Chapter 2.
“ANIKKA JANINE! What have you done? Hindi mo ba naisip na pati ako ay mapapahiya sa pinaggagagawa mo?”
Ayan na nga po. Hindi pa ako nakakahawak man lang sa kotse ay sinermunan na agad ako ni Kuya Jasper. Ito na nga ba ang kinakatakot ko. Alam ko namang pareho kaming walanghiya, pero as I said, he’s still my Kuya. Kahit kapiranggot, I still have respect for him. At hindi naman namin ugaling magpahiyaan sa harap ng ibang tao. And I am so sure na naapektuhan siya ng nangyari sa akin.
“Hey Jasper, calm down. Sa bahay mo na kausapin si Anikka. Pinagtitinginan kayo ng ibang mga estudyante o. Gusto mo bang pagchismisan nila kayo?” Pag-awat ni Ate Nadine kay Kuya Jasper. She’s the only one who has the power to do that.
“Get in!” Matigas na pagsasabi naman niya. Mabilis naman akong sumakay. Namumutla na din naman si Ate Nadine. Kahit kasi madalas kasing mag-inisan ni Kuya Jasper, hindi naman siya nagagalit ng ganito.
“Ano bang pumasok sa kokote mong bata ka?” Galit na galit na sigaw niya nang makapasok na rin siya sa kotse.
“Kuya naman, I thought you already know my side?” Naalala ko kasi ang sinabi ni Ate Nadine na sinabi daw ni Dean sa kanila ang nangyari. Why does he need to be like this? He’s so impossible!
“Still, you shouldn’t have done that! Bagong salta ka lang dito, baka nakakalimutan mo! Hindi mo man lang inisip ang reputasyon ko!”
“Reputasyon mo bilang ano? Bilang leader ng frat mo?” Nagbago naman ang reaksiyon niya. Pati si Ate Nadine ay nagulat at halos mapanganga sa sinabi ko. Wala pa naman sana akong balak na ipaalam sa kanila na may alam na ako e. Kaso hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
“Anikka! How did you know?” Tanong naman ni Ate Nadine.
“You know about this Ate?” At ako naman ang nagulat. I didn’t expect na may alam na siya. Kasi kung sa amin nga na pamilya niya nagawa niyang itago di ba?
“Of course she knows. She’s my girlfriend.” Kuya answered. Naningkit naman ang mata ko sa sinabi niya. What does he mean by that?
“How about me? Do I need to be your girlfriend too para lang malaman ko yan. And Mom as well?” I asked sarcastically. Yun kasi ang dating sa akin ng sinabi niya e.
“Shut up bitch!” Here he goes again. When will he stop calling me bitch?
“No! You shut up monkey! Why? Why did you hide this from us?” I hissed. Naiinis na kasi talaga ako sa kanya. I feel so unimportant. We’re still siblings. I still have the right to know such things about him. Ako, wala akong tinatago sa kanila.
“You don’t have to know.” And he started the engine.
“Of course, I have to. I’m your sister. And I’m part of this University. I believe that I have the right to know.” Hindi naman siya sumagot. Pero naghintay pa rin ako sa sagot niya. Pero nakalabas na kami ng gate ng University ay hindi pa rin siya nagsasalita.
“Tell me Kuya! Tell me!” Pangungulit ko sa kanya.
“Sagarin mo pa ako Anikka. Sagarin mo pa ako and I’ll tell Mom and Dad what just happened to you here.” Pananakot niya sa akin. Kita ko ang gigil niya by the way he held the steering wheel. And from the rear mirror I can see how fierce his eyes are. Bakit ba hindi niya masabi sa akin? Ano bang hindi ko pwedeng malaman sa pagiging frat leader niya?
BINABASA MO ANG
Hidden Agenda (On-Going)
Mystery / ThrillerSIKAT at MATATAG. Mga salitang naglalarawan sa Lionheart University. MATALINO, MAYAMAN at SIKAT. Isa, dalawa o lahat ng katangiang ito ang tinataglay ng bawat estudyante sa paaralang iyon. At si Anikka Janine King, isang dalagitang ang pangarap lama...