Birthday Wish

818 19 4
                                    

Andito kami ngaun sa Taytay Church, since itong asawa ko ay laking Taytay, hilig naming pumunta dito para magsimba at kahit magdasal lamang, nakasanayan na namin ang pagpunta dito kapag may oras kami.

Hindi kami literal na palasimba dahil na din sa complict ng work schedule pero kapag may chance, hindi nmin kinakalimutan na dumaan o dayuhin talaga ang simabahan na ito.




Pakiramdam ko bawat wish na hilingin ko ay natutupad at sa oras na nakapasok ka na parang ang gaan sa pakiramdam at ang blessed ko sa maraming bagay.



Lumaki akong hati ang paniniwala sa mga relihiyon, ang magulang ko at Katoliko at ang Lola ko nman ay Born-again Christian. Bilang lumaki sa bukid, nakuha ko ang paniniwala ng aking magulang at naniwala ako sa pananaw ng aking magulang.

Kami ang pamilyang KBL lamang ang samba, at siyempre kasama ang kaarawan.

K- kasal, kaarawan
B- binyag
L- libing

Masyado kaming malayo sa bayan kung saan andun ang aming simbahan at dala ng kahirapan at kakapusan sa buhay kaya din basta ang gagastos ka ng pamasahe. Kung mayroon man silang pinaghahandaan at pinag-iipunan ng pamasahe nming mag-anak yun ay yung Pasko at kwaresma o Mahal na Araw.




Dugtong ko pa habang tahimik kami nag-uusap sa loob ng simbahan ito na ang nakaugalian na namin.



Tahimik naming pinag-uusapan, ang mga plano namin at ang aming pangarap. Ganito kami sa tuwing andito kami sa simbahan na to, pakiramdam ko sa tuwing andito ako nagiging magaan ang lahat.



Pero kami ang pamilyang andun ang takot sa Panginoon, "sabay ngiti kong sabi". Sabi nga aking magulang hindi mo kailangang magsimba lagi para lamang ipakitang sinasamba mo ang Diyos at naniniwala kang may Diyos. Dahil nasa puso't-isip mo yan. Dagdag ko pa. 



Tanging ngiti at pagpisil sa aking kamay na para bang sinasabi niya na, kunting kunti nalang tanggap ko ang pagkawala ng Tatay, ganyan siya tuwing napag-uusapan ang aking magulang dahil alam niya kung paano ako nahihirapang tanggapin na wala na ang Tatay.


"Mahal ko" tawag ng aking asawa. Asawa ko na siya kong ituring pero kung tutuusin, live-in partner ko siya for 6years na this coming March . Mula nung nagkakakilala kami, di na namin pinakawalan ang isat-isa. Nangingiti ako habang inaalala ang lahat. Nang bigla akong kalibitin.

Anu yun mahal ko? ''natanung ko nalang'' sabi ko cant wait to see you walking in this aisle, ito ang simbahang gusto kong maging saksi ng lahat.




"Napatakip lamang ako ng bibig'' ito ang isa sa mga hiniling ko sa Panginoon kani kanina lang. Tatlo lang ang pangarap ko sa buhay at hiniling ngaun.



Makasal kami sa simbahan na ito.
Magka-work na ang aking mahal.
At isang masaya, healthy at matiwasay na pamumuhay sa aming mga mahal sa buhay.




Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko ngaun, proposal ba itong sinasabi niya? Pero bakit parang walang namang singsing? Bulong ko sa aking sarili. Pero kunwari wala lang sa akin ang naririnig ko at alam ko din na narinig niya ang pabulong sabi about sa singsing. At ang nagsalita ito ulit at ayaw ko muna huminga kahit isang Segundo lang.



 At sabay hawak ng mahigpit nito sa aking mga kamay.

Asawa ko, dito ko papalitan o, I mean dadagdagan ang iyong apelyido ng more than 27yrs. Uy 35 years na pala, Ang tanda mo na ah, ahahahahaha. Sabay tawa ng walang hiya. Ang tanung papayag ka ba? Natawa nman ako sa tanung mo? Sabi ko sa kanya. Matatawa ka talaga kasi wala akong singsing eh, wala kasi akong pera eih, nasa sayo nga di ba? 



My 35'th MAN, in LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon