Last Drop - Ang facedown na paghulog.

20.6K 483 115
                                    

LAST DROP - ANG FACE DOWN NA PAGHULOG..




NINO?




______________________________________________________________________





DALE.


School fair lang ngayon kaya petiks. Pero kami eto, nagreready na para sa performance namin mamaya. May mga dadating din kasing mga alumni kaya eto, pasikat dapat. Di naman problema yun, sus. Kami pa.




“Boss, nuod ka mamaya ah? Sa harap ka pumwesto para kita agad kita.” Text ko kay Kari. Tinatamad daw kasi siyang pumunta ng school kaya mamaya na lang pag performance na.




“Susunduin mo si Baby Kari?” Tanong ni Kenneth. Binatukan ko nga.




”Wag niyo na ngang tinatawag na Baby si Kari! Ako na manliligaw di ko matawag ng ganun. Badtrip kayo.” Nagsitawanan lang naman sila. Lagi kasi ganyan linya ko kapag tinatawag nila si Kari ng Baby.




Eh kasalanan ko bang naiinis ako? Tsaka lalo na pag si Luke ang tumatawag ng ganun. Parang gusto kong sapakin. Eh basta. Nakakainis lang.




”Brad, wala kang magagawa. Baby talaga ng banda si Kari.” Inakbayan pa ko ni Kenneth. Kita mo ’to, mas matangkad ako sa kanya kaya hirap yan. Deh joke lang.




”Pag naging kami na ni Kari, bawal niyo na siyang tawaging baby.”




”Kung sasagutin ka niya.” Sabi ni Sean habang patuloy sa pagigitara.




My Ex-Suitor #KathNielReadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon