NOTE: medyo lame po ito pero sana basahin nyo pa din po and vote! thanks and happy happy
9]
Dedicated to youuu! Dahil fan mo din ako :)))) thank you sa pagbabasa nitong story ko. Lab lab.
--
Khaysey’s POV
After kong malaman kung bakit nandito si dorm si Tania parang gusto ko ng mag-quit bilang varsity. Parang hindi ko pa yata kayang makasama sya.. muli.
Si Tania, ang unang babaeng nagpatibok ng puso ko. First love ko. Oo, first love kong babae, kasi naman napakaganda nya, napakabait, sobrang thoughtful. Halos lahat nga ng lalaki sa school namin nung high school eh nagkakandarapa sa kanya.
Kaibigan ko sya noon, nag-confess ako sa inyo tungkol sa nararamdaman ko. Napakaswerte ko kasi hindi nya ako nilayuan simula nung nalaman nya ang tunay kong nararamdaman. Wala ding nagbago sa aming samahan nuon.
Hanggang isang araw nalaman kong she feels the same way. Halos mamatay ako sa sobrang tuwa nung araw na iyon. Hindi ako gumawa ng Kahit anong panliligaw sa kanya, kundi sya ang nanligaw sa akin. At seympre hindi nagpabebe pa ang lola nyo kaya ayun sinagot ko. First girlfriend ko sya.
Naging kami for 2 months tapos nalaman ko bigla na may gusto syang ibang babae. Halos madurog ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Walang pasabi at iniwan na lang nya ako sa ere. Simula nung araw na yun, kinamuhian ko sya. Nagbago ang tingin ko sa kanya. Galit na galit ako sa kanya. Kasi feeling ko pinaglaruan nya lang ako.
Pero nung nakita ko sya bigla sa dorm, parang nawala ang mga galit na matagal ko ng kinikimkim sa puso ko.
Kaka-isip ko sa mga nangyari before, nakalimutan kong kumakain pala ako.
“huy tulala ka nanaman. Don’t worry Kim’s safe” singit naman ni Charlei
“gaga ka bat binaggit mo pa” pabulong na sabi ni Jane sabay kurot kay Charlei
“okay lang ako guys ano ba” sabi ko tapos nag-smile then balik na sa pagkain.
“okay na din ba kayo ni Papa Von? ha?” sabay tingin na nakakadiri tong si Ate Pat
“AYIEEEEEE” team mates ko
Asus, si Von ang masugid kong manliligaw. Aba naman hindi nya talaga ako pinapabayaan. As in sobrang alaga ako kapag kasama ko sya. Pumayag kasi akong mag hang out kami. Kasi sinabi ko din sa sarili ko na kailangan ko din maglibang.