Kabanata 9

7.9K 145 0
                                    

Alas dos na ng madaling araw pero heto pa din ako at nakahiga sa kama. Hindi ko alam pero talagang mailap ang tulog sa akin ngayong gabi. Hindi kasi mawala sa isip ko ang nangyari kanina.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Rain ay nagpaalam na ako kina Mamang and to the rest of his family. Sinabi ko nalang na masama ang pakiramdam ko. Nagtampo pa nga si Mamang dahil hindi pa kami nakakapag-kwentuhan, pero sinabi ko nalang sa kanya na makikipagkita nalang ulit ako sa kanya. Kuya Storm was kind enough to volunteer na para ihatid ako.

Tahimik kami ni Kuya Storm sa sasaknyan habang byahe. Hindi mawaglit sa isip ko ang naging komprontasyon sa pagitan namin ni Rain kanina. Napansin yata nya na sobrang tahimik ko.

"Ang lalim yata ng iniisip mo, Harley." Napalingon ako sa kanya. He wasn't looking at me, kundi sa dinadaanan namin. Napabuntong-hininga ako at umiling. Hindi na ulit kami nag-imikan pagkatapos nun.

Nang makarating kami sa syudad ay sinabi kong ibaba nya nalang ako sa RSC, since doon naka-park ang sasakyan ko. Pero iginiit nya na ihahatid nya ako diretso sa subdivision na tinitirahan ko. Hindi nalang din ako kumontra. Nang makarating ko sa tapat ng bahay ko ay binalingan ko sya at ngumiti. "Salamat sa paghahatid, Kuya Storm." Nagsimula na akong tanggalin ang seat belt ko nang bigla syang nagsalita.

"Si Rain..." Napatigil ako sa pagkalas sa seat belt ko at napatingin sa kanya. Hindi sya lumingon sakin pero napansin ko ang paghigpit ng hawak nya sa manubela ng sasakyan. "He was a total wreck when you left, Harley. Gone was the Rain he was back when the two of you were still together. He was totally broken." Napapikit sya at napalunok. Ako naman ay nanatili lamang tahimik at hindi gumagalaw. Nang ibinaling nya ang tingin nya sa akin ay bakas sa mga mata nya ang pagsusumamo. "I know I have no right to ask you of this, dahil alam kong nasaktan ka ng labis kaya mo sya nagawang iwan noon. Hindi ko man alam ang buong storya sa likod ng insidenteng naganap mang araw na iyon, pero nakikiusap ako sayo Harley. Now that you're back, please, don't ever leave him again. Dahil...dahil sa oras na muli kang mawala sa kanya ay siguradong akong...mamamatay sya." Agad akong nag-iwas ng tingin dahil nakita ko kung gaano kaseryoso ang mga mata ni Kuya Storm. "I'm sorry, Kuya Storm. But I can't." Umiling ako at ipinikit ang mga mata ko. Naramdaman ko na naman ang muling pagsikdo ng dibdib ko. "B-bakit?" Muli kong ibinaling ang paningin ko sa kanya at malungkot na ngumiti. "I'm engaged to someone else, Kuya Storm. And we're getting married next month."

Napabalikwas ako sa kama nang marinig ang tunog ng cellphone ko. Agad kong iginala ang paningin ko at nakita iyong nakalagay sa ibabaw ng bedside table ko. Dinampot ko kyon at sinilip ang screen. It's Leo. Agad kong pinindot ang Accept button.

"Harley, bakit gising ka pa?" Bungad nya sa akin. "Hindi ako makatulog." Umayos ako ng upo sa kama. Inabot ko ang isa kong unan at niyakap iyon. "Huwag mo kasi akong isipin para hindi ka mapuyat. Tsk. Kaya naman pala pakiramdam ko ay pagod ako eh, kasi kanina pa pala ako tumatakbo dyan sa utak mo." Nakagat ko ang aking labi at pilit na napatawa sa sinabi nya. Bigla tuloy akong na-guilty. Simula kasi nang magtrabaho ako kay Rain ay hindi na halos sumasagi sa isip ko si Leo.

"Ikaw talaga. Madaling-araw palang pero bumabanat ka na agad." Napahagalpak sya ng tawa sa sinabi ko. "But seriously, Harley, I miss you." Napapikit ako at kinagat ng madiin ang labi ko. Pakiramdam ko nga ay magdudugo na iyon sa sobrang diin ng pagkagat ko. "I-I miss you too, Leo." Natahimik ako pagkatapos kong sabihin iyon. Hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko ay mali ito. "I'm sorry." Hindi ko napigilang sabihin iyon. Pakiramdam ko kasi'y napakalako ng kasalanan ko sa kanya. I feel like I'm cheating on him dahil lang sa nakakasama ko si Rain. Nagi-guilty ako.

"Bakit ka naman nagso-sorry? Is there something wrong, Harley?" Nag-aalalang tanong nya sakin. Yes, Leo. Everything is wrong. Pero sa halip na sabihin iyon ay umiling na lamang ako kahit alam kong hindi nya naman ako nakikita. "Wala, Leo. It's just that, feeling ko napapabayaan na kita these past few days. Pasensya ka na ha?" Narinig ko naman ang paghinga nya na para bang na-relieve sya sa sinabi ko.

"It's okay, Harley. I know it's hard for you there." Bakas ang pag-aalala sa tono nya. Hindi naman kasi lihim kay Leo ang pagtatrabaho ko sa kumpanya ni Rain. Alam din nya ang tungkol sa nakaraan namin. Noong una nga'y ayaw nya pa akong payagan dahil baka daw ma-stress lang ako. Pero pinilit ko lang talaga sya.

Ilang minuto lang kaming nakapagkwentuhan dahil magsisimula na ang meeting nya. Nasa Paris kasi nya at inaasikaso ang perfume business nila doon. Next week ay babalik na sya dito sa Pilipinas para masimulan na namin ang paghahanda para sa nalalapit na kasal namin. I could hear the evident excitement in his voice just by talking about the walkong. He was so enthusiastic about it. Halatang hindi na sya makapaghintay na makasal kaming dalawa. Mas lalo tuloy akong nakakaramdam ng guilt dahil ang totoo'y nagsisimula na akong magkaroon ng second thoughts about our wedding. Pero agad ko namang inalis sa isipan ko iyon at pilit na sinabayan ang excitement ni Leo.

"Am I losing you, Harley?" Napaawang ang bibig ko sa tanong nya. "N-no! Of course not, Leo." Kumalabog ang dindib ko sa kaba. Dahil alam ko kung anong totoong sagot sa tanong nya. Alam ko sa sarili ko, sa puso't isip ko, at sa buong pagkatao ko, na oo ang sagot sa tanong nya. "Sana nga, Harley. Sana nga. Dahil kinakabahan ako dito sa nararamdaman ko. Because I'm starting to feel like you're slipping out."

"Leo..." Suminghap sya at pagak na tumawa. "I'm sorry. I guess I'm talking nonsense. Sige na, pahinga ka na, okay? See you soon. I love you." Napakurap ako. "Oh. O-okay. Uhm, I-I love you too. Bye!" Pakiramdam ko'y namilipt ang dila ko. Naglulubid na ito.

Agad kong pinatay ang End Call button at ipinikit ang mga mata ko. Naramdaman ko ang mainit na likidong naglalandas mula doon. Napahiga ako at pinahid ang luha ko, tsaka ako nagmulat ng mga mata. Narinig kong muli ang pagtunong ng phone ko. Sinilip ko ang screen. One message.

I'm so sorry, Harley. Alam ko. Sinabi mo na kaninang hindi maibabalik ng mga sorry ko ang buhay ng baby natin, but still, I'm sorry. Pero kung inaakala mong susuko na ako. Well you got it all wrong, dahil mas lalo mo lang akong binigyan ng dahilan para hindi ka lubayan. I'm sorry. I love you so much. -Rain

Nailagay ko ang phone ko sa dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang pagwawala ng puso ko.

I've never felt this torn in my whole life. Damn you, Rain!

Salvador Brothers Presents: RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon