Chapter 2

18 6 0
                                    


Maaga akong gumising ngayon dahil pinapapunta ako ng staff ng New Faraday University dahil madami daw akong fifillupan at ipapasang requirements para makapasok ako chuchu.

9:00 am ng dumating ako sa tapat ng NFU.

"Yes. Makakapasok nako sa pinapangarap kong pasukan na school. Thank you, Lord." Nakangiting sambit ko sa isip habang nilalasap ang hangin na tumatama sa mukha ko.

Pumasok nako at agad na pumasok sa admin's office.

"Miss Estrada, Riley?" Bungad saakin ng isang magandang babae. Maputi ito at may bangs na bahagyang natatakpan ang mga mata nito. Mukha syang nasa 25 lang.

"Opo."

"Come in. Dala mo ba lahat ng requirements?"

"Yes po."

"Okay. Fill up this form." Sambit nya sabay abot saakin ng papel. Habang nagfifill up ako, rinig na rinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Hey, Gayle whats up?" Rinig kong sambit ng isang lalaki. Hindi ko sila pinapansin at tuloy parin ako sa pagsusulat.

"Nadala mo naba 2x2 picture nyo?"

"Yeah."

"Okay wait i just go get the stapler."

"Sure. Take your time" Mahinang sambit nito. "Riley?" Nagulat ako ng tawagin nya ako. Napatingin naman ako sa lalaking kanina pang nasaharapan ko.

"I-ikaw?!" Gulat na ani ko. Jusmiyo naman! Nagkita pa kami dito.

"Wait. Do you know each other?" Tanong nung babae ng makarating sa tapat namin.

"Hindi." Ako.

"Yes."

Halos sabay naming sambit. Agad naman syang napalingon sakin at tila may malaking question mark sa ulo nya. Tinignan ko sya ng bahala-ka-dyan-look.

"Maam tapos na po ako. Meron pa po ba akong kaylangan fill upan?" Nagmamadali kong tanong sa magandang dilag na nasa harapan namin.

"Ah wala na. Kaylangan mo nalang bumili ng libro at uniform pero pwede namang hindi ngayon. Ito narin ang reg form mo." Thankyou Lord!

"Thank you po miss." Dali dali akong lumabas sa admins office.

"Gayle alis nako." Rinig kong masayang bigkas nung hukluban! Nakakainis. At sa lahat ng lugar kaylangan dito ko sya makita? Kulit pa naman nito. Nagmamadali kong tinahak ang hallway.

"Oy Riley wait!" Hangos nito na tumakbo papalapit saakin.

"Ano na naman?"

"Youre studying here?" Tanong nito. "I've been studying here for a long time and ngayon lang kita nakita."

"Bago lang."

"Oh i see."

"Bye na kaylangan ko na umalis."

"Oh wait. Hmm. I will hatid you if you want."

"Wag na. Thank you! Babye!" Pagmamadali ko atsaka ako lumabas ng campus. Whoa! Grabe hingal ko para akong hinabol ng zombie.

Kinaumagahan..

8am palang ng dumating ako sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko. Along the way kami nakapwesto kaya expected talaga na madaming tao.

5pm na at ramdam ko na ang pagod ko. Gusto ng humiga ng katawan ko, sumasakit na rin ang ulo ko kaya pinaupo muna nila ako sa gilid. Habang nagpapahinga ako nakarinig ako ng sigawan.

"S-s-sorry po." Napabalikwas ako ng marinig ko ang paiyak na boses ni Kyla. Ang bestfriend ko. Agad akong napatayo at pumunta sa dereksyon nya.

"Tatanga-tanga ka kasi! Kung hindi ka ba naman tanga!" Rinig kong singhal sa kanya ng isang lalaki.

"Ano nangyayare?" Tanong ko kay Ericka na nasa counter.

"Natapunan ni Kyla ng kape yung sapatos nung customer." Sagot naman nito. Agad akong lumapit sa kanila.

"Wait sir. Foul words na yan.Parang sapatos lang nagiinaso kana. Akin na lalabhan ko para tumigil kana." Mainit ulong sambit ko. Alam kong customer is always right kaya lang mali na eh.

