Andrew's LOVE

558 19 0
                                    

Andito kami ngaun sa Taytay Church. Nakasanayan na namin na magpunta dito kapag may time kami at hangga't maari dito kami nagsisimba at kapag wala nmang misa sa mga oras na pwede kami, sinisikap pa din nman na pumunta dito para magdasal.

Matagal na akong namamanata dito dahil dati rati dito kami nakatira at kahit pa napag- desisyonan na ng magulang ko na lumipat kami sa karatig bayan, I mean sa bayan ng Cardona. Gusto ko padin dito.

At halos walong taong taon na akong nagpipinitensya dito.

Nangingiti ko habang naalala ko ang weirdong hiling ko sa kanya 7years ago.

"Ramdam na ramdam ang sakit sa bawat paghila namin ng lubid dito sa Amba. Sobrang sakit ang bawat siksikan ng aming mga libo libong katawan.

Magkahalong pawis, at singaw ng mga nagsiksikan naming katawan plus malansang dugo dun sa mga nagpipinetensiya.

Kapag hindi ka sanay at hindi ka seryoso sa pamamanata mo, aayaw ka na talaga. At kasabay ng halo halong pagod ang bawat sakit sa aking nakaapak na paa. Pero tuloy tuloy padin ako sa pamamanata. At parte na ito ng buhay ko, ang pagsilbihan siya.


Ang Panginoon.





At worth it, lahat ng pagod at bawat sakit ang mapagsilbihan sa ating Poong Maykapal, masaya ako na kahit isang beses sa isang taon,ang napa-paglingkuran ko siya kahit pa isang beses lang at sobrang thankful ako na lahat ng ipiangdadasal ko ay, natutupad.


Gaya ng madaling pagaling ng Tatay. At masayang pamilya na mayroon kami. Lahat ng hiniling ko sa kanya talagang naisakatuparan. At kasama dun ang pagkakaroon ng baby ni Ate. Ipinagkaloob niya yun at sa wakas kambal pa ang mga pamangkin ko its a boy & girl. Sulit ang pag-aantay namin, finally after 9years! Sobrang saya namin.

Atleast diba magulang na ang Ate ko. Kakaibang saya ang nakita ko sa kanila ng Kuya.

Pero akala ko happy na, hindi pala umiikot pala ang mundo at ito ako napag-iwanan na naman.







***





At sound's weird pero hiniling ko sa kanya na binigyan ako ng babaeng mamahalin. Babaeng kayang makipagseryosohan.

Hindi niya ako binigo.

Masakit man sa akin ang iwan ako ni Eimz. Kaya hiniling ko sa kanya na binigyan ako ng babaeng hinding hindi ako lolokohin at iiwan at higit sa lahat hindi hindi ako ipagpapalit sa iba.


At sobrang thankful ako na sa loob ng six years kasama ko si Ales dito. Wala na akong ibang hiniling pa kundi ang makasal sa simbahang ito at makasama ang asawa ko habang buhay.




Mahal na mahal ko siya at kahit pa naman hindi pa kami kasal eh, asawa na ang tawag ko sa kanya. It doesn't mean na hindi kami nakakasal ay di ko siya pwedeng tawaging asawa, basta para sa akin eh asawa ko na siya. At one day ikakasal kami dito. Patutunayan ko sa pamilya niya na hindi lang pang live-in partner si Ales kundi pang lifetime partner. Kitang kita ko gaano niya kagusto dito from the first time na nagsimba kami dito.


"Woooooow!!! Ang ganda at ang laki, ang ganda ng ambiance nuh Mahal ko, siguro kung di ako nagkakamali, ang daming nagpapakasal dito?'' Tuwang tuwa pa niyang tanong sa akin. Oo nman, madami ang dumadayo dito para lang magpakasal. "Taas noo ko pang sabi.'' Ang ganda kasi dito. ''Manghang mangha talaga siya dito, kaya mula ng araw din yung naisip ko na one day dito ko siya pakakasalan.''




Marami na siyang ginawang sakripisyo para sa relasyon namin at mula ngaun, sisikapin ko na pagpasok ko sa work ko sa Makati ay sisikapin kong tumagal doon. At isang araw dito ko siya pakakasalan. At pinapangako ko na, pag-iigihan ko sa trabaho para mapromote man ako at magkaroon ng maganda-gandang sweldo aba hinding hindi ko na siya pagtrabahuhin pa.




"Mahal ko" tawag ko sa kanya nung napansin kong nagiging emosyonal na nman siya habang pinag-uusapan naming ang buhay na meron sila noon sa probinsya nung nabubuhay pa ang Tatay, "tatay niya". Magkasama man kami ng anim na taon pero hindi nito masyadong ini-open ang tungkol sa ama niya.

Masyado siyang emosyonal at masaya akong kahit papanu ngaun may changes na paunti-unti na-i-i-open niya na ang lahat. Alam kong sa kabila ng masayahin niyang mukha may nakakubli na lungkot at ramdam kong sikreto yun sa buhay.


Hindi man ako ang nakauna sa kanya di na yun mahalaga sa akin. Mahal ko siya sapat na dahilan nay un para tanggapin at irespeto siya ng buong-buo.


Hawak hawak ko ang kanyang kamay. At hanggang ngaun sobrang kinikilig padin ako at hnggang ngaun, andito padin ang excitement ko sa tuwing hawak hawak ko ang kanyang matigas na palad. Oo sa lahat ng pitong naging girlfriend ko aba siya lang ang may magaspang na kamay.


At natutuwa ako kasi sobrang sipag niyan, ni hindi nga yan natambakan ng gawaing bahay kahit tamad ako at pumapasok pa sa trabaho. Kahit na pagod yan galing sa trabaho aba magluluto pa yan ng pagkain.




Habang hawak hawak ko ang mainit niyang palad, masaya at masarap sa pakiramdam at isa itong patunay na akin siya at maswerte ako na sa mga oras na ito ako ang kasama niya at kahit pa napakamisteryo nang mukha niya. At noon pa man, alam ko na nababalot siya ng maraaming sikreto pero ang mahalkin niya ako at huwag iiwan sapat nay un, at wala na akong pakialam sa mga lalaking dumaan pa sa buhay.


Anu yun mahal ko? ''natanung nito nung hindi niya masyadong naiitindihan ang sinasabi ko''



"Sabi ko cant wait to see you walking in this aisle, ito ang simbahang gusto kong maging saksi ng lahat."




"nasabi ko sa kanya" Hindi ko alam ang tamang pagpro-propose.


"Napatakip lamang ito ng bibig'' at masaya ako sa nakikitang reaksiyon niya. Asawa ko, dito ko papalitan or, I mean dadagdagan ang iyon apelyido ng more than 27yrs.



Uy huh 35 years na pala, Ang tanda mo na ah, ahahahahaha. Angil ko sa kanya. With matching tawa pa. Gustong gusto ko itong biruin tungkol sa kanyang edad. Madaldal man yan, pero pikon yan pag dating sa kanyang edad at masyado yang conscious.


Ang tanung papayag ka ba? ''pabiro ko pang sabi'' Natawa nman ako sa tanung mo? Sabi pa nito sa akin. Matatawa ka talaga kasi wala akong singsing wala kasi akong pera eih, nasa sayo."dugtong ko pa" At lalo tuloy itong natawa nung sinabi ko na siya ang may hawak ng pera namin. At sa tuwing may trabaho siya talaga ang bahala sa sahod ko. Wala ito sa akin kasi mas gusto ang ganun. Siya na ang bahala sa pera namin at sa tagal ng panahon never kaming nagtalo ng dahil sa pera kahit pa sabihin nating live-in palang kami .


At di na ako luluhod ha, kasi common na yun "sabi ko pa" basta dito ramdam mo ang aking sinceridad ko, aking sinta. Sabay patong nang kanyang kamay sa akin dibdib. Tila daig ko pa ang kakatapos ko lang mag-marathon. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at habang nanginginig din ang mga nman ang kamay nito. Wala na akong pakialam kahit pa nasa simbahan kami at pinagtitingan dahil para kaming sira ulong nag-iiyakan at nagyakapan. Ang magkaroon ng ganitong karelasyon ay God's blessing. At hindi ako nagkamali na humiling kay God na bigyan ako nang ganitong karelasyon.


At hindi ko akalain na ang isang laro, ang isang deal ay tatagal ng anim na taon, at malapit nang mauuwi sa kasalan.

My 35'th MAN, in LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon