CHAPTER 15 (The Strain)

80 9 1
                                    

Hindi ako makapaniwala na laman ng society pages si Elissa at Edward. Lagi silang magkasama at napaka-affectionate ni Edward dito. Ganyan din ang mukhang pinakita niya kay Katherine Lane n'ung nililigawan niya pa ito. Syempre kahit anong deny ko nasasaktan talaga ako.

Nanatili ako dito sa hacienda. Parang 'di ko yata kayang bumalik ng Manila. Ayokong harapin ang katotohanang natalo na naman ako sa pag-ibig. I've always bee the loser kahit na sa mata ng lahat eh ako ang isa sa pinakaswerteng tao sa mundo. Hindi ako swerte. Hindi ako nanalo. Lagi akong talo.

Hindi magawang mabura bg ganda ng tanawin ang sakit sa dibdib ko. Mas lalo kong naramdaman ang absence ni Edward sa buhay ko. Ngayon ko na-realize na ginugulo niya lang siguro ako kasi nasaktan siya nang magpakasal si Katherine Lane kay Damien.

Ang sakit.

"Hija?" Napalingon ako kay Tita Cecil. Nakabalik na siya from Spain.

"Hi tita." Napangiti ako sa kanya. Parang nanibago siya sa nakita niya sa akin. She smiled at me and gave me a big hug.

"I've never seen you this bare before. Parang nung bata ka lang. I missed those curls and cheeks. Your bare face is so beautiful. This whole simplicity is so refreshing, Ayesa." She joined me in the grass as I lie staring on the clouds.

Ramdam niya ang iba sa akin. Nasasaktan kasi ako. Sa lahat naman kasi ng lalaki sa mundo kay Edward Corpuz pa ako nahulog. Sa dinami-daming lalaki. Bakit nga ba? Bakut ang hirap mahanap ng tamang taong magmamahal sa akin? Ano nga bang kasalanan ko? Ano? Ang hirap eh. Nakakapagod na.

Huminga ako nang malalim at pumikit. Hinayaan kong tangayin ng hangin ang buhok ko at ang dress na suot ko. Gusto kong magpatangay na lang sa hangin. Gusto kong gumaan ang pakiramdam ko kasi kahit anong pilit ko siya lang ang naiisip ko.

Hindi ako makatulog. Tuwing ipipikit ko kasi ang mga mata ko, siya lang ang nakikita ko. Kahit mag-isa ako sa kwarto, boses niya ang naririnig ko. Kahit wala siya, nararamdaman ko ang init ng balat niya sa katawan ko.

Bakit ba kasi hindi niya ako magustuhan? Bakit nga ba? Ang hirap na hirap na kasi.

I covered my face with my arm. Nag-umpisa na akong umiyak. Niyakap ako ni Tita Cecil. Nakahiga na din siya sa damuhan.

"Hija, ayoko talagang umiiyak ka. Alam ko kung bakit ka umiiyak. Hindi ka ganito noon kay Damien. Ngayon lang kita nakitang nasaktan. Mahal na mahal mo na ba talaga siya?" Tanong ni tita sa akin habang mahigpit na nakayakap sa akin.

"Opo. Kahit pala anong pigil ko gustong-gusto ko talaga siya. Parang sasabog ako nung isabg araw sa sobrang sakit. Balak niyang pakasalan si Elissa, tita. Akala ko... akala ko nagbibiro lang siya. Akala ko lang pala."

Her comfort is what I need. Ganito siguro ang pakiramdam ng may nanay na pwede mong pagsabihan ng mga problema. If only my mother would act this way, sana hindi ako ganito ka-insecure sa sarili ko. Sana hindi masama ang ugali ko. Sana mas marami oa akong kaibigan. Sana. Puro na lang sana.

"May mga bagay talagang hindi natin pwedeng pilitin, hija. Maybe he's not meant for you. Maybe, iba pala ang nakatadhana. 'Wag mo munang isara ang puso mo. Hindi mo alam ang mangyayari sa hinaharap. Pwedeng siya pala talaga, pwedeng iba." Patuloy lang ako sa pag-iyak. Sobrang bigat na pala ng dinadala ko. Siguro ilalabas ko na lahat ngayon para isahang sakit na lang. Para isahang pagkatalo na lang.

"This is the last time I will cry for him, tita. Hindi ko na kayang ganito. Ayoko nang umasa. Ayoko nang masaktan. My parents didn't end up how I've always hoped them to be. Wala, broken family na talaga kami. Dapat hindi na lang ako nabuhay. Sana hindi na lang sila nagpakasal."

"Don't say that." Saway naman ni tita.

Huminga nang malalim si Tita Cecil.

"Ngayon ko lang ito iku-kwento sa 'yo. I want you to know the real story, in my perspective. Hindi kasi ako bias tao kaya wala akong kakampihan.  Your mother was only nineteen when she met your father. She's a college student sa unibersidad kubg saan dating investor ang daddy mo. Her exquisite beauty caught his attention. She was just as beautiful as you are nubmbg magkaedad kayo. Pareho kayo ng tindig, sa lahat. Maliit pa noon sila Timothy at Brandon kaya lagi akong nandito lang sa hacienda para bantayan sila. One time, I heard your dad talking to your grandmother. He was pleading her to pressure her dad, a manager at his law firm, to force your mom to marry him. Syempre, hindi nagustuhan ng mommy mo ang nangyari. Pangarap niyang maging Flight Stewardess. Gusto man niyang matupad, hinarangan ng daddy mo." Kumalas ako sa pagkakayakap kay tita.

A Little Less Lonely Together Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon