Chapter 3

14 1 0
                                    

Third subject na namin. Pero parang walang teache--

"Sorry I'm late class. May ganap kasi sa department namin." kita ko ang pagtulo ng pawis ng teacher. Ang ganda niya. Ang bata niya. Mukha siyang student teacher.

Napalingon siya sa direction ko. Tumingin siya nang nagtataka sakin. Pero ngumiti lang siya.

"Mam, siya nga po pala si Jenna Arellano. New classmate namin." pinakilala ako ni Ella sakanya. Ngumiti si mam at tumango.

By the way, naging close kami ni Ella kanina lang noong first subject. Nakakatuwa siya. Ang cute. Mas matanda siya sakin pero mukhang mas bata siya.

Wala kaming ginawa. Naglaro lang kami. Pero di kami sumali ni Ella. Nagkwentuhan lang kami.

Si Ella, siya ang top 2 sa klase. Matalino siya. Determinado siya sumagot. Tsaka, kitang kita ko ang pag focus niya sa lesson kanina.

***

Recess ngayon. Naisipan kong pumunta sa library pero di ko alam kung san yun. Hinabol ko si Ella.

"Ella, san yung library dito?"

"Sa Mystic building. Katabing building ng Alpha sa kanan. Third floor yun."

"Ah. Sige thanks."

Naglakad ako palabas ng building na 'to. Natatawa ako. Ang weird ng mga pangalan ng buildings dito. Kahit yung pangalan ng school na ito, eh.

Bago ako tuluyang makalayo, narinig ko na tinawag ang pangalan ko.

"Jenna, sabay ka muna sakin. Kain tayo." niyaya ako ni Ella. Sabagay, isang pirasong tinapay lang kinain ko kanina bago ako pumasok. Hehehe.

Tumango ako at sinabayan siya.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad nang may nakabunggo sakin. Natapakan ko din ang paa niya.

"WTF. Bulag ka ba? Nakatingin ka ba sa dinadaan mo?" wow. Lakas din ng loob nito. Di naman sinasadya ng tao, eh.

Teka. Parang ibang-iba siya sa mga estudyante dito. Pati yung dalawa niya pang kasama.

"Wow. Sorry, ah. Kung nakatingin ka lang din sana sa dinadaanan mo, edi sana di tayo magkakabungguan. Sino ba namang dalawang tao ang di mag kakabungguan kung tumitingin sila sa daan." sinagot ko. Nakakainis. Kita ko ang pagkagulat niya. Kahit si Ella. Bakit ganyan na lang sila maka react? Ano bang meron?

"Sino ka para sagutin si Josh ng ganyan?" sabi ng isang kasama niya. Mas maliit siya kesa sa dalawa.

"Bakit? Wala ba akong freedom of speech?" sagot ko sakanya. Humawak sa braso ko si Ella at bumulong.

"Jenna, tara na lang. Umalis na tayo dito. Pinagtitinginan na tayo." hinila niya ako papasok sa canteen.

Nung nakahanap siya ng upuan, hinila niya ako at umupo siya saka hinila ako paupo. Tinignan niya ako.

"What were you thinking?!" huh? ano daw?

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"That boy you harshly talked to is Josh. The no. 1 bully in this school. The most popular in this school." wait what?

"So, what? Ang bastos niya, eh. Nabunggo lang galit na agad."

"Kahit na. Hindi niya deserve na ganyan siya kausapin. Everyone fears him." ganun?

"Naku, Jenna. Kinakabahan ako para sayo."

"Bakit naman?"

"Tsk. Kapag kinausap kasi siya nang ganun, hahanapin ka nun at bibiktimahin sa pambubully. Specially when you're a new student. Target niya ang mga bagong estudyante dito." no worries Ella. I can defend myself.

Unexpectedly in LoveWhere stories live. Discover now