Prologue
"Hi kumusta ka na? Namis na kaya kita nuh, basta regalo ko ha"?
"Nanginginig ako habang binabasa ang conversation nila, nanghihina man ako pero kailangan kong mabasa at malaman ang lahat ng kawalanghiyaan ng Mahal kong Asawa. Oo tama sa nababasa ko ngaun hindi pa ba kawalanghiyaan ang tawag dito? I dont think so!
Yung pakiramdam na after mong pumasok ng opening closing, walang day-off at ngaung natrapik ng bonggang bongga sa Ortigas Extension ito pa talaga ang bubungad sa akin sa mga oras na ito, at alas dos na nang madaling araw.
"Hindi ko lubos maisip na asawa ko talaga ang ka-chat ng babaeng ito.Pilit kong binalikan ang dati nilang conversation. Itong thread ng usapan na to hang pagbibigay linaw ng lahat ng tumatakbo sa isip ko ngaun? Ewan ko ang gulo, ang hirap! Ngaun palang sobra na akong nasasaktan. Sakit, na hirap ipaliwanag. Sakit na parang ayaw i-absorb ng sistema ko.
Natatakot ako.
''Natatakot ako sa possibleng matuklasan ko, pero may choice ba ako? Lalong lalo na sa mga oras na ito na possibleng magbabago na ang lahat.
"Hmmmm., mis din nman na kita ah, Uy belated birthday nga pala sayo, "Mr. Unfaithful''!!! Hahahhahaha"''mensahe pa ng haliparot at ang walanghiya, take note may pa smiley smiley pa talagang nalaman.''
"Mapaka-unfaithful nman toh, wagas talaga!'' sabi ng 'langhiya kong asawa. "Bakit hindi ba totoo?" sagot pa ng bruha."Ewan ko sayo, asus kanwari to!!!
Kailan ba kasi ulit tayo magkikita? " tanong ng magaling kong Asawa. So may balak pa nga silang magkita ulit, ganun ba? Nawawarak ang puso ko. Ang sakit sakit.
Aba ang pogi ata ng tingin ng lalaki na toh, sa sarili niya? Nagngitngit kong sabi. Ni hindi ko lubos maisip na kaya niyang gawin ang mga ito. Parang di kayang tanggapin ng buong sistema ko. Masakit, sobrang sakit na! Kung noon walang nangyari, ngayon ito na nga maliwanag pa sa alas kwatro.
"Ikaw bahala! Ang tanong makakatakas ka ba?" may halong panghahamon sa tono ng tanung ni Babae."Oo naman, try me!" aba kampanteng kampante din siya, oh "Sus, mukha mo! Hayst naiimagine ko ang sungalngal na nguso ng babaeng to habang nagta-type sa reply nito sa asawa ko.
"Uy anu na? Tanong ni asawa, based sa nakikita ko, its been 3days since na last sila nag-usap eh ito talaga nga naman talagang siya pa talaga nag-initiate na-i-open ang topic, aba mahusay,. Bravo!! "kailan mo talaga kasi gusto? sabat naman ni Ingrata!
"Basta pag nakaluwas ako ng Manila, text kita." so willing talaga, ganun?
"Basta promise mo yan ha, isususbo mo ba ulit? Sobraaang misssss ka na kaya nito nuh'' "Sure subo lang pala eih! Mas malupit at mas masarap pa sa inaaasahan mo" "Ooooooowwwwwwwwwhhhhh talaga? Hindi nga seryoso ba yan ha? Aasahan ko yan ha! Sabi mo eh.
Hinang hina ako sa nababasa ko totoo ba to? Seryoso ba tong thread ng usapan nila dito sa facebook? Napailing na lamang ako sa mga nabasa ko. Hindi ko alam ang ire-react ko. Nasa trabaho siya ngaung mga oras na ito at walang hawak na cellphone.
Sa totoo lang gustong gusto ko siyang dikdikin na parang bawang sa mga oras na ito. Ipasok sa washing machine at paikutin ng 45mins o di kaya, bugbugin hanggang sa masira ang pinagmamalaki niyang makapal na pagmumukha. Ay hindi, kung kalbuhin ko kaya siya? Tama kalbuhin ko siya, total nman sobrang mahal nun ang mahaba niyang buhok.
*****
"Tanging napatakip na lamang ng bibig si Ales sa nababasa, out of curiosity ng buksan at pakialaman nito ang facebook account ng Asawa at hindi nito lubos maisip ang nabasa sa inbox."
Women-instinct marahil ang tumulong sa kanya para mahuli ang inuumpisahang kalokohan ng asawa. Dati rati kahit na madatnan nito ang account ng Asawa na hindi nakalog-in sa pc nila sa kwarto. Hindi niya ito pinapakialaman.
"Pero iba ang pakiramdam niya ngaun.''
Parang kung may anung espiritong bumubulong sa kanya na buksan ang inbox nito nang may makitang may bago itong mensahe. At ito ang unang pagkakataon na bubuksan niya ang account ng kanyang asawa miski ang cellphone nito ay hindi niya pinapakialaman sa loob ng anim na taon, bagay na ang relasyon nilang ang kinaiinggitan ng kanilang mga kaibigan, kabarkada at pati na rin mga katrabaho.
Malaya silang nakakagalaw at nai-enjoy ang buhay, at hindi lang basta dumedepende sa isat isa. Dahil naniniwala sila na hindi lang nila mahahanap ang kasiyahan sa isat- isa. May mga bagay at saya din na maidudulot ang mga barkada.
Hindi ito maari -" bulong ko sa aking sarili'' Hindi pwedeng sa pagkakataong to sasaktan mo ako ulit. Pagmumukhain mo nman ba akong tangga? Mas masakit pa ito nang nahuli kita noon pero bat kailangan mo pang ulitin?
Ang kapal ng mukha nila. Walanghiya ka Andrew. Binigay ko ang lahat, lahat tiwala at pagmamahal ko. Tapos ito pa ang igagante mo sa akin? Ito pa--?????
Saan ako nagkulang at na nagkamali? Sana hindi mo pinaramdam sa akin na iba ka! Sambang samba ako sayo at sa pagmamahal mo. Sa loob ng anim na taon sayo lang umikot ang mundo ko, tapos ito pa ang igaganti mo?
Sana hindi mo na pinaramdam sa akin na ako lang, habang buhay. Kulang pa ba ang tiwala na binigay ko sayo para sisirain mo lang ng ganun ganun nalang. Umasa ako na tama na ang isang pagkakamali nagawa mo noon. Yun pala umasa lang ako sa wala at ito siya ngaun mas pinili pang saktan ako uli kesa patunayang di na siya uulit.
Oo tao ka lang at nagkakamali, lalaki na pwedeng maakit at mahulog sa iba, kahit alam mo na andito lang ako at nasasaktan tuwing nahuhumaling ka sa iba. Sa tuwing may nagugustohan kang iba. At ito ang pangalawang beses na mahuhuli kitang may kasamang iba.
Akala ko nang humingi ka nang tawad noon, yun ang una't huling pagkakataon na masasaktan mo ako at natuto ka na sa pagkakamali na yun. Yun nman pala hindi ka pa nakuntento at ito ka ngaun mas malala at mas masakit ang katotohanang...
....
....may nangyayari sa inyo ng babae mo at balak niyo pang sundan.
BINABASA MO ANG
My 35'th MAN, in Life
General FictionWhat true LOVE can do? It can change everything, even wrong perception, Break rules and change people. Isang araw nagising nalang si Chloie Alessandra Antonio sa katotohanang, lumagpas na sa kalendaryo ang mga lalaking dumaan sa kanyang buhay. Buha...