「Ilang buwan na ang lumipasツ」

81 3 0
                                    


Ilang buwan na ang lumipas
Simula noong bumitaw ka sa pagkakahawak ko
Marahil nga'y 'limot mo na
Ang mga masasayang alaala
at masasakit na salita na binitawan mo.

Sa puso at isip ay matibay na nakatatak
na ang pagmamahal ko sayo ay hindi kumukupas
Pilit mang ayusin ang mga pahinang nasira
Umaasang maiayos ang relasyong malabo
at nakabaon na lamang sa ilalim ng dagat.

Pinapakinggan ang mga kinakanta mo noon sa akin
Mag-isang sinasabayan ang bawat linya ng kanta
At pikit matang isinasapuso ang hatid ng bawat linya
Dahil mahal, mahal parin kita.

Ang problema nating hindi maayos-ayos
na syang dahilan kung bakit tayo nagtapos
Kasabay ng mga binitawan nating pangako
para kayanin ang pagsubok na nagdala ng lungkot at puot.

 [»Random Poetry«]「Tagalog & English」Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon