Ella's POV
"Its worth it." he smirked.
F**k this guy. Nairita ako sa kanya at tinulak ko siya nang mahina.
Lumayo naman siya sakin. Tumingin siya sa ibang direksyon at ngumiti nang nakakaloko.
"You're really a playboy." I said to him.
"Playboy na gwapo." wow. Taas ng confidence nito, ah.
"Shut up."
Panandaliang katahimikan. Nakakabingi. Hangga't sa basagin niya ang katahimikan.
"Ella. Seryoso na ako ngayon. Pwede bang magtanong?" seryoso daw?
"You're already asking."
"Ella, seryoso na kasi."
"Sige. Ano bang tanong mo?"
"Pano tayo makakababa dito?"
The fudge! Yun lang pala tanong niya kailangan niya pang patagalin! Bwiset!
"Yun lang pala itatanong mo kailangan mo pang magdrama!" nag peace sign siya at ngumiti.
"Pano nga kasi?"
"Tumalon ka."
"Seryoso ka?!"
"Sasabihin ko ba yun kung di ako seryoso?"
"Malay ko bang seryoso ka."
Nag pout na naman siya. Di niya talaga titigilin ang pag pout niya, noh.
"Mauna ka muna, Ella."
"Sige. Iwan kita dyan." asar ko sa kanya.
Tumalon ako at iniwan sa taas ang mokong yun. Nakita ko siya, naghihirap para lang makababa.
Medyo natagalan siya kaya naisipan kong tulungan siya. Napatingin siya sakin at ngumiti.
"Tutulangan mo rin naman pala ako, eh."
"Be grateful."
Nung nakababa na siya, lumabas na kami sa park.
He bid goodbye to me and I didn't bother to look at him and bid goodbye back. I went straight to my house and I finally got home safely.
***
Jenna's POV
(in classroom)Nagpe-painting kami ngayon sa arts. Sabi ng teacher namin kahit anong klase i-paint namin.
Ako forest ang pini-paint ko. Di ako magaling sa arts pero eto ako ngayon, ang hirap lang.
Mamaya, kung sakali mang may gawin sakin na kalokohan si Josh, may nakahanda na pangganti sa bag ko.
Humanda yun sakin.
*30 mins. later
Tapos na kami sa pag paint. Pinakita namin isa-isa ang mga gawa namin.
Nakita ko yung kay Ella. Wow. Angel wings. Realistic yung sa kanya. Eto pala talent niya. Magaling siya sa arts, ah. Samantala yung sakin. Medyo may pagka failed lang. I'm not into arts. I prefer sports. Yeah. Athletic ako.
Tinignan na ng teacher yung gawa ko.
"Nice work. May konting pagkakamali ka lang dito. Your grade is 90."
Yes!
*kriiiiing*
Lumabas kami ni Ella mula sa classroom habang pinag-uusapan ang tungkol sa gawa namin sa arts kanina.
YOU ARE READING
Unexpectedly in Love
RandomThis is the story of the unexpected love of a bully to a girl.