「RPWツ」

64 3 1
                                    

Wala akong kaalam-alam noong ito'y aking pinasok
Na ang pekeng mundong ito ay maraming nakatago
Hindi pangkaraniwang kaligayahan ay dito ko natagpuan,
sa pekeng mundong ito na iilan lang ang nakakaalam.

Habang nagtagal marami nakong naobserbahan at nalaman
Na ang mundong ito ay hindi pangkaraniwan
at ang bawat tao dito ay may akmang ginagampanan.

May mga nagmamarunong sa mga katulad kong bagohan
Mga tanong at kamalian na dapat sagotin ay napili pang tawanan.
Akala mo kung sinong perpekto ,
makapagsalita ng masakit na salita ay wala ng sinasanto.

Makapagsabi ng "bobo" akala mo naman alam na nya ang lahat
Ni hindi nga alam na respeto muna bago dumakdak
Meron ding mga pabibo at pasikat
na dapat nalang itago ay napili pang ibalita sa lahat
Hindi rin magpapahuli ang malalantod na puro landi lang ang hanap.

Sa mundong ito marami kang makikilala,
mga katulad mo rin na ituturing kang kaibigan at pamilya
Merong iba dyan na bumabaliktad at mapagsamantala
Ngunit alam naman nating lahat na ang lahat ng ito'y pansamantala.

Pilit mang iwan ang pekeng mundo ito ay hindi magawa
Magawa ko mang sabihing ako'y lilisan pero ito'y hanggang salita lamang
Dahil ang katulad kong toxic ay hindi magawang iwan ang mundong aking libangan.

 [»Random Poetry«]「Tagalog & English」Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon