JESUS

658 14 1
                                    

Hi admins, I've always wanted to share this story of mine about Jesus. I hope ma post po sobrang haba po neto. Please sana talaga mapost, gusto ko po na magbigay to ng aral sa iba.

Nung unang beses na mapanaginipan ko siya, nasa isang lugar ako na sobrang liwanag nakatingala daw ako sa langit. Hindi ko din alam kung bakit ako nakatingala eh then biglang my malaking kamay na bumaba na my sugat sa kanyang mga palad. Parang gusto niya akong kunin, tapos nung aabutin ko na yung kamay ko bigla akong nagising.

Pangalawang beses na napanaginipan ko siya, e magkaharap daw kami na nakaupo bale nasa magkabilaang dulo kami ng lamesa magkaharap (Damn! I don't know how to explain it sorry 😂) tapos yung sa lamesa kung saan kami magkaharap dun lang my liwanag kasi sa paligid namin sobrang dilim na. Then nakita ko mukha niya. Green-ish yung mata, curly hair pero hindi mahaba ang buhok gaya ng sa mga palabas or statue niya, my konti siyang balbas and yung suot niya kulay puti at nagliliwanag ito. Ngumiti siya sakin at sinabing "anak, kahit ilang beses mang dumilim asahan mong magliliwanag padin" "Ang kaaway ay parang Agila lang yan, nagmamasid lang sayo. Hinihintay na atakihin ka lalo na't nag iisa ka at napanghihinaan ng loob" ang dami niya pa pong sinabi kaso hindi ko na po matandaan yung iba. I'm sorry 😞 tapos ayun nagising po ako.

Tapos nung pangatlong beses na nanaginip ulit ako about sa mga ganyan, medyo weird. Kasi sa panaginip ko tumatakbo ako my mga humahabol sakin. Takot na takot ako e hindi ko din alam ano o sino mga humahabol sakin. Then bigla ako nagising kasi nauhaw ako, pagkatapos ko uminom bumalik ako sa pagtulog dahil antok pako nun. Then yung panaginip ko na naputol nadugtungan, tumatakbo padin daw ako. Pero that time lumingon nako sa likod ko para malaman kung sino mga humahabol sakin and I was shocked kasi nakakatakot mga hitsura nila hindi ko ma explain basta nakakatakot. Tapos mas binilisan ko pagtakbo ko, tapos nagising ulit ako kasi naiihi ako (sorry, naiihi talaga ako nun kaya nagising ako ulit 😂✌🏻) pagkatapos ko umihi bumalik ako sa pagtulog tapos nadugtungan na naman yung naputol na panaginip ko, tumatakbo padin ako. Nakahanap ako bigla ng pwedeng pagtaguan, nagtago ako dun tapos hinintay ko silang makalagpas kaso yung isa pala nakita niya ako kaya tinawag niya mga kasamahan niya kaya takbo na naman ako (sorry magulo ako magkwento). Takot na takot nako nun, sa isip ko nun humihingi ako ng tulong ky Jesus dahil hindi ko na alam gagawin ko, tapos habang tumatakbo ako my nakita akong dalawang daan. Doon ko lang nalaman kung bakit hinahabol ako at kung sino mga naghahabol sakin. Yung mga naghahabol sakin mga DEMONS and gusto nila na mapunta ako sa impyerno. At yung daanan, yung left ay Heaven and yung right naman e Hell. Papunta ako sa left, tumatakbo ako papunta sa liwanag habang tinatawag ko pangalan niya sa isip ko. Malapit na nila ako maabutan nun pero mas binilisan ko pa pagtakbo hanggang sa nakapasok ako, pero sila hindi. Nung nakapasok ako, ang ganda sa loob. Sobrang liwanag sa loob, yung mga damo sobrang green. Yung mga bulaklak ang gaganda at nakikita kong nag si-sway pa sila. Tapos nung nandun ako nakaramdam ako ng totoong pagmamahal na matagal ko ng hinahanap (depressed kasi ako and broken family din, babaero kasi si papa. Lagi din akong iniiwan at naloloko kaya nung nakapasok ako sa lugar nayun, naramdaman ko na my nagmamahal sakin ng totoo 😞) Pakiramdam ko sobrang safe ako, na walang ni sinoman ang makakapanakit sakin. Tapos ayun na nagising ako. IT WAS A BEAUTIFUL DREAM, kahit hinabol pako ng demons nun.

And yung pang apat hindi na panaginip yun, natutulog ako nun ng bigla akong nagising 4AM yun eh. Ewan ko kung bakit pero hinanap ko agad ballpen tyaka papel ko. Then nagsulat ako agad, basta dire diretso yung pagsulat ko. Basta sinulat ko eto:

Kahit ilang beses natin siyang saktan, kahit ilang beses natin siyang sinusuway, kahit ilang beses natin siyang itakwil, pero pag bumalik tayo sa kanya at humingi ng tawad, tatanggapin at papatawarin niya padin tayo wanna know why? Kasi mahal niya tayo, mahal na mahal niya tayo. Halimbawa nalang kapag nagkajowa tayo, kapag nakagawa sila ng kasalanan satin tapos nagsorry lang sila satin or nilambing lang tayo bumibigay na tayo diba? Pinapatawad na natin, dahil yan kasi mahal natin sila. Ganun yun.

Yan po yung sinulat ko at hindi ko alam bakit nasulat ko yan. Guys, hindi man natin siya nakikita literally pero nakikita niya tayo. Alam niya mga nangyayare sa buhay natin. Pero porket hindi siya nagpapakita e hindi ibigsabihin nun wala siyang pake satin. Mahal niya tayo, tinutulungan niya tayo sa pang araw-araw and yet hindi natin ma appreciate yun dahil parang kulang. Sa pag gising sa umaga sa pagkain ng tatlong beses sa isang araw or more than that, siya my dahilan nun. And sa mga depressed like me, please don't give up. Labanan natin yung mga demons na nagsasabi na suicide is the answer sa mga problema, dahil hindi totoo yun. We should fight. Magbasa po tayo ng bible, manood ng mga nakakatawang palabas, gumala etc. Just always remember, you are loved. You are not alone. You're not too much, hindi ka rin nagkulang, YOU ARE GOOD ENOUGH. You're strong, You're capable of everything, you're smart, you're talented, you're beautiful/handsome, you're stronger than you think babe so please fight. YOU CAN DO THIS, GOD WILL HELP YOU. Kapag pakiramdam mo wala ng pag asa, no its never too late gaya nga ng kasabihan "habang my buhay my pag asa". Gaya nga sa palabas na Trolls my point din sila nung sinabi nila na "Happiness is inside of all of us, sometimes you just need someone to help you find it". Sabi nila pag depressed namamanhid na. You feel numb, I felt it before. Pero guys yung pamamanhid nayan nararamdaman natin hindi habang buhay yan. Katulad nalang kapag ininjectionan ka sa ngipin kapag nagpabunot ka, namamanhid bunganga natin diba? But hindi magtatagal yun nawawala din. Ganun din sa nararamdaman nating pamamanhid. Hindi man natin maintindihan nangyayare sa buhay natin ngayon, but soon maiintindihan natin. Alam ng Diyos ginagawa niya. Yun lang po. GODBLESS US ALL.

Ps. I really hope ma post to.

Pss. I love you guys. Sana nakatulong ako kahit papano.

SKYLER

SPOOKIFYWhere stories live. Discover now