2nd Drop: A Writer

29 2 5
                                    

2nd Drop: A Writer

"Oh my G." Nasabi ko habang nakatulala sa harap ng laptop ko.


"Oh? Napano ka?" Lumapit sa akin si Pat. Dinungaw niya ang kanina ko pang tinitignan na cursor.


"Ow! Mag-a-update ka na?" Excited na tanong niya.


"Kwento mo naman kung anong nangyari kila Adrianne, oh." Sinundot-sundot niya ang tagiliran ko.


"'Yun nga 'yung problema eh. Hindi ko alam kung anong gagawin ko! Filler chapter lang naman 'to eh." Nagkamot ako ng ulo, na halos dumugo na dahil sa sobrang frustration ko.


"Edi gumawa ka ng kilig scene. Like capital D-U-H." Umirap siya na para bang ako na ang pinakabobong taong nakilala niya.


"Oo 'no? Tapos magbe-break sila sa next chapter. Ganda no'n, eh no?" I sarcastically said. Kainis din ang isang 'to eh.


"Humaygahd! Magbe-break sila?! I can't believe this!" OA na sinabi niya at gumulong-gulong sa kama.


Shet! Bibig ko talaga minsan!


Mabilis siyang nag-type sa cellphone niya at ilang minuto lang ay may nag-pop na notification sa screen ng laptop ko.


SilentDreamer Updates


Guysss!!!!! Magbe-break sila Adrianne at Xylyne!!! Ilang chapies nalang! Mag-ready na ng sandamakmak na tissues!!!


Like|Comment|Share


"Oh my G! Bakit mo sinabi?" Inis na tanong ko sakanya. Kaya nga naka-follow sa akin ang fanpage na 'to eh. Alam ko kasing siya ang admin.

"Eh kasi ikaw eh! Huhuhu." Lumabi siya. She doesn't look cute, by the way.


"Ikaw talaga! Kulang nalang i-expose mo ang identity ko eh! Ang daming readers na tuloy ang nagshi-share ng mga pinagpopost mo."


"Sorry naman daw po, diba? Pero... Uwahhhhhh!" Gumulong-gulong nanaman siya sa kama na parang sinapian habang ngumangawa.


Napailing na lang ako sa kabaliwan niya.


***

Hayyy.

Pumunta ako dito sa park para sana magkaroon ng inspiration na magsulat.


Pero puro mga magsing-irog lang ang nakikita ko!


Hello! One week ago pa po natapos ang Valentines. Hinay naman po sa kalanjutan, baka ma-overdose.


Na.Ka.Ka.I.Ri.Ta.

"Hoy, babe, nakita mo na 'yung post sa SilentDreamer Updates?" Dinig kong usap ng dalawang babae sa may fountain.

Woah! Sounds interesting. Might just eavesdrop for a little bit, just a little bit.

"Oo nga, babe, eh. Sabi nga ni mother dear ba't daw ako biglang umiiyak? Eh tuwang-tuwa nga daw ako kasi nag-post na sa page." Sabi nung isa.

"Hoy, mga babe! 'Eto na ang pinapabili niyo." Dumating ang isang babaeng may dala-dalang heart-shaped na lollipops.

Na-realize kong kasama pala nung dalawa 'yung babaeng pumuputak.

Umupo ako sa malapit na upuan habang pinapanood ang magbarkadang ito. Imbes na bes ay babe ang tawagan nila, unique huh?

"Ay, lol! May naisip ako!" Kanina pa putak ng putak itong isang 'to ah?

"Ano nanaman 'yan, Darleney?" Tanong ng babaeng nakasalamin at naka-rebond ang buhok.

"Paunahan tayong gawing puti 'tong lollipop!"

"Ang dugas mo! Puti na 'yung one fourth ng sa'yo eh! Tapos kinagat na ni Nicole 'yung kanya!" Maktol nung isa pang putak ng putak.

"Dami mo sinabi, fagawin mo rin naman." Umirap 'yung Darleney at dinila-dilaan ang lollipop niya.

In the end, natalo si Mariel at ni-libre niya ang mga kaibigan.

Ang cute naman nila. Na-inspire tuloy ako bigla

Hayyy. May masusulat na 'ko para sa update! Yehey!

***

'I met six little girls, sila Darlene, Samantha, Mecka, Kassandra, Janelle, at Genesis.

Napakabibo nilang anim. Nakisali ako sa 'tournament' nila sa Jackstone.

Si Darlene 'yung mataray pero hindi maarte. Sabog-sabog nga ang buhok eh.

Si Samantha naman ang singer plus dancer plus narrator. Siya rin ang may ka-MU dati pero hindi na ngayon. Siya 'yung masaklap ang lovelife.

Si Mecka naman, parang si Samantha. Singer plus dancer din. Pero siya, may Daddy Rence na ka-MU.

Si Kassandra naman. Siya 'yung taga-ipit ng buhok kahit na lawlaw. Wala rin siyang pake sa lovelife niya. Kung si Samantha, masaklap ang lovelife? Siya, walang pake!

Si Janelle naman na crush ng bayan. Pati ang pinakasiga nilang kaklase ay may gusto sakanya, pero si Darlene na daw ang bago.

Si Genesis... Wala along ibang masabi kung hindi dyosa!

Hayyy. Kahit papaano naman ay nakalimutan ko ang mga problema namin ni Adrianne. Thanks to these makukulit kiddos.'

I typed then saved my draft.

____________________________

Yieee! Special mention ang ILabU4EhVerrr.

Update: Wtf! Ganito pala ako dati AHAHAHA! Hala! 2020 na, ghorl! Bumalik lang ako para mag-edit ng kajejehan.



Her TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon