Chapter 3.
Am I just caught in the act again? Kasi kahit hindi ako lumingon, alam na alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng pangit na boses na yun.
“Should I really have to tell you to stop walking?”
Tumigil naman ako sa paglalakad. Nagpapanting na talaga ang tenga ko sa nakakairitang boses niya. Araw-araw ba kaming ganito? Magsisigawan at magtatakutan. Kaya naman nilingon ko siya at namewang.
“What can I do for you now MR. PRESIDENT?”
Nakipagtitigan naman siya sa akin. Tinulungan muna niya yung girl who just proclaimed herself as his girlfriend. How romantic. I should have brought out my phone and took a video of how sweet they are. Unti-unti naman siyang naglakad papalapit sa akin. He just grabbed my arm and dragged me.
“I think I don’t need to tell you where we’re going.” Sinabi niya habang dire-diretso lang sa pagkaladkad sa akin. Patuloy rin naman ako sa pagpalag. Ayoko talaga na kinakaladkad ako lalo na kung siya ang gagawa. Bwiset!
“Hindi ka makakawala kahit pa anong gawin mo.” Sabi niya ulit.
“Hoy! Ikaw! Kailangan mo ba talaga akong kaladkarin?! Bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako!!”
“Dapat lang sa’yo ang kaladkarin. Alam mo bang ikaw lang ang nag-iisang babae na naglalakas ng loob na mag-iskandalo dito sa loob?”
“Hoy! Ang kapal ng mukha mong sabihin yan! Bakit?! Have you seen what happened para akusahan mo ako ng ganyan?!”
“Gusto mong gawin ko sa’yo ang ginawa mo kay Bianca para malaman mong nakita ko ang ginawa mo?”
“Gusto mo rin bang gawin ko sa’yo ang ginawa sa akin ng magaling mong GIRLFRIEND para malaman mo din na siya ang nagsimula ng eskandalo at hindi ako?!”
“SHUT UP! Wala kang karapatang pagtaasan ako ng boses!”
Itinulak niya ako sa loob ng detention room. Ano bang tingin niya sa akin? Hindi nasasaktan? Grabe tao din naman ako. Nasasaktan din ako. Kumukulo na talaga ang dugo ko sa Nicholas na yan!
“So ganito pala ang kalakaran niyo dito! Kung sino ang nahuli, siya lang ang paparusahan! At hindi niyo inaalam ang puno’t dulo ng mga nangyayari?! Shame on you MR. PRESIDENT! Shame on you!”
“Stay here until the last period!” Pagkasabi niya niyon ay sinaraduhan na niya ang pinto ay ikinandado.
May araw ka din sa aking Nicholas ka! Tandaan mo! May araw ka din sa akin! Humanda ka! Makakaganti din ako sa’yo! Paghandaan mo ang araw na yun dahil doble ang igaganti ko sa’yo!
Nagising ako dahil sa isang malakas na kalabog sa labas. Tatayo na sana ako para makita kung ano yun. Pero hindi ako makagalaw. Tiningnan ko ang katawan ko para malaman kung bakit hindi koi yon maigalaw. Nagulat ako nang makita kong nakatali ako. Pero mas ikinagulat ko nang makita kong wala akkong suot na kahit na ano.
Hindi ko alam kung paano nangyari. Naramdaman ko ang malamig na hangin. Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyon dahil madilim ang paligid. Hindi ko alam kung nasaan ako. At sobrang natatakot ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Wala akong makita na kahit ano.
Gusto kong kumalas sa pagkakatali ko pero hindi ko alam kung paano gagawin. Nararamdaman ko rin ang kirot sa ilang bahagi ng katawan ko. Para akong nabugbog na ewan. Basta ganun yung pakiramdam. At sa tuwing pinipilit kong gumalaw, mas sumasakit lang lalo na ang bahaging nakatali.
BINABASA MO ANG
Hidden Agenda (On-Going)
Mystery / ThrillerSIKAT at MATATAG. Mga salitang naglalarawan sa Lionheart University. MATALINO, MAYAMAN at SIKAT. Isa, dalawa o lahat ng katangiang ito ang tinataglay ng bawat estudyante sa paaralang iyon. At si Anikka Janine King, isang dalagitang ang pangarap lama...