4th Drop: Tour
"Piglet! Ang tagal naman!" Naririnig kong pagkalampag ni Stephen sa pintuan.
Parang limang minuto pa lang eh! Akala mo naman ikamamatay niya.
"Oo na, ito na!" Minadali ko na ang pagsusuklay ng basa kong buhok at baka magkumbulsyon pa ang isang 'yon.
Ang nakakainis niyang mukha ang sumalubong sakin nang buksan ko ang pinto.
"Tss." Inarapan ko siya at tinulak pagilid para makadaan ako sa pintuan.
"Good Morning, Andi!" Kiniss ko ito sa cheeks ng makita ko itong tahimik na nagbabasa sa may sofa.
"M-morning, Ate Lisse." Namumula siyang lumayo sa akin ng dahan-dahan.
Napangiti nalang ako sa kacute-an ni Andi at lumapit sakanya na nasa kabilang dulo na ng sofa.
"Awww. Huwag ka ng mahiya kay Ate. Hindi ako nangangagat." Tumawa ako ng malakas ng makitang mas lalo pa siyang namula.
"Hoy, babae! Huwag mo ngang molestyahin 'yang kapatid ko!" Binatukan ako ni Patricia na nanggaling sa kusina.
"Madam! Buhay ka pa pala?!" Pagkukunwari kong nagulat. Dinner na n'ong bumalik siya mula sa kung saan kahapon.
"Che! Du'n ka na nga lang kay Kuya! Willing pa 'yong makipaglandian sa'yo." Inirapan niya ako at ni-baby ang kapatid.
"Oo nga, Piglet. Ako nalang ang i-kiss mo, pwede pa sa lips." Naramdaman ko ang malaking katawan ni Stephen sa likuran ko.
"Haha. Asa ka." Inirapan ko siya ulit.
***
"Sabi ko naman kasi sa inyo eh, kaunti lang ang mapupuntahan natin dito sa Tarlac. Ba't kasi sa dinami-rami ng pwedeng pagbakasyunan ay dito niyo pa natripan pumunta?" Daldal ko habang naglalakad kami sa mall, sa SM to be specific.
"Actually, Ate... I also don't know. Si Kuya ang may gusto dito." Kibit balikat na sagot ni Andi sa tanong ko.
"Syempre, baby boy, para laging kasama ni Kuya Stephen si Ate Lisse mo." Nakangiting sinabi ni Patricia sa kapatid at inakbayan ito.
"Hoy, Patricia! Anong kasinungalingan ang pinagsasabi mo kay Andi? At tsaka pwede ba? Sa gwapo naman!" Binatukan ko siya at sinamaan ng tingin.
"Ouch. Oo, tama ka. Hindi nga ako gwapo..." Kunwaring nasaktan pa si Stephen at humawak sa may dibdib.
"Wow! Buti alam mo, that's very good!" Pinalakpakan ko pa siya.
"Hindi ako gwapo... Kasi sobrang gwapong gwapong gwapong gwapo ako." He boasted. Nag-wink pa siya at nag-pogi sign.
Madalas ay iniirapan ko na siya o kaya ay minumura. Pero dahil nagpapakabanal ako ngayon, tumawa nalang ako at hinampas hampas ang balikat niya.
"Sige, Stephen. Manalig ka, baka magkatotoo pa ang mga pinagsasabi mo." Pang-aasar ko pa.
Pero imbes na mainis ay ngumiti lang siya ng pagkatamis-tamis.
BINABASA MO ANG
Her Tears
Fantasyxe·roph·thal·mi·a /ˌziräfˈTHalmēə,ˌziˌräpˈTHalmēə/ noun MEDICINE abnormal dryness of the conjunctiva and cornea of the eye, with inflammation and ridge formation, typically associated with vitamin A deficiency.