na sa hagdan.

"Leo..."

Bahagya syang huminto sa ambang pagbaba at lumingon sa akin. Umiling sya at pinunasan ang takas na luhang lumandas sa pisngi nya.

"I'm sorry too, Harley. But I'm not going to let you go." Aniya. Tumalikod sya. "I won't call the wedding off. Magkamatayan na, pero hindi kita papakawalan." Pagkatapos nyang sabihin iyon ay mabilis syang bumaba.

Naiwan ako doong tigagal sa sinabi nya.

**

A/N:

Nagiging hobby ko na ang page-entry ng note e, ano? Haha! Anyway, pasensya na. This is a very lame update. I'm sorry. Wala talaga akong mapaghugutan ng emosyon nina Harley at Leo e. Super stressed ako talaga. One week na akong kulang sa tulog dahil sa mga requirements. Next week naman ay finals na, kaya puyatan na naman ng bongang-bongga. Pinilit ko lang talagang makapag-UD ngayon dahil natuwa ako sa mga botong na-receive nung previous chapter.

By the way, Two Hearts Collide and Pseudo High's UDs will be posted after my final exam.

Ayun lang po! Salamat sa lahat ng nag-follow at nag-vote. At sa lahat ng nagbabasa! I love you guys so much! You inspire me to keep on writing kahit na minsan ay tinatamad na ako. HAHA!

God Bless!

©YanaCabralCalangi

Salvador Brothers Presents: RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon