Kabanata 5

9.5K 159 0
                                    

"Are you still mad about what happened earlier?" I heard Rain asked me for the fifth time. May iba pa syang sinabi pero hindi ko naman maintindihan. Lutang pa ako eh. Bukod sa pagod ay para ding pinupukpok ang ulo ko sa sakit.

Pagkatapos ng eksena namin sa elevator, hindi ko na sya kinausap. And that's two hours now. Pakiramdam ko nga panis na ang laway ko eh. Naalala ko na naman yung kanina sa elevator. Mabuti nalang talaga bumukas agad yung elevator bago pa ako madala sa paghalik ni Rain. Halos hindi na talaga ako makahinga kanina. I think I need to see a doctor, baka claustrophobic na ako eh.

Pagbukas nga nung elevator ay halos madapa na ako sa pagmamadali kong makalabas. Dumiretso nalang muna ako sa McDo para kumain dahil pakiramdam ko nagwawala na yung mga bayawak ko sa tyan. Pagkatapos kong kumain, tsaka ko lang naisipang i-check yung phone ko. Halos maitapon ko na nga nung nakita kong tadtad na ng messages and missed calls- all from Rain. Agad akong bumalik sa building ng RSC at nakita syang nakatayo sa may lobby, sa tapat ng elevator. Nung napalingon sya ay agad naman akong tumakbo papunta sa hagdan. Damn heels! Imagine, naghagdan lang ako all the way to twenty-eight floor! Asar! Damn Rain, too!

"Let's go." Napatingin ako sa kanya at nakitang nakatayo na sya at inaayos ang butones ng sleeve nya. "H-huh?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. Napatingin din sya sakin at itinigil ang ginagawa nya. "I said let's go." Tapos ay nagsimula na syang maglakad papunta palabas ng office nya. Nagtataka ko syang sinundan ng tingin. Nang makaabot na sya sa pinto at napansing hindi pa ako sumusunod sa kanya ay tumigil sya at humarap sakin. "Bat nandyan ka pa?"

Nangunot ang noo ko. "Saan ba tayo pupunta?" Puno ng pagtatakang tanong ko sa kanya. "Aish! Basta! Halika na nga kasi!" Medyo iritang sabi nya at saka nag-iwas ng tingin. Medyo namula pa sya ng konti. Huh? Am I imagining things? Bakit naman sya mamumula?

Dagli kong isinakbit ang shoulder bag ko at sumunod na sa kanya. Masakit pa din ang ulo ko pero hindi ko nalang ipinahalata. Nauna akong lumabas and he walked after me. Napansin kong pinagtitinginan kami ng mga empleyado na madadaanan namin, at halos pumutok ang mukha ko nung na-realize kong nakahawak pala sya sa beywang ko. Didistansya na sana ako pero hinigpitan nya lang ang paghawak sakin, at dinagdag nya pa ang isang kamay nya na dumapo naman sa braso ko. Hindi nalang din ako nag-aksayang tumutol pa dahil masakit ang ulo ko. Dumiretso kami sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan nya. Porsche 918 Spyder lang naman. Ironic Rain Salvador, very shiny. Tch.

Binuksan nya ang pinto ng passenger's seat at pinaupo ako dun. Tapos ay umikot na sya para pumwesto sa driver's seat at nag-drive na. Napakapit naman ako sa kung anuman ang pwedeng kapitan dahil sa totoo lang ay parang byaheng langit na ang pagpapatakbo nya!

"Oh gosh, Rain! Slow down!" Tarantang sigaw ko. Halos blur na lang ang mga nadadaanan namin. "Rain, ano ba? You're driving like a maniac! Slow down!" Sigaw ko ulit kahit pakiramdam ko'y nilulunod nalang iyon ng malakas na hangin na sumasampal sa mukha ko. Pesteng sasakyan, walang bubong!

Napansin naman yata ni Rain ang pagpa-panic ko kaya binagalan nya ang pagpapatakbo nya. Bahagya naman akong nakahinga ng maluwag nung nag-red ang traffic light. Matalim ko syang tiningnan at sinuntuk-suntok ang braso nya. Damn his muscles!

