BAHAY NI PINSAN

580 8 0
                                    

Hi spookify! share ko lang mga naranasan namen sa bahay ng pinsan ko, nangungupahan lang sila doon at may 2 bahay na katabe yun. Mayroong 2 palapag ung bahay nila tapos 2 malaking kwarto sa taas so eto na nga iilan lang to sa mga naranasan namen

SIPOL 2011

Minsan dun kami nagsasalosalo sa bahay nila kasi malaki ung kusina nila kaya kasya kami dahil bata pa kame nun mas gusto namen onting tao lang kaya naglalaro kami lagi sa ikalawang palapag kami lang dalawa ang mga bata dun kasi wala pang anak ung ibang kapatid ni mama so un na nga nagbibike kami sa second floor ung tatlong gulong , ako ung nakasakay siya naman ung tumutulak , syempre maduga ako siya lang lagi ung pinapatulak ko at sasabihin ko na mamaya na siya hanggang sa umuwe na kame , uto uto pa naman lagi un nasa unang kwarto kame , ikot ikot , bangga doon bangga dito tapos pumunta na kame sa ikalawang kwarto ,eto na may narinig akong sumisipol akala ko guni guni ko lang pero huminto ung pinsan ko sa pagtulak "" ate **** parang may ....."" D ko na pinatuloy ung cncbe niya at bumaba nako ng bike at nagsimulang tumakbo sa hagdanan sumunod din siya at sabe ko "" PARANG MAY SUMISIPOL"" sinabe namin sa mga nakakatanda un pero di sila naniwala sabi rin ng pinsan ko may nakita daw siya sa bintana na parang nakatakip ung daliri niya sa bibig niya na parang sinasabeng wag maingay

SLEEPOVER 2011

Dun kami natulog ng parents ko kasi sasama kami papuntang mindoro sa susunod na araw para magbakayon so un na nga matutulog kami ng maaga ksi maaga pa alis namin bukas nakapwesto ako sa gitna ng kama si papa at mama ung katabi ko tapos sa ibang kama naman ung tita ko at pinsan ko so un na pinatulog nako ni mama, mga hating gabi nagising ako na sa sahig nako tumingin tingin ako kung baka may gising at binaba ako pero wala atsaka bakit naman nila ako ibaba? natatakot nako nun kaya bumalik nako sa higaan at nakatulog na rin ulit tapos nung nagising ako gising na sila at naghahanda na kasi diba pupunta pa kaming airport narinig ko sila papa naguusap nagising daw siya kanina na parang may lumabas daw sa kwarto pero nung tinignan naman niya kung may gising na eh tulog parin naman daw kami.

BINTI

Diba un na nga pumunta na kami sa airport naiwan ung kasambahay nila at ung isa ko pang tita para magbantay sa bahay ung nandun na kami sa mindoro tinawagan ng tita ko si mama takot na takot daw siya ,tapos nikwento niya samin kung anong nangyari nung pagalis daw namin natulog na lang daw ulit sila kasi maaga pa naman un habang natutulog sila bukas sara daw ung mga bintana kahit d naman daw mahangin kaya pumunta sila sa sala kasi natatakot daw sila tapos ung tita ko habang papunta sa sala napatingin siya sa hagdanan MAY BINTI pero WALANG KATAWAN dun daw sila takot na takot halos daw mahimatay tita ko

Marami pa kming naranasan sa bahay na un , ngaun d na naktira dun ung pinsan ko at ni renovate nila ung bahay nung pinatingin ng tita ko ung bahay sa esperetista merong daw espirito na gusto laging makisama na akala niya siguro ay buhay pa siya at gusto niyang makipaglaro

AtengDuwag

maynila

SPOOKIFYWhere stories live. Discover now