goodbye for now

63 2 2
                                    

7.5}

Kim's POV

tapos na akong mag-impake. wala akong iniwang gamit dito sa dorm ayokong may maalala si Khay. lalo lang syang masasaktan. umiwas lang ako sa kanya kanina. hindi ko kasi kayang nakikita sya sa ganung sitwasyon nasasaktan ako ng sobra sobra.

papunta akong terrace. alam ko kasi dun sya pumunpunta at naglalabas ng sama ng loob.

kanina pa ako dito. iyak ng iyak. narinig ko lahat ng sinigaw ni Khaysey. naiintindihan ko naman kung bakit ganon na lang ang galit nya sakin. pero sana intindihin nya rin na wala akong ibang choice kundi ang sundin sila mommy.

kinuha ko ang susi ng pinto sa terrace at binuksan ito. naabutan ko si Khaysey nakaupo sa sahig at nakaharap sa terrace habang nakalabas ang paa nya sa grills. hindi nya ata narinig ang pagbukas ng pinto.

tumabi ako sa kanya.

hinawakan ang kamay nya. pero inalis nya ang mga kamay nya.

"sorry" sabi ko sabay yumuko.

uminom muna sya sa bote bago nagsalita.

"alam ko Kim, pinipilit ko namang intindihin yung sitwasyon mo e *iyak* pero kahit anong gawin kong pag-intindi, palaging ang sagot sa huli, ay iiwan moko" uminom ulit sya tapos yumuko at umiyak nanaman.

"sorry wala akong choice." umiiyak na din ako pero pinipilit kong pigilin dahil ayokong maging mahina. kaylangan kong maging malakas para saamin.

"Pero Kim, choice rin ang pag-alis mo. hindi mo ba naisip yun" sabi nya sabay tiningnan nya ako sa mga mata ko. punung-puno ng lungkot at galit ang mga tingin na ibinigay nya sa akin. umiwas ako dahil hindi ko kaya ang ganon.

"ganon lang ba kadaling bumitaw sayo ha?" sabi nya tapos itinapon ang bote sa baba.

"Khaysey, intindihin mo naman ako oh. akala mo ba ganun lang kadali sakin yun ha? akala mo ba ganun lang kadali ang umalis at iwan ka? ha? hindi mo alam kung anong pinagdadaanan ko Khay"

*pak*

bigla nya kong sinampal at nagulat naman ako sa ginawa nya. napahawak na lang sa pisnging sinampal nya. spiker kaya sya -______-

"para saan yun?"

"para sa panloloko mo sakin" sabi nya tapos kinuha yung isang bote ulit ng beer.

"ha? hindi ko maintindihan"

"ang alin ang di mo maintindihan ha? ang ginawa nyo ni Jean? masaya ba? mas masarap ba sya? ha? sabihin mo!"

alam na pala nya. yung mga nangyare sa dorm nila. nakokonsensya ko. hindi ko naman talaga gusto yung mga nangyare dun eh.

"Khay hindi ko sinasad--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil

*pak*

sinampal nanaman nya ako. wala akong magawa kundi tanggapin ang mga sapak at sampal nya sakin. hinayaan ko na lang sya.

Khaysey's POV

NAPAKASAKIT NG GINAWA MO SAKIN KIM!!!! UNA IIWAN MO NA AKO, TAPOS NGAYON NALAMAN KO PA ANG NANGYARI SA INYO NI JEAN.

.
mahal ko si Kim, sobra! pero natabunan ng galit at muhi ang pagmamahal ko sa kanya.

You've caused me so much pain Kim! ayoko na. sobra na itong ginagawa mo saakin.

"Hindi mo sinasadya? ha? hindi mo sinasadya na nadala ka ng init ng katawan mo? nagpalunod ka sa tukso!!" halos mapapatay ko na sya sa kakasuntok ko sa braso nya. sobrang galit na galit ako sa kanya.

You've ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon