Para kay Hazel. Na ang bibo at tuwang tuwa na ang banda lang ang kaclose ni Kari. Hahaha~
PS. Ang dilaw na beetle ni Kari ay nasa ibaba ng mukha ni Dale. Tignan niyo na lang yung gif.
______________________________________________________________________
Drop 04 – Ang shotgun seat at dilaw na beetle ni Kari.
KARI’S POV.
Tanga ba ko?
Tanga ba ko kasi mahal ko si Dale? Tanga ba ko na nagmahal ako ng taong alam kong imposibleng mahalin din ako? Tanga ba ko na nagmahal ako sa isang taong manhid?
”Pamunas oh.” May tumapat na panyo sa mukha ko. Tinignan ko yung panyo tapos yung mukha nung may hawak ng panyo.
“Baby Kari, kukunin mo o ako magpupunas sa luha mo?” Nakangiting tanong ni Luke. Kinuha ko yung panyo tsaka nagpunas.
”Bakit umiiyak ang baby namin? Ano, sino reresbakan namin ha?”Pabirong sabi niya at ginulo ang buhok ko.
“Luke, okay lang ako. Salamat.” Nginitian ko siya at nag-ayos na ng gamit. Wala naman na talaga kaming klase, naisip ko lang tumambay dito sa field at magpalipas ng oras.
”Si Kari, kapag malungkot o masama ang loob, kumakain.” Inabutan ako ni Luke ng chocnut. Sira talaga ’to.
”Salamat. Tara, uwi na tayo. Teka, kay Dale ka din ba sasabay?” Sabay-sabay kasing umuuwi sila kuya. Tamad kasi kuya ko gamitin yung kotse niya. Ako naman, cute na cute sa kotse ko kaya gusto kong ginagamit.
”Hmm, alam mo ba, miss ka na rin namin kasabay? Hanggang ngayon, walang tumatabi kay Dale sa shotgun seat kapag siya nagdadrive. Alam mo namang sa’yo pwesto yun eh.” Kinuha ni Kenneth ang gamit ko at sumabay sa paglakad.