1st Drop: Why?

57 2 7
                                    

1st Drop: Why?

*Sniff. Sniff.*

"Pat, stop crying. It's just a movie." Pagpapatahan ko sa umiiyak kong kaibigan.

"B-but, Lisse... Feel ko 'yung sakit eh!" Sabi niya at nagsimula nanamang umiyak.

Pinatay ko na ang T.V. habang nakayakap parin siya sa'kin.

"Bakit kasi ang unfair? Buti ka pa, hindi ka umiiyak." Umiiyak parin siya. Binaon niya ang mukha niya sa balikat ko.

"Patricia, hindi porket hindi umiiyak ang isang tao ay hindi na siya nasasaktan, okay? At huwag ka ng OA diyan. This is like the fourth time you saw this movie." Tinapik-tapik ko pa ang likod niya para tumigil na siya mula sa pag-iyak.

"Nabasa mo na nga 'yung book version nito eh." Dagdag ko pa.

"Eh sa gusto ko eh. Walang basagan ng trip." Mabuti naman at tumigil na siya sa kakangawa.

"Ah gano'n? Pagkatapos kitang patahanin diyan, gaganitohin mo 'ko? Bahala ka nga." Tinapon ko sa basurahan ang mga nagkalat na tissue dahil sa pag-iyak iyak niya.

"Eto naman, joke lang eh." Tinignan ko siyang nakaupo sa sofa habang yakap ang isang heart-shaped na throw pillow.

"Oo na lang." Walang gana kong sinabi.

Kumuha ako ng kutsara sa kusina at nilantakan ang chocolate ice cream niya.

"Lisse naman eh!" Pinilit niyang kunin pero tinaas ko. At dahil maliit siya, hindi niya maabot-abot kahit anong talon ang gawin niya.

"Inaway mo na nga ako, ipagkakait mo pa sa'kin 'tong ice cream?" Madrama kong sabi.

"Ganyan ka ba karamot, Patriciana? Kahit kakaunting panahon lamang mula sa iyong asawa, hindi mo parin kayang ibigay? Bakit? Dahil natatakot kang mahulog sa akin si Chocolatto?" Sinabi ko, out of the blue, habang niyayakap ang lalagyan ng ice cream.

Nagkatinginan kaming dalawa. Walang nagtangkang magsalita.

In the count of three...

One...

Two...


Three...

"Pfftt!" At nagtawanan kami na parang mga baliw.

"Hoo-hoo-inhale, exhale. Pa-patriciana at pfftt! Cho-hahahahaha!" Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin niya dahil sa katatawa.

"Wait lang, oh my gosh! Inhale, exhale. Hoo~." Huminga siya ng malalim.

"Chocola-! Pfftt! Hindi ko talaga kaya!" Tumawa nanaman siya.

"Oh, chill. Baka malagutan ka diyan ng hininga." Pagpapakalma ko sakanya ng naubos ko na ang ice cream.

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa pagtawa.

"Bahala ka na nga diyan." Pumasok na ako sa kwarto pagkatapos kong ilagay sa lababo ang kutsara.

***

Her TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon