062 | narration

300 43 18
                                    

DICKOOK-
perspective

Nakatitig ako ngayon sa tv namin, ni hindi man lang ako kumurap, kasi naninikip ang dibdib ko nang malaman kong makukulong ang papa ko, dahil lang sa isang malagim na aksidente. Hindi maaari...

Kagagawan mo na naman ba 'to, paintelpain?! Bakit mo ba palaging dinadamay ang pamilya ko?

Gusto kong pumunta kay papa, at protektahan siya, gusto ko sabihin sa kanila na wala siyang kasalanan. Na aksidente lang ang lahat, sa pagkamatay ni somiplanes.

Pero anong magagawa ko? Kontrolado na siya ni paintelpain, ay mali—kontrolado na niya kami. Inalok niya ng trabaho ang papa ko, samantalang ang mama ko naman, hindi na siya nagpakita sa amin. Doon na lang siya sa lalaki niya, panigurado bubuhayin siya no'n dahil mayaman, eh. Samantalang kami? Nandito, mamamatay na sa gutom, naghihintay na lang ng grasya na dadating sa amin.

Hangga't sa nakilala ko ang hacker na si paintelpain, siya na ngayon ang nagpapakain sa amin, dahil ang papa ko, natanggal siya sa pagiging call center agent, sa kadahilanang may malubha siyang sakit na tuberculosis pero kalaunan ay gumaling na siya, pero hindi pa ring patitinag si paintelpain. Siya ang dahilan kung bakit nahahack ang mga websites ng government sites, ang masaklap pa, binabantaan niya yung mga taong inosente, tulad namin.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya ginagawa iyon, siguro dahil sa pagkamatay ni Eunkyung.

Saksi si papa no'n, kaya pinipilit ni paintelpain na pagbingtangan si papa, kahit na wala talagang nagawang kasalanan ang papa ko. Kahit ang totoo niyan, inosente siya noong mga panahong iyon. Pero ang totoo talaga niyan, siya talaga ang pumatay. I know you can't imagine a minor to do killing, pero bata pa lang, kriminal na siya, at dapat sa mga batas ngayon, pati menor de edad na kriminal, dapat kinukulong na rin.

Nakita ko sa mga mata ni papa, na nalulungkot siya, na hindi dapat siya nasa kulungan ngayon. This world was controlled by a genius hacker, by a criminal who does blackmailing others.

Nabaling ang atensyon ko sa tumatawag sa phone ko.

Your Killer  ͡° ͜ʖ ͡°🔪
+82-2-***-****

accept.        ✘decline

Agad kong sinagot ang tawag.

"Hello"

"Oh, hi chingu! How's your life without your father---"

"Walang hiya ka! Ibalik mo ang papa ko!" sigaw ko, pilit nagmamakaawa na ibalik sa akin ang papa ko.

"Huh? Sorry. Nakagawa kasi siya ng pagkakamali, eh. Kaya bagay lang sa kaniya 'yon---"

"Inosente si Papa! Wala siyang ginawang kasalanan! Hindi niya pinatay si Somi!" naiiyak na sabi ko, alam ko hindi dapat ako umiyak. pero unting-unting tumutulo ang luha ko mula sa mga mata ko. Mahal na mahal ko si Papa, hindi ko siya pwedeng hayaan na lang magdusa sa kulungan.

"Sigurado ka? Hindi niya pinatay? Eh sinadya naman niya talaga, eh, pero may kasalanan din yung truck driver—"

"Pinatay mo siya! Pinatay mo si Somi!" alam na alam ko na talaga noong una pa lang.

"Really? Paano ka nakakasiguro? May ebidensya ka ba para sabihing pinatay ko si Somi?"

"Hayop ka! Alam ko naman na ikaw iyon eh—"

call ended, 1:50.

bittersweet ╱ lee daehwiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon