Jenna's POV
Hinahanda ko na sarili ko sa pagpasok ko sa school. Sinuot ko na ang black shoes ko, uniform, nag toothbrush, kinuha ang cellphone at bag at lumabas ng bahay nang walang paalam kay mom.
*moments later*
Nasa school na ako. Dumerecho agad ako sa room. By the way, next week lilipat na ako ng school. Wednesday ngayon.
Umupo ako sa pinakadulo at nilabas ang libro ko at nagbasa. Hindi ako yung tipong nerd na nakasalamin or naka braces. Naka contact lense lang ako. According to my mom, di raw bagay sakin. Nerd ako. Valedictorian at honor student simula noon pa. Tahimik lang ako. Lagi.
Unti-unti nang nagsisidatingan mga kaklase ko.
*kriiiing*
Tumunog na ang bell meaning start na ng klase. Lahat ng kaklase ko nandito, minutes later, dumating na din ang teacher. Nagstart na ang discussion.
*1 hour later*
Time na. Umalis na ang teacher. Next subject naman. Napansin kong kanina pa nakatingin sakin mga kaklase ko. Ano bang meron?
"Saan kaya siya lilipat ng school?" sabi ni Jenny sa katabi niya. Ah, siguro ako ang topic nila. At bakit niya naman yun natanong? Ano bang pakialam nila sa paglipat ko?
"Mukhang di ako masasanay pag wala siya dito." sabi naman ni Arian na katabi niya.
Psh. As if namang gusto nila akong kasama. I think hindi sila sanay na walang makopyahan. Tss. Naturingang section 1, nangongopya lang pala. Di nila ako gayahin (mahangin ba?)."Class, wala daw yung next teacher natin. Naospital daw kasi anak niya." sabi ng kaklase ko mula sa labas.
Pagkasabi nun, nag-ingay na mga kaklase ko. Mga hinayupak. Naospital na ang anak ng teacher natin, tuwang tuwa pa kayo.
Lumabas ako sa room para maiwasan ang ingay ng mga hinayupak kong kaklase. Pumunta ako sa library at nag browse sa shelves. Nahanap ko ang paborito kong libro. Greek mythology. Di ko pa tapos 'to eh. Kaya itutuloy ko.
"Di ka parin ba tapos dyan sa librong yan? Nagiging suki na ata kita dahil dyan ah." biro ng librarian na nakatayo sa tabi ko. Oo nga. Parang suki na nga ako sa library.
"Mahilig lang po kasi ako sa mga mythology." ngumiti ako sakanya. But I'm not just into mythologies. I really love them. I've read so many mythologies. Specially the mythology of the Egypt.
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
3:00 p.m na. Uwian na namin. Lumabas ako ng school. Naglakad ako papunta sa bahay.
Nakarating ako agad, pumasok ako at binati si mom.
"Jenna, bukas na ang pagpasok mo sa bagong school. Ihanda mo na mga gamit mo para bukas." nagtaka ako sa sinabi niya.
"Mom, didn't you tell me that its going to be next week?" I told her.
"Well, the principal called me earlier and said that they can accept you tomorrow." I just nodded. Bakit naman kasi biglaan?
Umakyat ako sa room. Sinarado ko ang pinto at pabagsak na humiga sa kama ko.
Hindi ko naman talaga kailangan na ihanda mga gamit ko, eh. Kung makapagsabi si mom na ihanda mga gamit ko para namang titira ako sa isang dorm sa school na yon. At bakit ba kasi kailangan ko pang lumipat ng school? Ako inaasahan ng mga teacher na maging valedictorian, eh.
"Jenna! Someone wants to see you!" mom shouted from downstairs.
"Coming, mom!" I replied. Kelan pa ako nagkaron ng bisita?
YOU ARE READING
Unexpectedly in Love
DiversosThis is the story of the unexpected love of a bully to a girl.