"Who the hell are you?!" Inis na sambit nito saakin.

"I dont need to tell you who i am! Nagsorry na sya, i think its already enough."

"Riley? Cole, whats going on?" Nabaling ang tingin namin ng dumating si Steve.

"What?! Do you know her?!" Singhal na naman nito. Ano ba! Laki ng problema nito eh!

"Yes. Were friends." Friends mo mukha mo eh di ko nga alam last name mo. Paepal ka rin no.

"What?! Nakikipagkaibigan ka sa uneducated human being na to?!" Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Dinuro ko yung dalawa nyang mata gamit ang dalawa kong daliri dahilan para mapapikit sya.

"Wag mokong minamata!! Baka palabasin ko yang mga mata mo! Parang sapatos lang nagkakaganyan ka para kangbata!"

"What did you say?!" At tila aambahan nya ko ng suntok.

"Cole, stop." Awat ng mga kasamahan nya.

"Ituloy mo!! Bakla kaba?!" Panghahamon ko.

"your salary for whole 5years are not enough just to pay my fucking shoes! Hampas lupa!" Pagaamok parin nito.

"Eh kung ikaw kaya ang ihampas ko sa lupa!" Sigaw ko at tsaka ko sya hinawakan sa braso.

"You bitch!!!" Panghihimutok nya sa galit.

"Riley, tama na." Pagawat sakin ni Sir Felix. At sila Ericka at Kyla ay hinihila na ako papasok sa staff's room.

"Wala kang balls!!!" After kong isigaw yun ay nagtawanan ang mga tao sa coffee shop pati narin ang mga kasama nung mayabang na yun. Hinila naman ako papasok ni Ericka sa loob.

"Jusko, Riley. Ano ba pumasok sa isip mo."

"Pinaiinit nya ulo ko!" Sambit ko.

Mabilis lang na sumapit ang mga araw. 3 araw nalang maguumpisa na ang klase kaylangan ko ng makabili ng uniform. Kaya andito ako ngayon sa NFU. Pagpasok ko sa parang room sya tapos punong puno ng uniform yung kulay white na may lighning ng sky blue para sa mga primary students, yung light blue naman ay para sa mga secondary at ang navy blue na skirt para sa tertiary.

"Magkano po sa isang set ng uniform?"

"Blouse, skirt, high socks, neck tie is 7,500." Sagot ng babaeng nagaassist sakin. "Isukat mo na itong medium dun sa fitting room."

Pumasok ako sa fitting room pero hindi agad ako nagsukat sa halip ay kinuha ko ang resibo ng binili kong libro kanina. Mahigit 8 iyon kaya halos pumatak ng mahigit 10,000. Kahit pala may scholarship ka di ka parin makakatakas sa bayarin. 18,000 lang ang naipon ko kaya napagpasyahan ko na isang set nalang muna ang bibilhin ko.

Dali dali akong nagsukat atsaka ko nakitang kasya naman saakin. Nagbihis ako ulit atsaka lumabas na.

"Okay na po miss." Sambit ko.

"Sige ilalagay ko na sa paper bag paki bayaran nalang sa cashier." Lumabas ako ng kwarto atsaka nagantay bumukas ang elevator. Nasa ground floor kasi ang cashier.

Pagkabukas ng elevator bumungad sakin ang gulat na mukha ni steve.

"Riley?" Sambit nito.

"Ikaw na naman." Ani ko atsaka ako humakbang papasok ng elevator. Bahagya namang tumawa ang lalaking kasama ko.

"Pauwi kana?" Tanong nito. Umiling naman ako. "Hmm. Riley, sorry for what my friend done."

"Ts. Okay na yun."

"He's always been like that. Such a---" pinutol ko ang pagsasalita nya.

"Brat!"

"Yeah, but he's a good person."

"Maybe? Bye Steve." Ani ko at saktong bumukas ang pintuan ng elevator hudyat na nasa groundfloor na kami. Nauna akong bumaba atsaka nagmadaling nagtungo sa cashier.

After ko magbayad at makuha ang uniform ko ay dumiretso nakong umuwi. Malapit na ang pasukan.

--

Clark Oliver L. Evans or COLE☝️

Help Me, I'm LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon