Para kay Mikhai!!! Dahil sa sagot niya sa anong meaning ng Drop. Hahaha. Very simple. Short but meaningful. =))
Pero lahat ng sagot niyo, pwede. Hahaha. Lalong natawa ko sa mga meaning ng P5 niyo. HAHAHA. KALERQUIIII.
Yung song part ng UD na ito ay ako ang kumanta. HUHU. Please wag niyo ko kuyugin. Trip ko lang talaga kantahin yan nung mga panahong wala akong magawa sa Baguio at ayokong mag-aral. OKAY. Hahahahaha. Nasa external link pala siya kung gusto niyong pakinggan.
________________________________________________________________
Drop 09 – Rejections, confessions and complications.
LUKE
Pansin naming lahat sa banda na hindi na nagpapansinan si baby Kari at si Dale. Alam naman namin yung issue. Pero ayaw rin naming makialam. Lalo na ko, ayaw kong makialam. Wala naman akong karapatan eh.
Kahit minsan, masakit.
May gig nga kami eh. Pano, school fair na sa susunod na linggo. Kaya eto,nagpapractice kami kina Dale na wala sa sarili. Tahimik lang.
”Brad, umayos ka nga.” Sita ko sa kanya. Pero hindi naman ako pinansin. Kanina pa kasi siya sumasablay. Ewan ko ba.
”Wala naman tayong matinong natatapos. Una na muna ko.” Dahil badtrip na rin, umalis na ko. Ayokong patulan yun si Dale. Unang-una, kasalanan niya rin kaya nagkakaganun siya.
Hindi ko alam pero dinala ako ng katawan ko sa bahay nila Sean na iniwan ko kina Dale. Sana andito si Kari. Siya lang naman nakakapagrelax sa akin eh.
”Baby Kari!” Sigaw ko mula sa labas ng kwarto niya. Okay lang naman kay tita na andito kami eh. Shempre alam naman niyang alaga namin tong si Kari.
”Luke! Oy lika, pasok!” Sabi niya.
”Anong ginagawa mo?” Tinignan ko yung papers na hawak niya pero bigla naman niyang tinago.