"Whoa there, woman! Easy! Stop hitting me!" Natatawang awat nya habang pinipigilan ang kamay ko. "Easy! Easy ka dyan? What? Are you crazy? You were driving like hell! Ganyan ka ba magpatakbo? You're really nuts! Hindi ka ba nag-iisip? Ha? P-paano kung makabangga ka, or...or worse, kung...kung i-ikaw ang mabangga?" I trailed off when I realized how close I am to tears. Napatingin ako sa kanya at kitang-kita ang paglambot ng mata nya. Nakagat ko ang labi ko at nag-iwas ng tingin. Dumadagundong ang dibdib ko. Shit, sinabi ko ba talaga ang mga yun?

Ramdam ko ang matiim nyang titig sakin kahit na hindi ako nakatingin sa kanya. Tagos sa kaluluwa ko ang tinging ipinupukol nya. Mabuti nalang talaga at nag-yellow light na.

The rest of the ride was quiet...and awkward, sa part ko. Binagalan nya ang pagpapatakbo ng sasakyan. "Can't you go any faster?" Iritang tanong ko sakanya habang nakatingin sa gilid ko. Magkaka-stiffneck na ata ako nito eh.

Napatawa lang sya at mas lalong binagalan ang pagpapatakbo. Bumalikwas ako at tinapunan sya ng matalim na tingin. "Ano ba? Bilisan mo sabi eh!" Sigaw ko. Nakangiti syang lumingon sakin. "Why? Didn't you want me to go slow? Bakit ngayon naman ay gusto mong bilisan ko ang pagpapatakbo ko?" Itinaas pa nya ang kilay nya sakin at ibinalik ang tingin sa daan. Pinanlakihan ko nalang sya ng mata. "Bilisan mo na kasi! Bat ba ang bagal mong magpatakbo?"

Tumawa ulit sya. "Actually, I never wanted to go slow. That's just not my thing. You know me, I want everything fast. But now, I think I'm starting to love doing things slowly." Wala sa sariling saad nya. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi nya. "Pinagsasasabi mo dyan?" Mataray na tanong ko sakanya. Lumingon lang sya sakin at kinindatan ako. Nagulat pa ako nung itinigil nya ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Umayos sya ng upo at humarap sakin.

"I love this. You and me. Inside my car. Me, driving and you, sitting beside me. I love driving slow because you're the one sitting on my passenger's seat. You like it slow? Then we'll do it slow, baby. We'll do everything slow. We'll take everything slow. Everything." Makahulugan ang tinging ibinigay nya sakin habang sinasabi ang mga bagay na iyon. Ako naman ay na-estatwa nalang at hindi na nakapagsalita pa. Nang napansin nyang wala akong reaction ay bumuntong-hininga sya at pinaandar na ulit ang sasakyan. Tahimik na ulit hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang malaking gate. Nanlaki ang mga mata ko nung na-realize kung nasaan kami ngayon.

Salavador Mansion

"What are we doing here?" Maang na tanong ko sakanya habang nakatigil ang sasakyan at binubuksan naman ang gate. Nang tuluyan itong mabuksan ay pinaharurot nya ulit ang sasakyan. Agad na napukaw nag atensyon ko ng malaking bahay na agad kong nakita.

Mali pala. Hindi pala bahay. Even the word mansion isn't enough to hold just how big, and elegant, and extravagant, and magnificent it is. Mas bagay kung tatawagin itong palasyo. Salvador Palace dapat ang pangalan nito. Malaki na ang pinagbago nito sa loob ng limang taon na nawala ako. Matagal na din pala mula nung huli akong pumunta dito.

Tumigil kami sa harap ng bahay. Bumaba na si Rain at dumiretso sa side ko. Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse. Nag-aalangan ako pero bumaba na din ako. Nagsimula nang umakyat si Rain sa hagdan pero pinigil ko sya. "Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya. Lumingon sya sakin. "Family Lunch." Tapos ay hinila nya na ako. Napaawang ang bibig ko sa sinabi nya.

"WHAT?"

Salvador Brothers Presents: RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon