Author's Note:
Hello dear readers! The long wait is over! Here's the first chapter of this story.
If you just want to, you may also read my other stories. On-going din po lahat ng to.
*I Just Love You
*The Snob Prince
*Stand By You
Keep on reading my stories! Thanks! ^___^
---
Chapter 1.
What kind of class is this? Bakit ganito ang mga estudyante dito? Para silang mga high school students. No. Para silang elementary students. Sobrang gulo lang.
“Aw.”
Ang sakit nun ah. Natamaan lang naman ako ng flying crumpled paper. Gusto kong sumigaw but I think I still don’t have the right to do that. Bagong salta lang ako dito. My God! Why are they like this?
I entered the room and searched for any vacant seat. Parang may riot lang dito sa loob ah. I thought decent ang school na to. Ganito ba sila dahil sa first year lang naman din sila? I think that’s not an excuse. For sure, mayaman naman tong mga to so they should be well-mannered, at least outside their house, right?
I tried my best to make it through this war-like situation. Luckily, I found a vacant seat. A peaceful one. Though I hated the idea of being in the last row, mas gugustuhin ko na dito sa ngayon. At dahil sa sobrang pagkakagulo ng mga estudyante, umub-ob na lamang ako. Nakakainis lang kasi sila makita.
Ilang beses akong natamaan ng mga pinagbabato nila pero hindi ko na pinansin yun. Kahit inis na inis na ako, pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong makisali sa kaguluhan nila at isa pa, baka dumating na din ang professor namin.
But then, isang bagay ang pumutol sa natitira ko pang katiting na pasensya. Hindi na lang basta papel ang tumama sa ulo ko. Mabigat, matigas at talagang masakit. Nakita ko sa paanan ko ang isang makapal na libro. Sa tingin ko ay iyon ang tumama sa akin. Sa sobrang sakit na naramdaman ko, pakiramdam ko ay may sumabog na sa dibdib ko. Kaya naman pinulot ko ang libro, tumayo ako, at buong lakas na inihagis iyon sa harapan dahilan para tumumba ang white board.
Unfortunately, on that very moment, biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang isang may edad na babae at isang lalaking estudyante na sa tingin ko ay ahead sa akin ng ilang taon. Tanging mata ko lamang ang nagawa kong igalaw at tila ba tumigil din ang paghinga ko. Kita ko ang pagkagulat sa mga mukha nila. Pero ang lalaki ay agad na nakabawi at tumingin sa akin ng masama.
“You!” He shouted while pointing on me. “Follow me!”
Lumingon ako sa paligid ko. Humarap ulit ako sa kanya at saka itinuro ang sarili ko. Baka kasi may iba siyang tinuturo. But I’m not stupid though. Alam kong ako ang itinuro at kinausap niya.
“Yes, you!” Pagkasabi niya niyon ay lumabas na siya. Hindi ko alam kung tama bang sumunod ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta. And another thing, I don’t even know him. Bakit ang lakas ng loob niya na duruin at sigawan ako sa harap ng madaming tao?
I was about to grab him nang marealize ko ang ginawa niyang iyon. Pero bigla siyang tumigil at kumatok sa pinto ng isang room na tinapatan namin. Agad din naman niyang binuksan iyon nang may sumagot na mula sa loob. I still followed him. It was a very elegant room.
“Good morning Sir.” The guy greeted the old man in front of us.
“Yes, Mr. Kent. What can I do for you?” The old man answered. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang nasa likuran ako ng lalaking estudyanteng nagpasama sa akin dito.

BINABASA MO ANG
Hidden Agenda (On-Going)
Misterio / SuspensoSIKAT at MATATAG. Mga salitang naglalarawan sa Lionheart University. MATALINO, MAYAMAN at SIKAT. Isa, dalawa o lahat ng katangiang ito ang tinataglay ng bawat estudyante sa paaralang iyon. At si Anikka Janine King, isang dalagitang ang pangarap lama...