3rd Drop: Irritating
"Hey, girl." Pat greeted. She was on her phone, when she came out from the kitchen.
"Hey." I greeted. Eating my cereals while watching cartoons on the television.
"Tss." She threw herself beside me. She pouted her lips like a duck.
Ugh. Umagang-umaga, nguso agad ni Patricia ang masisilayan ko?
"Napano ka? Malapit ng dumikit 'yang nguso mo sa cellphone oh." Sumubo ako ng cereals at nginuya-nguya 'yon.
Mhmmm! Ang sarap talaga ng Koko Krunch kapag nilublob sa gatas.
"Sila Kuya kasi eh!" Mas lalo pa siyang ngumuso.
Aish! 'Yung nakakabwisit niyang Kuya.
"Oh? Anyare sakanya?" Hindi ko maiwasang mapairap. 'Yung lalaking 'yon!
"Ayun, patay na." Sabi niya habang nanggigigil na nagtatype sa cellphone niya.
"Talaga?..." Kunyaring nagulat kong tanong.
"Oy! Ba't ganiyan? Concerned?" Tinuro-turo niya ako, nakapaskil ang pang-aasar sa mukha.
"Hindi 'no! Sagot ko na ang kape at biskwit." Sabi ko habang nakatingin kay Ice Bear sa screen.
"Lol. Isusumbong kita." Nag-hala siya sa akin.
Tss. Para namang may pake ako.
There can be miracles
When you believe
Though hope is frail
It's hard to kill
Who knows what miracles
You can achieve
When you believe
Somehow, you will,
You will when you believe
"Hello, Ma." Sabi niya pagkatapos sagutin ang tawag.
Kaya nakakainis kapag tinatawagan si Patricia eh. Tatapusin niya muna 'yung chorus ng ringtone niya bago sumagot.
Umirap siya sa hangin habang may sinasabi si Tita sa kabilang linya. Kahit kailan talaga, walang galang ang babaeng ito!
"Mama, bakit kasi dito? Hindi ba sila nahihiya kay Lisse?" Pangangatwiran niya.
Aba't! Nandamay pa.
Binigay niya sa'kin ang cellphone niya, "Kausapin ka daw."
Tinanggap ko 'yon at magalang na nag-greet kay Tita...
"Hello po, Tita?" Pagbati ko sa Mama ni Pat na si Tita Weng.
BINABASA MO ANG
Her Tears
Fantasyxe·roph·thal·mi·a /ˌziräfˈTHalmēə,ˌziˌräpˈTHalmēə/ noun MEDICINE abnormal dryness of the conjunctiva and cornea of the eye, with inflammation and ridge formation, typically associated with vitamin A deficiency.