Chapter 16~

4.7K 173 4
                                    


Shekinah's POV

"Favorite? Likes and dislikes? Gusto ba nya yung magarbo? I mean, sa restaurant ba ko magpapa-reserve? Maghanda na lang ako sa isang romantic place? Or dalhin ko kaya sya sa beach? Ayoko baka mag two piece pa sya. Baka dumami lalo kaagaw ko. So ano nga? Hello?Nakikinig ba kayo? Kausapin nyo naman ako?"

Napahinga naman ako ng malalim
"Tapos ka na? "- bored na tanong ko

"Paano ko tatapusin yung sinasabi ko? Parang hindi ko naman kayo kasama"- saad ni Thomas Andrew

"Paano kami magbibigay ng suggestions kung dere-deretso ka? Magtatanong ka tapos may kasunod pa pala. "- sabi ni Clarisse

Napatakip naman ng bibig si Thomas Andrew at nagbigay ng signal para magsalita kami.

"Si Andrea, hindi naman sya materialistic na tao. Kahit simpleng rose lang okay na yun"- pagsisimula ni Pia

"Wala namang ka effort effort yun"- sagot ni Thomas Andrew

"Dalhin mo sa beach. Tapos magpakain ka na lang sa pating para hindi ka na namomroblema dyan"- sagot naman ni Clarisse

Tawa naman nang tawa si Pia dahil doon at sumang-ayon pa sa sinabi nya

"Ang titino ng sagot ah"- sagot ulit ni Thomas Andrew

"Tinatanong mo kami, right? Nagbigay kami ng suggestion, ayaw mo naman. Eh bahala ka mag isip dyan "- sabi ni Clarisse

"Seryoso na kasi "- sabi ni Thomas Andrew

"Mukha ba kaming nagjo-joke?"- tanong ko

Napa cross arms naman si Thomas Andrew at makikita sa mukha nito na nagtatampo na sya

"Eto, seryoso na talaga. Ganito ang gawin natin BUT make sure na kakayanin mo!"- saad ko

"Ako pa? Lahat gagawin ko para kay Andrea"- sabi nya

"Oh please! H'wag ka na nga magdrama kung ayaw mong paglamayan ka"- saad ni Clarisse na dahilan kaya napasimangot si Thomas Andrew

"Oh ano nang gagawin ko?"- tanong nito nang humarap sa akin

Sinabi ko na sa kanya yung gagawin nya. Pumayag naman sya. So, ang iniisip ko kung kaya nya. Goodluck na lang sa kanya

"At dahil dinala mo kami sa kung saan man itong lugar na ito nang wala pa kaming kain, mag-order ka at nagugutom na ko "- utos ni Clarisse kay Thomas Andrew

"Yes madam"- sarkastikong sabi ni Thomaa Andrew na may pag saludo pa

Pinagmasdan ko itong lugar kung nasaan kaming pito ngayon.

"Kaninong bahay ito?"- tanong ni Pia kay Louis Kenji

"Ian's"- matipid na sagot nya kaya napatingin ako sa kanya na nakahiga sa sofa.

"Talaga? Mayaman din pala kayo"- sabi ni Pia pero hindi siya pinansin ni Jan Ian

"Nice talking"- sabi ni Pia sabay irap

"May kapatid ka ba Ian?"- tanong ni Clarisse

"Only child lang kami nila Kenji at Andrew"- sabi nya

"ikaw lang Carl Steven meron? Older or younger?"- tanong ko

"Bunsong lalaki"- sabi nya nang hindi nakatingin

Nang bumalik si Thomas Andrew ay dala dala na nya ang pagkain namin

"Ang OA sa dami ha. Papatayin mo ba kami sa busog?"- gulat na tanong ni Clarisse

"OA ka din sa part na akala mo sa atin lang itong lahat. Para kay Andrea yung iba dyan. Pakiuwi na lang. Hehe!"- sagot ni Thomas Andrew kaya inirapan na lang sya nito

Campus Princesses And Campus Heartthrobs ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon