MISSING STUDENT

786 10 0
                                    

Hello, second time ko nang pagsend sa same story na ito. Una ko to sinend nung March. Akala ko madami lang ang pila. Kaso may nakita kong post recently, nanonood daw sya ng La Luna Sangre, naisip ko, nilampasan bang sadya yung story ko? Hehe.

It happened this January 2017. Tinipon ko ang lahat ng tapang ko para lang i-recall ang nangyari.

I am a deist. Isang dahilan kung bakit marami akong alam ngunit nananatiling hindi naniniwala sa mga paranormal. Tumanda kase akong walang karanasan sa ganun. Pero sabi nila laging may first time.

Isa akong professor. Bata pa para sa ganitong propesyon kaya naman sa palagay ko kasundo ko halos lahat ng estudyante dahil palabiro ako kahit sa mismong klase. Sa dami nga lang nila yung iba talaga di ko matandaan ang pangalan at sa itsura ko lang kilala.

Isang gabi, panghapon ang klase ko hanggang gabi, may mga bagong pasok kahit midterm, late enrollees, hahabol na lang ng papers at exam. Di ko na naman nasaulo mga pangalan pero yung isa na bago, babae di ko maalala ang eksaktong itsura, medyo maputi at mahaba ang buhok, may kagandahan, sa may likod umupo, sya lang yata ang di tumatawa at nakikinig. Hindi naman sya nagcecellphone o kung ano pa man. Deretso lang tingin sa whiteboard. Mas okay na yun kesa magulo sya. Nung turn na nya sa recitation, wala sya sa pwesto nya. Sa isip ko baka nag-cr, di kase nila kailangan pa ipaalam sakin pag kailangan lumabas kaya okay lang, pero natapos ang klase na di sya bumalik. Nag-attendance lang, napailing ako.

Dismissed. Naghihintay na lang ako ng oras para makapag-out, inubos ko na lang yung oras sa pagrerecord. Nagpaalam na mga estudyante ko at sinabing ""Sir, nandyan si M(binago ko pangalan pero eto yung tsismis na multo sa school, pinangalanan nila)."" Biniro ko pa sila na ipakilala nila ako at saka nagpaalam. Ako lang ang may ganoong oras ng klase kaya pinatay ko na ang ibang ilaw sa faculty dahil ako lang naman ang tao.

Mag-aalas syete ng gabi, nagulat ako na may pumasok ng faculty. As in gulat dahil focus ako sa ginagawa at kadalasan kapag ganoong oras, ako na lang talaga ang natitira sa college building. Nakilala ko naman yung pumasok. Estudyanteng babae, ah ito yung nag-attendance lang baka hihingi ng copy ng notes, sa isip ko. Parang madilim yung mukha nya o malabo ang hirap idescribe di ko talaga makita ng ayos ang mukha nya, pero hindi naman malabo ang mata ko. Lumapit sya sa akin, mabilis, saka kumandong ng paharap sa akin. Akala mo eksena lang sa pelikulang may romansahan, at hinawakan ako sa suot kong polo saka hinalikan. Sa lakas ng hila nya natanggal yung isang butones ng polo ko. Pero hindi tumagal ang ganung eksena. Pilit ko siyang tinulak, dahil may mali. Mali na gawin namin iyon, at maling sobrang lamig ng katawan niya. Literal na mas malamig pa sa bangkay. Pagkatulak ko sa kanya anlakas ng tinalsik niya na akala mo tela lang na hinangin. Hindi ako makapagsalita at kabado pa rin pero napamura ng malakas dahil duguan yung mukha niya. Lumuluha ng dugo at may tumutulong dugo rin sa bibig niya habang nakangiti at yung titig niya tagos hanggang kaluluwa. Nagtayuan ang buhok ko sa batok. Noon lang ako nakaramdam ng ganoong takot, lalo na ng nakuha nya pang magsalita. Ito ang gusto mo di ba?, sabi niya na malumanay ang boses pero nakakakilabot sa pandinig.

May mga sinasabi pa siya pero hindi ko na piniling pakinggan. Mabilis kong dinampot ang aking bag at lumabas. Uuwi na ako. Walang lingon likod. Saka na naman may sumulpot na problema, yung CCTV sa faculty! Kung ano pa man ang nakunan non, ang masama dito ay yung hinalikan ko o ako ng isang estudyante. Di na ako nag-isip, lumapit ako sa guard. Di ko alam kung anong mas nakakatakot, yung nakita ko o yung magiging iskandalo. Napansin nyang humihingal ako. Sinabi ko sa kanya na may estudyante akong ibinagsak at hinaras ako sa faculty. Ako yung nagpumilit sa guard na review-in yung footage. Napilit ko naman sya dahil career ko yung nakataya. Natapos naming panoorin yung footage ng time na yun, hindi ako makapaniwala. Sa video ay natutulog lang ako buong oras hanggang lumabas ng faculty. Ang kakaiba lang ay yung nagmamadali kong pagkuha sa bag ko at paglabas. Hindi pa sinasabi ni manong guard, alam ko na iniisip nya.

Sir, stress lang siguro kayo sa mga estudyante, sabi nya. Napatango na lang ako at nagpaalam na. Alam ko ang nakita at naranasan ko pero kung panaginip nga lang talaga iyon, mas mabuti. Nawala na yung kaba ko nung nalaman kong ganun. Umuwi na ko at sumakay ng jeep. Nang kukuha na ko ng pambayad sa bulsa ng polo ko, napansin kong nawawala yung isa kong butones.

Tunay ngang nagpapakita ang demonyo hindi sa nakakatakot nitong anyo kundi sa anyo ng bagay na iyong ninanasa.
-

Tasyo
Manila

SPOOKIFYWhere stories live. Discover now